Vice awoke with a strangled cry.
Nilamukos niya ang kanyang mukha at tsaka tumingin sa paligid.
"Karylle." nangangarag ang kanyang boses dahil sa masakit niyang lalamunan. Inaasahan niya na makita si K sa tabi niya. Instead, si Anne itong tumayo ng marinig ang boses ng kaibigan.
"Vice!" she hissed.
Tinignan muli ni Vice ang kanyang paligid. Wala siya sa condo niya, nakila Anne siya.
And Karylle...Karylle was with Yael.
Napatingin siya sa may wall clock na nakasabit sa may dingding malapit sa may pintuan, mag aalas-kwatro palang. Napatingin din siya sa bintana at nakita na madilim pa. Bumagsak siya muli sa higaan, hindi maintindihan kung out of relief or sadness, at tsaka nagsimulang umiyak muli.
"It was just a dream, Vice." ang sabi ni Anne na siya namang humahagod sa kanyang likod at pilit siyang pinapatahan.
Umiling lang naman si Vice.
"Paano kung hindi? Paano kung hindi"
~
Unti-unting bumukas ang mga mata ni Karylle, naupo siya, lumilihis ang kumot na siyang nakataklob sa kanyang katawan.
Ang sakit ng ulo niya dahil sa hangover ng nakaraang gabi.
Umupo siya at umungol. Ang sakit ng buong katawan niya.
Tumingin siya sa madilim niyang paligid, ang malakas na paghilik ang nagsabi sa kanya na may katabi siyang natutulog.
Si Yael ito.
Pinagtagpi-tagpi niya ang nangyari nang nakaraang gabi. Naalala niya na isinama siya ni Yael sa apartment niya. Ang dami kasing pasa at galos ang inabot nito gawa nung ginawa ni Vice. Ganunpaman ang tanging gusto lang ni K ay umuwi at hanapin si Vice at kausapin. Pero pinilit siya ng mga katrabaho nila na inuwi daw niya Yael at alaagan. Naalala niya na boyfriend niya pala si Yael, at trabaho niya bilang girlfriend na alagaan ito.
Nang makarating sila ay inaya siya ni Yael na uminom, na siya naman niyang tinanggap. Lahat ng nangyari kanina, lalo na yung pag-amin ni Vice ng feelings niya ang naging dahilan para makalimutan niya ang bilang ng mga iniinom niya. Naalala na lang niya na tinutulak siya ni Yael papunta sa kwarto at nakalimutan nanaman niya kung paano humindi.
The rest of it was a blur but K remembered comparing Yael's kiss with Vice's.
Tumingin siya sa may night stand ni Yael. Mag-aalas kwarto na.
At ang panaginip niya. Sariwa parin ito sa kanyang alaala, yung tingin ni Vice sa kanya. Binabagabag parin siya nito.
Tahimik siyang tumayo at pumulot ng kahit ano mang damit ang mapulot niya. Nahanap niya ang kanyang jeans at ang shirt ni Yael, agad niya itong sinuot at tsaka pumunta sa may kitchen. Gusto lang talaga niya ng tubig at gamot para manlang mabawasan ang headache niya.
BINABASA MO ANG
Love me Again
FanfictionMaibabalik pa nga ba ang pag-ibig na nawala? ViceRylle Story. Underconstruction. Completed.