19

5.3K 126 39
                                    

a/n: dapat kahapon to e...kaso umalis kami :(

anyways, salamat sa lahat ng nagreview sa nakaraang chapter.. 

Ang unang nakita ni K pagkagising niya ay ang mga mata ni Yael na nakatitig sa kanya. Agad siyang humikab at nag-inat. Lumingon siya sa paligid, so nangyare nga ang lahat.

"Morning gorgeous." Yael said, pressing his lips to hers. Ngumiti si Karylle.

"Morning." ang maikli niyang sagot.

"I was going to make you breakfast in bed...but I found myself staring at you and I couldn't stop." lalong lumaki ang ngiti ni K bago bumangon.

"Mm, breakfast in bed sounds good." she said sleepily. Hinalikan ulit siya ni Yael sa may noo bago tuluyang tumayo. Iniiwas naman ni K ang kanyang tingin ng mapansing wala paring damit si Yael habang naglalakad.

Kumuha ito ng tuwalya at itinapi sa kanyang pang-ibabang parte ng katawan bago lumabas ng kwarto.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Karylle ng naiwan na siyang mag-isa sa kwarto. Last night had been...interesting. Pero hindi niya talaga inaasahang aabot sa ganoon ang lahat. Pero hindi rin naman siya makahindi, hindi niya rin naman kasi alam kung paano.

She liked him, definitely, but for some reason she imagined that his hands would be softer, that it would've lasted longer, that it wouldn't have been as frantic.

Para kasing napakadesperado naman niyang may mangyari kaagad sa kanilang dalawa.

I guess that makes sense. He said he's been in love with me for a long time... Karylle reasoned. Yael poked his head through the door.

"Nakalimutan ko lang tanungin, anong gusto mong luto ng itlog?” tanong niya.

"Oh...um..." hindi niya alam. Sunny side up lang naman ang niluluto sa kanya ni Vice, at gustong gusto niya ito. “Sunny side up nalang siguro.”

"Huh." Yael said. "Ok, I'll do my best." ang huli niyang sabi bago muling bumalik sa may kitchen para magluto. Tumayo na si K at pinulot ang mga piraso ng kanyang mga damit. Nang nakapagbihis na siya ay lumabas na siya ng kwarto.

Pinagsilbihan siya ni Yael ng breakfast.

"I tried. Sorry, I broke the yolk." naupo si Karylle sa may dining table at tinignan at itlog. Lutong luto ang itlog, mukha na ngang scrambled, pero pinilit parin ni K ngumiti.

"Okay lang."

"Well, magaling akong magluto ng pancakes.” he insisted. Kagaya ng ginawa niya kanina, ay muli lang ngumiti si Karylle habang pinapanood si Yael na magluto. Naglagay na ito ng mix sa may kawali, at nang maluto na ang isang side binaligtad na niya ito. Pagkatapos niya itong lutuin ay sabay na silang kumain ni K.

I can get used to this. Naisip niya bago muling uminom ng kanyang gatas.

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon