gh.1

1.4K 41 12
                                        

PAANO NAGSIMULA ANG LAHAT?

VICE

Hay! Nakakapagod naman. Andito ako ngayon sa kotse ni mama. Actually, nagddrive sya. Papunta kami sa bahay niya...nila? Oo. Galing kasi ako ng New York, kakasundo lang sakin ni mama from airport. Gusto na kasi nya akong makasama.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, lagi akong kinekwentuhan ni mama sa facetime tungkol sa bago nyang pamilya. Mabait naman daw ang mapapangasawa nya. Yup, magpapakasal palang sila. At may dalawa daw itong anak. Isang lalake, at isang babae. Mabait din naman daw. Ewan ko lang. Tss..

Natigil ako sa aking pag-iisip ng maramdaman ko ang kamay ni mama sa kamay ko. Tiningnan ko sya, "Everything will be fine.." sabi nya sa akin at ngumiti. Tumango lang naman ako sa sinabi nya. Matutulog muna ko kasi mahaba-haba pa daw ang byahe.

Halos isang oras din ang nakalipas ng maramdaman kong may yumuyugyog sa braso ko. Napadilat ako ng mata, at tumingin kay mama. Nakangiti sya sa akin, "Andito na tayo, Vice." I rub my eyes, inaantok parin kasi ako. Lumabas sya ng kotse at ganun din naman ako.

"Hey, you're here!" salubong ng isang lalakeng matangkad, niyakap naman sya ni mama. Sya ata ang mapapangasawa ni mama. "Hun, this is your tito Richard." sabi sa akin ni mama, tumingin naman ako dito. At ngumiti. "Nice to finally meet you, tito." sabi ko. "It's really good to meet you, son!" masiglang sagot nya. Natawa nalang ako.

Niyaya nya kaming pumasok sa loob. Malaki yung bahay nila...na magiging bahay ko narin kasi nga dito na ko titira. Sinalubong ako ng isang batang maliit. Ay? Ang cute! "Hello po, ikaw po si kuya Vice?" hala omg! Ang cute talaga nya!! Napangiti ako, at lumuhod kaunti para magpantay kami. "Oo ako si Kuya Vice, ikaw? Ano name mo?" tanong ko sa kanya. "Ako po si Aimi.." nakangiti nyang sabi. I pinched her cheeks, nakakagigil sya "Cute mo naman..." sabi ko, ngumiti sya at tumakbo papuntang..kitchen ata?

"Feel at home, son. Bahay mo na to ngayon." napatingin ako sa likod ko at nakita si tito. Tumango lang naman ako at ngumiti. Si mama naman dumiretso ng kwarto nila, magbibihis daw. Ako kaya? San ang kwarto ko?

"Hey son, hindi pa pala tapos yung kwarto mo. Dun ka muna sa kwarto ni Bill, yung panganay ko. Okay lang ba?" tumango lang naman ako sa sinabi ni Tito. "Halika, turo ko sayo kung saan ang kwarto mo." naglakad na si Tito papuntang second floor, nakasunod lang naman ako sa kanya.

Tinuro sakin ni tito yung kwarto nila mama. Mga dalawang kwarto pa ang nadaanan namin bago sya tumigil sa harap ng isang pinto. Kinatok nya ng tatlong beses pero hindi parin bumubukas. "Hay naku, malamang naglalaro nanaman to." bulong ni tito at 'saka pinihit yung doorknob.

"Bill, nandito na ang anak ng tita Dawn mo!" naglakad ako papunta sa harap ng pinto para makita si Bill.. Nang makarating ako sa bukas na kwarto ay agad akong napalunok... Shet. Eto ba si Bill?! Bat....bakit...kasing edad ko?

"Dad! Bat di mo sinabi na ngayon sya dadating! Ang kalat ng kwarto namin!" sigaw ni Bill...? kay Tito. Pinitik naman ni Tito ang noo nito, "Terrence Bill Romeo, kahapon ko pa pinaalala sayo na mag-ayos ka ng kwarto. Tss" napa-pout naman sya. Oh my Gosh! Vice pigilan mo yan, magiging kapatid mo sya! Pero di ko naman kadugo eh? Pero wait teka?! Pinagnanasaan ko na agad?! Awkward to.

"Ikaw ng bahala kay Vice.. Vice mauna na ko" paalam ni tito samin, tiningnan ko naman si Bill. Ngumiti sya sa akin, at hinila papasok ng kwarto ang maleta ko. Sumunod narin ako.

"Ito higaan mo. Uhh. Ayan yung banyo..." turo nya sa isang pinto sa gilid, "..pwede ka magshower jan." sabi nya. Tumango lang naman ako. "Ah, ako nga pala si Terrence Bill. Terrence nalang itawag mo sakin kase lahat sila Bill eh! Para maiba lang. Haha!" tuloy-tuloy na sabi nya, "Oh. Okay. Ako si Jose Marie. You can call me Vice. Vice nalang." sabi ko naman at naglakad papunta sa kama ko, umupo ako.

"Vice...? Saan naman galing yung Vice? Eh Jose Marie pangalan mo?" tanong nya, "Jose Marie Viceral kasi buong pangalan ko. Vice galing sa Viceral." paliwanag ko, "Wow! Galing!" na-amaze naman sya. Parang ewan naman to. Ang hyper masyado. "..ayaw mong tawagin kang Jose?" tanong nya, lumaki naman ang mata ko sa sinabe nya. "Don't you dare." sabi ko. Napatawa naman sya. "Hahaha! Okay. Vice. Vice nalang."

Kumuha ako ng damit sa back pack ko, at tumayo. "Shower lang ako." paalam ko kay Terrence. Tumango sya at inistart ulet yung laro sa xbox nya. Ito ata yung ginagawa nya kanina nung wala pa ko dito.

Pumasok ako sa banyo.. Nagsimulang magshower.. Nagiisip isip..

Ako si Jose Marie Viceral, Vice for short. 19 years old.. Bakla ako...pero hindi alam ng nanay ko. Ayaw ko naman kasing sabihin kasi baka magalit sya. Ang unico iho nya, naging iha na. (ノ'ー')ノ Sa America, medyo malaya pa ako eh. Kasi doon, tanggap nila kung ano ako.. kami.. yung mga tulad namin. Pero dito sa Pilipinas? Paano? Hay. Ang hirap naman. Pero para sa nanay ko, hmm.. tiis ganda nalang!

Pagkatapos ng sampung minuto, natapos na ko magshower. Mabilis lang. Nakakahiya naman kasi, baka nagtitipid sila ng tubig. Charot! Paglabas ko sa banyo, wala na si Terrence sa kwarto. Lumabas siguro. Napansin ko rin na luminis yung kwarto namin. Aba, ayos pala to si Terrence eh. Nag-ayos na ako at humiga sa kama. Nakakapagod ang byahe! Beauty rest muna ang Vice Ganda!


-----
CharDawn ang parents ni Vice at Terrence dito, bata pa sila. teenagers ganon. Very AU tong story na to. Hihihi thank you po sa nagbabasa! Comment nalang sa gusto ᔑ•ﺪ͟͠•ᔐ.ლ Ppai~

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon