"Jose Marie!!!"
Naputol ang lambingan ni Terrence at Vice ng marinig ang sigaw ni Karylle sa labas ng pinto ng kwarto nila.
Agad na naghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa. Ngumiti lang naman si Terrence sa nobya at hinayaan itong buksan ang pinto.
"Oh?" salubong ni Vice kay Karylle. Napataas naman ng kilay ang huli. "Bat naka-lock? Ang arti!" sabi ni Karylle. "Busy kasi si Terrence, ayaw nya ng may maingay na bunganga tulad mo." tinatamad na sagot ni Vice na nakapagpa-pout naman kay Karylle.
"Baliw! Ano bang kailangan mo Ana Karylle?" tanong ulit ni Vice sa pinsan. "Ilibot mo naman ako dito, mall tayo ganern" masayang sabi ni K. "Bukas nalang. Tinatamad ako" sagot ni Vice.
Agad naman itong nakatanggap ng hampas mula kay Karylle. "Aray ha!" sigaw ni Vice, "Hindi mo ba ko namimiss?!" tanong ni K. Hindi naman sya nakatanggap ng sagot sa pinsan kaya mas lalo syang nagpout.
"I hate you for being bitch" sabi ni Karylle at umirap dito. Tumawa lang naman si Vice sa inasal ng pinsan.
"Vicey!"
Sabay na napatingin si Vice at Karylle sa pinanggalingan ng boses.
"Uy, Anning!" tawag ni Vice. Lumapit naman si Anne at bumeso.
"Who is she?" tanong ni Anne kay Vice, habang nakatingin kay Karylle. "Ah. Si Karylle, pinsan ko. K, si Anne. Bestfriend ko." pagpapakilala ni Vice sa dalawa.
Sabay namang ngumiti ang dalawa sa isa't isa. "Hey. It's good to see you." sabi ni K.
"Kayo nalang kaya ang mag-mall?" pagssuggest ni Vice. Napaisip naman si Karylle sa sinabi ng pinsan. "Ayaw ko. Gusto ko kasama ka...and yung step brother mo" ngiting sabi ni K.
Makahulugang nagtinginan si Anne at Vice. "Ano? Cmon Vice! Two weeks lang kami dito oh!" pagpupumilit ni Karylle.
"Busy kase si--" hindi na natapos ni Vice ang sasabihin ng biglang magsalita si Terrence.
"Sure, sama ako."
Napatingin naman si Anne at Vice kay Terrence. Nagkibit balikat lang naman ang huli. "Oh great!! Sasabihan ko lang si Vhong at Greys" masayang sabi ni K at bumaba na.
Napabuntong hininga naman si Anne sa nakitang sitwasyon. "Sige, dun muna ako sa baba. Hintayin ko kayo" paalam din ni Anne.
Walang ganang pumasok si Vice sa kwarto at umupo sa kama, "Oh baby girl? Bakit?" tanong ni Terrence pagkatapos isara ang pinto.
"Ganda nya noh?" biglang tanong ni Vice na nakapagpakunot naman ng noo ni Terrence. "Ha? Sino? Ikaw?" tanong din ni Terrence. Umiling naman si Vice, "Si Karylle..." sabi ni Vice na hindi makatingin kay Terrence.
Nahalata naman ni Terrence ang reaction ni Vice kaya lumapit sya dito at nagbend sa harap nito para magkapantay sila. "Baby girl..." pagtawag ni Terrence kay Vice.
Malungkot naman syang tiningnan ni Vice, "P-paano....paano kung isang araw marealize mo nalang na gusto mo na ulit mag girlfriend?" may takot sa matang tanong ni Vice.
"Paano nga?" balik na tanong naman ni Terrence. "....anong gagawin mo?" dugtong pa nya.
"Minahal naman kita noon kahit may girlfriend ka. H-hindi na siguro mawawala.." sagot ni Vice na pinipigilan ang pag iyak at yumuko
"Haha..." narinig ni Vice ang pagtawa ni Terrence kaya napa-angat ito ng ulo.
"What's funny?" tanong ni Vice.
"Ang cute mo magselos" sagot ni Terrence. Nagpout naman si Vice.
"Baby girl, simula nung maging akin ka. Hindi ko na naisip na tumingin sa iba. Oo napapalingon ako, pero yung puso ko naman, ikaw parin ang gusto." paninigurado ni Terrence sa kanyang nobya.
"B-baby boy...." ang tanging nasabi ni Vice kaya naman niyakap sya ni Terrence at hinalikan sa noo. "Tara na, mag-ayos kana. Para sa akin, mas maganda ka kay Karylle." sabi ni Terrence at hinila patayo si Vice
"I love you baby boy" masayang sabi ni Vice na nakapagpangiti naman kay Terrence. "I love you more, baby girl" sagot ni Terrence at nilapatan ng matamis na halik si Vice sa labi.
.
.
.Masayang naglalakad si Anne at Karylle sa mall samantalang nakasunod lang naman si Vice, Terrence, Vhong at Greys sa likod.
"Anne, how close si Terrence and Vice?" out of nowhere na tanong ni Karylle kay Anne. "Super close, why?" sagot ni Anne. Umiling lang naman si K. "They're cute together... Uhm, I mean, ano.. Cute silang magkapatid" sagot ni K. Ngumiti lang naman si Anne.
"Greys, wala kabang bibilhin?" tanong ni Vhong sa bunsong kapatid. "Oo nga, Greys." sabi ni Vice. "Wala. Napilitan lang naman akong sumama dito. Tsk" sagot ni Greys.
Nagkibit balikat naman ang tatlo.
"Vice, halika nga dito!!" tawag ni Karylle sa pinsan. Lumapit naman si Vice, "Shopping tayo, hayaan mo na yung ibang boys jan" sabi ulit ni K at hinila na nilang dalawa ni Anne si Vice.
"Vice, tell me more about Terrence" ngiting sabi ni K ng makalayo-layo silang tatlo sa iba nilang kasama.
Hindi naman nakasagot si Vice, at ramdam nya ang titig ni Anne sa kanya kaya tumingin sya dito para humingi ng tulong.
"Do you like Terrence? He's not single, K." singit ni Anne sa usapan ng magpinsan. "Oh. Maganda ba girlfriend nya?" interesadong tanong ni K. "Oo, maganda." sagot naman ni Vice, hindi naman mapigilan ni Anne na mapangiti.
"Sana mameet ko sya, soon." sabi ni Karylle. "Why?" tanong ni Anne. "Para alam ko kung sinong kakalabanin ko? Chos!" biro ni K. "Ay sobra sya o!?" ang tanging nasabi ni Vice.
Tumawa lang naman si Karylle at pumasok sa isa sa mga store sa mall.
"Vice..." tawag ni Anne kay Vice, malungkot namang ngumiti si Vice dito. "Feeling ko, nanttrip lang si Karylle." sabi ni Anne. "Tingin mo?" malungkot na tanong ni Vice. Ngumiti lang si Anne para iassure si Vice na magiging ayos din ang lahat.
Ilang oras na nag-ikot ikot ang tatlo hanggang sa hindi na sila makatiis at tinext na nila ang mga kasama nila para kumain.
Ilang minuto lang ay nagkita kita na silang muli at sabay-sabay na pumasok sa isang restaurant.
Magkatabi si Vice at Terrence samantalang nasa harap naman nila si Karylle na katabi ni Anne.
"Hi Terrence.." pagkuha ni Karylle sa atensyon ng kaharap. Sabay namang napatingin si Vice at Terrence dito. "Ah, hi?" ilang na sabi ni Terrrnce. "Describe your ideal type" walang prenong tanong ni K.
Napalunok naman si Vice sa narinig. Inaabangan kung sasagot ang nobyo o hindi.
"Matangkad, matalino, magaling sumayaw, maputi." sagot ni Terrence at hinawakan ang kamay ni Vice na nasa ilalim ng mesa. Napangiti naman si Vice sa ginawa ng nobyo.
"Oh. Ako yun eh, fail lang sa magaling sumayaw. Haha!" natatawang sagot ni Karylle at bumaling kay Anne, "Ikaw Anne? Do you have a boyfriend?" tanong naman ni K. Umiling si Anne "Wala." simpleng sagot nito at uminom ng tubig na nasa baso.
"Hmm, girlfriend?" tanong ulit ni Karylle kay Anne. Halos maibuga naman ni Anne ang iniinom sa narinig na tanong. "What? I don't have a girlfriend" natatawang sagot ni Anne.
"Eh? Naisip mo naman na ba na magka-girlfriend?" pangungulit pa ni K. "Parang di pa naman sumasagi sa isip ko yun, girl" sagot ni Anne.
"Gusto mo ma-try?" tanong ulit ni K. "Is that a proposal, K? Haha.." biro ni Anne.
"Yup" sagot ni K.
Sasagot na sana si Anne ng biglang dumating ang pagkain nila.
"Ohhh. Kainan na!" sigaw ni Vhong na nakaupo sa tabi ni Vice.
____;
HAPPY VALENTINES!!!
- mallowseobie
