gh.2

1K 48 10
                                    


Nagising si Vice sa pagkakaidlip nang maramdaman nya ang dalawang pares ng mga matang nakatitig sa kanya. "Ahm, Vice kakain na daw." sabi nito, unti-unti namang bumangon si Vice, "Ah sige Terrence, susunod nalang ako sa baba." ngiting sabi ni Vice. Ngumiti lang din naman si Terrence at tumango.

Lumabas ng kwarto si Terrence, at nagsimula ng mag-ayos si Vice.. Pagkababa nya sa kanilang hapagkainan ay nandun na ang kumpletong pamilya nya. "Hun, kain na." pag-aya ng ina ni Vice sa kanya. Umupo naman si Vice sa tabi nito, kaharap ni Terrence.

"Son, kamusta ka naman? Magkwento ka sa buhay mo sa America." panimula ng ama ni Terrence. Tila na-awkwardan naman si Vice dahil dito. Napansin naman ito ni Terrence kaya bigla syang nagsalita. "Dad, pakainin mo muna si Vice." sabi ni Terrence at natawa. Natawa lang din ang mga kasama nila sa hapagkainan. "Okay lang naman buhay ko sa America, tito. Pero syempre miss na miss ko na talaga si mama kaya pakiramdam ko, mas okay dito." sagot ni Vice sa tanong ng kanyang tito Richard. "Mabuti naman kung ganun, feel at home lang anak." pahabol naman ni Richard at nagsimula ng kumain.

Matapos kumain, ay bumalik na si Vice at Terrence sa kanilang kwarto. Dumiretso si Vice sa kanyang kama, samantalang sa video game naman dumiretso si Terrence. "Vice.." pagtawag ni Terrence kay Vice, napatingin naman si Vice dito. "Bakit?" tanong ni Vice. "Ang tahimik mo noh? Hahaha." sabi ni Terrence. "Ah..,eh." walang masabing usal ni Vice, kaya naman lalong napatawa si Terrence.

Lumapit si Terrence kay Vice, at umupo sa kama nito. "Hmm, bilang magkapatid naman na tayo.." panimula ni Terrence na tila nagpakirot naman sa dibdib ni Vice. "...sana magkakakilala pa tayo, kasi wala akong kapatid na lalake." pagtuloy ni Terrence. "Ah. Oo. Uhm, ilang taon ka na ba?" tanong ni Vice sa kapatid. "18.. Ikaw?" tanong naman ni Terrence, "19 ako." sagot ni Vice. Lumaki naman ang mata ni Terrence sa narinig, "Woah! Kuya Vice!" natawa si Vice dito at nagsalita, "baliw!" ang tanging nasabi nalang ni Vice.

-----kinabukasan

Tanghali na ng magising si Vice, kaya wala na si Terrence sa kama nito ng bumangon sya. Nag-ayos sya ng sarili at bumaba. "Good morning, kain na." bati sa kanya ni Terrence. Nagulat naman si Vice, dahil nakatopless si Terrence at may apron. Napa-iwas ng tingin si Vice at umupo na lamang para magsimulang kumain.

"Masarap ba?" tanong ni Terrence na nakaupo sa harap ni Vice. SHEREP! ENGSHEREP! sa isip-isip ni Vice dahil nakatopless parin si Terrence sa harap nya. Napa-iling naman si Vice sa kanyang iniisip. Nakita naman ni Terrence na napailing si Vice kaya nagreact sya, "Ha?! Hindi masarap yung niluto ko?!!! bakit? Di ka ba sanay? Iba ba ang lasa ng hotdog at itlog sa America?" tuloy-tuloy na tanong ni Terrence, kaya napatawa naman ng malala si Vice.

"HAHAHAHAHAHA para kang baliw! Dehhh. May naisip lang kasi ako kaya ako napailing. Pero yung pagkain na niluto mo, masarap." sabi naman ni Vice. Napatulala nanaman ng very light si Terrence, at napansin ito ni Vice. "Oh baket?" tanong ni Vice, "Ang haba ng sinabi mo... At tumawa ka..." wala sa sariling sabi ni Terrence, kaya binato ni Vice kay Terrence ang tissue na nasa harap nya. "Para kang baliw! Hahaha" sabi ni Vice at tinapos na ang pagkain ng almusal slash lunch.

Matapos kumain, si Terrence narin ang naghugas ng pinagkainan nila. Pumunta naman si Vice sa kwarto nila, at kinuha ang phone nito. "Ay lowbatt?" sabi ni Vice habang bumabalik ng sala. "Oh my God!" pasigaw na sabi ni Vice na nakakuha naman ng atensyon ni Terrence na kakatapos lang maghugas ng pinggan. "Anong nangyari?" tanong ni Terrence

"This can't be real! Mas malala pa to sa panaginip kong...." biglang napatigil si Vice sa sasabihin at huminga ng malalim. "He's dead...." malungkot na sabi ni Vice. Nagulat naman si Terrence sa sinabi ni Vice, "Ha?!! Sinong namatay?!" kinakabahang tanong ni Terrence. "My phone is dead..... Hindi gumagana dito sa Pinas." nagpout na sabi Vice, natawa naman si Terrence doon. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA kala ko naman kung ano! OA mo naman kapatid" sabi ni Terrence, kaya naman lalong nagpout si Vice.

x

Pagsapit ng gabi. Sabay na umuwi ang mga magulang ni Terrence at Vice. May dala itong pizza, kaya naman masaya silang sinalubong ng magkakapatid. "Oops, kakain muna tayo ng dinner bago yan." sabi ng nanay ni Vice. "Watchu gonna, watchu gonna do with that dessert.. dog cat binaliktad---" hindi na natuloy ni Terrence ang pagkanta ng takpan ni Vice ang bibig nya, "Ang ingay mo Terr!" sabi ni Vice. Napatahimik naman si Terrence. "Bat, Terr tawag mo sakin?" natatawang sabi ni Terrence. "Nakakatamad ipronounce." sagot ni Vice kaya pinisil ni Terrence ang pisngi nito, "Cute cute mo Kuya Jose! Hahaha" hyper na sabi ni Terrence at umupo na sa hapagkainan.

"Vice, regalo namin sayo." sabi ng tatay ni Terrence at inabot ang paper bag. Tinanggap naman ito ni Vice at binuksan. Nanlaki ang mata nya ng makita nya ang iPhone7 "Tito.. Grabe naman to.." sabi ni Vice. "Pa-welcome namin yan sayo, Vice.. at tsaka tinawagan kasi ako nitong si Bill kanina. Hindi daw gumagana phone mo dito. Kaya ayan, binilhan na kita. Welcome home." sabi ng ama ni Terrence. Namula naman si Vice sa narinig. "T-thank you po tito. Thank you, Terr." sabi ni Vice. Tumango lang naman si Terrence dahil kasalukuyang puno ang bibig nya sa sinubong slice na pizza. Natawa naman si Vice dito at nagsimula naring kumain.


----
kruk kruk inamerz
- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon