--
Kasalukuyang nagpapakain si Terrence sa kanyang teammates at coach. Kakatapos lang ng practice nila, kaya naman dumiretso na sila sa isang restaurant para kumain.
"Bro!! Happy birthday!" sabi ng isa sa mga teammates nya. "Hoy, anong Bro? Ako lang may karapatang tumawag ng bro jan!" sigaw naman ni Mike, "Clingy mo naman papi!" sigaw pa ng isa kaya naman nagtawanan lahat.
"Loko kayo, haha! Taken na ko!" natatawang sabi ni Terrence, natahimik naman si Mike dahil dito. Hindi kasi alam ng teammates nila ang relasyon ni Vice at Terrence. Tanging si Mike at ang coach lang nila ang nakakaalam nito.
"Talaga Bill? Sino ang malas na babaeng pumatol sayo?" tanong ng isa sa mga ka-team nya, tumawa lang naman si Terrence at umiling. "Wala kayong pake, basta masaya ko! Haha!" sabi pa ni Terrence.
.
."Pare, monthsary namin ni Vice bukas. Ikaw na bahala dun sa iba kong gagawin ha?" Bulong ni Terrence kay Mike, "Oo naman bro! Ako pa ba?" sagot naman ni Mike. "Yes! Labyu pre!" sabi ni Terrence, "Huy! Bro. Wag ganyan, baka ma-fall ako!" sagot naman ni Mike. "Gago!! Haha!!" sabi ni Terrence habang tumatawa.
"Huy, di pa ba kayo uuwi? Gabi na!" napatingin ang dalawa sa likod nila, at nakita ang coach at teammates nilang naghihintay sa kanila, tumakbo naman sila papalapit sa mga ito.
"Uy Bill, thank you sa treat ha!" - teammate1
"Oo nga brad, tenks! Haha!" -teammate2
"Sa uulitin bro! Haha!" - teammate3
"Hoy!! Ako nga lang tatawag ng bro kay Bill!" - mike
"Gago, ang clingy mo!" - teammates
"Bakit ba?! Nagsabi na ng labyu kanina si Bill saken!" - mike
Natahimik naman ang lahat sa sinabi ni Mike. "HAHAHAHA PAKYU KA PARE, konti nalang maniniwala na ko na gusto mo ko!" sabi ni Terrence, na naging dahilan ng pagtawa ng lahat. "Hahaha! Lul!" sagot naman ni Mike at sabay-sabay na silang umuwi.
..
.
Pagkauwi ni Terrence ay agad syang umakyat papunta sa kwarto sana ni Vice, "Oh? Bill, anjan kana pala. Happy birthday!" bati sa kanya ng mama ni Vice na nakaka-labas lang galing sa kwarto.
"Thank you, tita." sabi naman ni Terrence.
"Sa weekend nalang tayo kumain sa labas ha? Para kasama si Aimi. Hehe. Sige na, mukhang napagod ka, gabi narin. Good night." sabi ng mama ni Vice, at bumaba ng hagdan.
Dumiretso naman si Terrence sa harap ng kwarto ni Vice, kumatok siya ng tatlong beses. "Baby girl?" tawag nito. Pero walang sumasagot, naka-ilang katok pa, wala paring lumalabas na Vice.
Kaya naisipan na ni Terrence na buksan ang kwarto nito. "Baby girl?" pumasok si Terrence at nakitang wala si Vice doon. Dumiretso na si Terrence sa kwarto nya..
"Baby girl?" tawag ni Terrence, napalingon naman si Vice sa kanya na kasalukuyang naglalagay ng maliliit na letter sa tali ng mga lobo sa kwarto ni Terrence. "Anong ginagawa mo baby?" tanong ni Terr.
Lumapit naman si Vice kay Terrence hawak ang isang lobo. "Hmm, happy monthsary, Terrence Bill Romeo. Haha" inabot ni Vice kay Terrence ang lobo. Tinanggap naman ito ng huli, at binasa ang nakasulat sa maliit na papel.
"Mahal kita kasi tanggap mo kung ano ako..."
Napatingin si Terrence sa iba pang mga lobo sa kwarto nya, at nakita na may mga nakasabit ditong pictures, at yung iba sulat lang. Muli syang napatingin kay Vice na nakangiti lang sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/55968816-288-k32068.jpg)