gh 13

888 40 11
                                    

VICE

Kakauwi ko lang sa bahay, last day of class na ngayon at sembreak na. Pagkapasok ko, sumalubong sa akin si Aimi.

"Aimiiii! Namiss kita" sabi ko, at binuhat sya para yakapin.

"Kuya Vice, namiss din po kita" sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

"Kamusta ka? Musta school mo?" tanong ko sa kanya, at binaba sya para makapag-usap kami ng maayos. Tumango sya bago nagsalita,

"Okay lang po kuya. Mabait po si lola, lagi ako busog. Mabait din po teacher ko. Lagi ako may stars." sagot nya.

"Haha. Wow very good naman ang baby namin" sagot ko.

"Sige kuya, lalaro muna ko. Babye" sabi nya, tumango ako at lumakad papunta sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina, nakita ko si mama na nagluluto. "Ma..." tawag ko sa kanya, lumingon sya at ngumiti. "Oh hun, kamusta? Sembreak nyo na diba?" tanong ni mama. Tumango ako, "Namimiss ko na ang America, ma. Yung mga pinsan ko.. sila tita, si lola.." sabi ko. Ngumiti naman si mama.

"Hmm, siguro matutuwa ka sa sasabihin ko..." sabi ni mama, napakunot noo naman ako sa sinabi nya.

"Bakit ma? Ano meron?" tanong ko.

"Namimiss kana rin kasi ng mga pinsan mo.." sagot ni mama.

"Eh ma? Parang mas nalulungkot lang ako jan eh." sabi ko at ngumuso. Tumawa naman ang mama ko.

"Namimiss kana nila, kaya sila na ang pupunta dito para sayo" nakangiting sabi ni mama na nagpalaki naman sa mata ko, "Ha?! Seryoso ba ma!?" tanong ko, tumango naman si mama. "Waaah! Thank you. Thank you!" sabi ko at niyakap si mama.

"Haha. Kay tita mo ikaw magpasalamat, pero next week pa sembreak ng mga pinsan mo kaya next week mo pa sila makikita" sabi ni mama. Tumango lang ako at sinabing okay lang.

Umakyat ako sa kwarto. Nasa school pa si baby boy eh. Magppractice daw sa basketball.

Humiga ako sa kama at tinext si Anning.

Me: Anning :)

Mga ilang segundo lang eh nagreply naman agad sya.

Anne: Hi sis, chika?

Me: Anong balak mo sa 1 month na bakasyon?

Anne: Wala nga eh. Hmp. Tambay nalang ako sa inyo lagi. Hahaha! Teka, di ka ba uuwi ng America?

Me: Hindi. Anywys, pupunta mga pinsan ko dito. Ipapakilala ko sayo yung lalake! Hahaha :))

Anne: Hay nako sis, siguraduhin mong magugustuhan ko yan lol

Me: Oo nemern. Sige na tulog muna ko, wala si baby boy eh.

Anne: ang hawoooot!!! sleep well!

After ng text namin, tinabi ko na yung phone ko. Matutulog muna ko.

.
.
.
.
.

"Baby girl, gising naaa" unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita si baby boy sa harap ko.

"Baby girl, malapit na daw mga kamag-anak mo..." sabi nya sa akin. Napabangon ako agad sa narinig.

Oo. 1 week na ang nakalipas nang magsimula ang sembreak namin, at ngayon parating na ang mga pinsan ko.

"Mag-ayos kana baby girl, baba muna ko." sabi ni baby boy sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.

Tuluyan na kong tumayo at nag-ayos ng sarili. Excited na talaga ako.

15 minutes lang akong nag-ayos at bumaba narin agad ako para abangan ang mga pinsan ko.

"Baby girl, kain muna!" napatingin ako kay Terrence na nasa kusina. Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa upuan para kumain ng tinapay.

-----beeeep beeep-----

Sabay kaming napatingin ni baby boy sa gate at agad akong tumayo para salubungin ang dumating.

"Jose Marie!!!!!!"

"Ana Karylle!!!!!"

Agad kong niyakap si Karylle ng makita ko sya, pinsan kong babae at pinaka-close ko nung nasa America pa ako.

"Vice! Namiss kita!" napatingin naman ako sa lalaking nasa likod ni K, "Vhong!!!" agad ko ding niyakap si Vhong. Kuya siya ni Karylle.

"Pasok kayo, pasok..." sabi ko. Sinalubong ko din si tita at tito. "Wala po si lola?" tanong ko kay tita. Umiling sya. "Nako, ayaw bumyahe ng lola mo Vice." natawa nalang ako sa sinabi ni Tita at tumango. "Sige po, pasok."

"Who are you?"

Napalingon ako sa direksyon ni baby boy. Kausap nya yung bunsong kapatid ni Vhong at Karylle. Si.... Greyschie

"Huh? Ako si Terrence." sagot ni Terrence.

"He's my step brother, Greys" singit ko sa paguusap nila ng makalapit ako.

"Oh whatever" umirap sya at pumasok sa bahay.

"Ano problema nun baby girl?" tanong ni Terrence. Hinampas ko naman sya, "Pssst! Vice! Vice ang tawag mo sakin. Ikaw talaga...." sabi ko at natawa naman sya.

"Galit sakin yun, binlock ko kase sa twitter noon. Haha." pagsagot ko sa tanong ni Terrence kanina.

"May twitter ka pala? Ano twitter mo, follow kita" sabi nya. "Haha! Baliw. Wag naaaa!"

Pumasok kami ni Terrence sa bahay.

"Hello, I'm Karylle." paglapit ni Karylle kay Terrence, "Ako si Terrence." ngiting sagot ni Terrence.

"You're hot. Hahaha!" dagdag pa ni Karylle. Lumaki naman ang mata ko sa narinig. "Karylle...." pagkuha ko sa atensyon ni K. "Ahaha! Why Vice? It's true. Your step brother is hot!" sagot ni K sa akin.

"Ah... excuse lang ha." pagsingit ni Terrence sa usapan namin ni K.

"Oops. Nailang ata ang step brother mo. Hahaha!" natatawang sabi ni Karylle. "Baliw ka kasi eh!" sagot ko naman at tumawa nalang rin.

----sa kabilang banda----

"Hi brad." pagbati ni Vhong kay Terrence, ngumiti naman si Terrence. "Hello. Terrence." sagot ni Terrence at nakipag-kamay. "I'm Vhong." sagot ni Vhong.

Napatingin naman si Terrence sa bunsong kapatid ni Vhong. "Anong pangalan mo?" tanong ni Terrence ng makalapit sya dito. Wala naman syang natanggap na sagot.

"Greyschi kinakausap ka ni Terrence" sabi ni Vhong at tinanggal ang headseat ni Greys.

"What?" pagtataray ni Greys at tumingin kay Terrence. "What's your name?" paguulit ni Terrence. "I am Greyschie, okay na PO?" sagot ni Greys at tiningnan muna si Vhong bago muling suotin ang headset.

Napatingin naman si Terrence kay Vhong, "Sorry ha? Bitchesa talaga tong bunso namin" paghingi ng paumanhin ni Vhong. Ngumiti lang si Terrence at sinabing okay lang yun.
.
.
"Oh... Kain na tayo, para makapagpahinga narin kayo" sabi ng nanay ni Vice. Masaya namang naglakad ang lahat patungo sa dining area para sabay-sabay na kumain.

-- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon