VICE
"Baby boyyyy" pagtawag ko kay Terrence na kasalukuyang nagbabasa ng mga sinulat ko.
"Bakit?" sagot nya pero hindi parin tumitingin.
"Hmmm...ilan na naging girlfriend mo?" Tanong ko na mukhang nakaagaw naman ng atensyon nya.
Napatingin sya sa akin.
"Si Aiko, ikaw..." sagot nya.
"Dalawa lang?" tanong ko ulit.
"Pati si....Belle."
Belle? Sino yun?
"Ha? First love ba?" tanong ko.
Tumango sya. "Wag mo ng isipin. Matagal ko na syang kinalimutan" sagot naman nya at bumalik sa pagbabasa.
.
.Lumipas ang mga araw, kasalukuyan akong nagllaptop sa kwarto ko ng pumasok si Terrence. "Oh?" tanong ko nung pumasok sya.
Umupo naman sya sa kama ko. "Mall tayo baby girl?" Tanong nya. Tumango lang naman ako.
"Ay baby boy. Anong full name ni Belle? Ssearch ko sa facebook." tanong ko. Napataas naman sya ng kilay.
"Baby girl ano ba? Sabi ko sayo kalimutan mo na yan eh!" Nagulat naman ako sa sinagot nya. Tumaas ang boses nya..
"S-sorry...." sagot ko at yumuko. Narinig ko namang bumuntong hininga sya.
"Sorry. Di ko sadya. Ang kulit mo kasi eh. Sorry baby girl..." sabi naman nya.
"Ano nalang buong name nya? Promise di ko na issearch!" pangungulit ko parin.
"Hays ang kulit..." sagot nya
"Please baby boy?" pag-uulit ko
"Isabelle Marie Daza. Oh okay na po?" sagot nya
"Hala! Parehas kaming Marie!!!" sabi ko naman. Natawa nalang sya at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw parin ang pinaka-magandang Marie na nakilala ko." sabi nya at hinalikan ako sa noo. "...sige na mag-ayos kana. Magddate tayo" dugtong pa nya at lumabas na ng kwarto.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad narin naman akong bumaba. Nakita ko si Terrence na nakatayo sa pinto, hinihintay ako. "Ready?" tanong nya. Ngumiti ako at tumango.
Sabay kaming naglakad papunta sa kotse nya, nang makasakay ay nagdrive na sya papuntang mall.
"Baby anong gusto mong gawin?" tanong nya sa akin, "Hmm. Ang init naman dito, baby boy. Ice skating nalang tayo?" tanong ko.
Ngumiti sya.
"Okay, tara!" sagot nya at hinila ako.
.
."Baby boy t-teka lang" sabi ko. Nauna kasi sya sa loob.
"Ano ba yan, baby girl. Nagyayaya ka. Di ka pala marunong!" sabi niya
Aba bastos to ah.
"Oh eh init nga kase, halika dito!!" Tawag ko sa kanya at inunat ang braso ko para maalalayan nya ako.
Agad naman din syang lumapit at inalalayan ako papasok sa rink.
Nang makapasok ay agad syang nagpaikot ikot. Pakitang gilas ganon. "Ano ba, nakakahilo ka." sabi ko. Natatawa lang naman sya.
"Baby girl, habulin mo koooo" sabi nya at nag skate. Aba iniwan ako.
Nakatingin lang ako sa kanya habang iniikot nya yung rink. Hanggang sa, nakita ko nalang syang nakaupo.
