gh 19

654 39 22
                                        

(HALA TEKA MALI ATA NAPUBLISH KO HHAAHAAHAHHAAHAAHAHAHAHA)

ETO NA GAME.


,
....

VICE

Pagkauwi namin ni Terrence, nakita namin si mama nasa sala. "Hi ma.." Bati ko sa kanya at bumeso. Si Terrence naman ay nagpaalam na at may gagawin pa raw sya sa kanyang kwarto. Parang wala rin sya sa sarili nya nung pauwi kami eh.

Ramdam ko ang malalim na paghinga ni mama. "May problema ba ma?" tanong ko sa kanya, malungkot ang mga mata nya.

"Mag-usap tayo mamaya, sige na magpahinga ka muna. Puntahan mo nalang ako sa kwarto mamaya" sabi ni mama. Tila kinabahan naman ako sa linya nyang iyon.

May nangyari bang masama?
Ano kayang nangyare?
Alam na ba nya?
Alam na ba nila ang relasyon namin?

Umakyat ako sa kwarto, iniisip kung anong mangyayare sa pag-uusap namin ni mama mamaya. Hindi ako mapakali. Paano nga kung alam na nila? Paghihiwalayin ba nila kami?

Isa't kalahating oras din ang nakalipas nang magising ako sa pagkakaidlip. Nag-ayos muna ako ng sarili at kinondisyon ang sarili ko para sa pag-uusap namin ni mama.

Kumatok ako sa kwarto nila mama, "Pasok" narinig ko ang boses nya. Binuksan ko ang pinto at tuluyan ng pumasok sa loob.

Nakita ko si mama na nakaupo sa kama. "Upo ka Vice" mahinahong sabi nya sa akin. "Ano po bang paguusapan natin?" tanong ko.

Huminga sya ng malalim, tila pinipigil ang pag-iyak. "M-ma..." pagtawag ko.

"Anak, ang lola mo sa America, may sakit. Gusto nya tayong makita, pero dahil alam nyang nag-aaral kapa eh, kahit ako nalang daw ang pumunta." sabi nya.

S-si lola? May sakit?

"Mama, malala po ba sakit ni lola?" tanong ko, sobrang seryoso kasi ng pag-uusap na 'to. "Hindi naman, nak. OA lang ako" sagot naman ni mama.

"Ma!" natawa naman sya sa naging reaction ko, "Eh honey, mamimiss kasi kitaaaa. Hindi na nga tayo laging nagkakausap kahit magkasama lang tayo dito sa bahay, tapos aalis pa ako?" sagot naman ni mama habang pinipisil ang pisngi ako.

"Ilang araw po ba kayo dun?" tanong ko, syempre mamimiss ko si mama. Ang layo ng America, magkaiba pa timezone.

"Mga two to three weeks, syempre susulitin na namin ng tito mo to" sabi nya at tinaas taas pa ang kilay.

Pero teka? Kasama si tito?

"Kasama si Tito Chard?" tanong ko, hende nemen keye eke emeese. Charoooot! Di naman ako umaasang masosolo ko si baby boy pero parang ganun narin hahaharot!

Tumango si mama,"Yes, hon. So kayong dalawa lang ni Bill ang maiiwan dito. Kaya mo ba?" tanong ni mama sakin.

"Ano kaba ma, independent ako noh" sagot ko naman ng walang pag-aalinlangan. Tumawa naman ng bahagya si mama at binigyan ako ng isang mahigpiiiit na yakap!

.
.

TERRENCE

Ilang minuto pagkapasok ko ng aking kwarto ay may kumatok, "Son, nandyan ka na ba?" si papa. "Pasok, dad" sagot ko naman.

Tuluyan namang pumasok si papa sa aking kwarto. Nakaupo ako sa kama, at kinuha naman nya ang upuan sa gilid para magkaharap kami.

"Kakausapin lang kita, nak." sabi nya, seryoso ang mga mata nya. May problema ba? Ganun din si tita kanina sa sala pagpasok namin ni Vice.

Teka? Alam naba nila na may relasyon kami ng step brother ko?

"Anak, hello?!" bumalik ako sa realidad ng tinapik ni papa ang pisngi ko. Dahilan para mapatingin ako sa kanya, "P-po?" sagot ko.

"Bat parang lutang ka ata, nak?" tanong ni papa. Natawa naman ako, at umiling. "Ano po bang pag-uusapan natin pa?" tanong ko.

"Ah, pupunta kasi kami ng America ng tita Dawn mo. Mga two to three weeks kami dun, kayo muna ang maiiwan ni Vice sa bahay natin. Ayos lang ba?" paliwanag ni papa. Tila gumanda naman ang pakiramdam ko sa narinig kong balita.

Two to three weeks.
Kami lang dalawa sa bahay....
....ng girlfriend ko.

HOOH HEAVEN!

"Ano na nak? Kulang kaba sa tulog? Lutang ka talaga eh." muli nanaman akong tinapik ni papa. Natawa nalang ako.

"Ingat kayo pa, wag na kayong tumawag-- este, wag nyo kakalimutang tumawag lagi pag nandun na kayo" sabi ko naman. Tumango lang si papa, at nagpaalam na.

.

Lumipas ang dalawang araw, kasalukuyan kaming nasa airport para ihatid si papa at tita. Si Aimi, ay magsstay lang ulit kanila lola. Kaya solo ko si baby girl sa two to three weeks na yun. Di ko naman mapigilang hindi mapangiwi sa mga naiisip ko.

"Bill, ingatan mo tong si Vice. Lagot tayo sa tita mo pag may nangyaring masama" paalala ni papa at bahagyang natawa.

Natawa din naman kami, inakbayan ko si baby girl, "Oo naman pa, ako bahala dito. Diba bro?" sagot ko.

Tumango lang naman si papa, at muling nagyakapan si tita at Vice. "Paano? Aalis na kami, tatawag ako lagi ha." sabi ni tita kay Vice.

"Ano ka ba, ma? Kaya na namin to, malaki na kami. Enjoyin nyo nalang ang America. Haha" sagot naman ni Vice sa kanyang ina.

Napangiti naman si tita at si papa. At muli, ay nagpaalam na sila sa amin.

.
.
----

"Baby girl anong gusto mong kainin?" tanong ni Terrence kay Vice, kakauwi lang ng dalawa mula sa airport. Napatingin si Vice kay Terrence na kasalukuyang naghahanap ng pwedeng lutuin sa kusina.

Unti-unting naglakad papalapit kay Terrence si Vice, at binigyan ito ng mahigpit na yakap mula sa likod.

"Bakit baby girl?" tanong ni Terrence kay Vice. "Namiss lang kita, baby boy." sagot naman ni Vice. Napangiti naman si Terrence sa narinig na sagot mula sa nobya.

"Baby boy, gutom na ako" dagdag pa ni Vice, at mas lalong humigpit ang mga yakap nya kay Terrence.

"Ano ba gusto mong kainin, hmm? Mag pancake nalang tayo." sabi naman ni Terrence at kinuha ang mga kailangan para sa kanyang lulutuin.

"Ehhh matagal pa yan..." pagkontra ni Vice sa suhestyon ni Terrence. Tinanggal ni Terrence ang nakayakap na mga braso ni Vice sa kanyang bewang at hinarap ito.

"Ano bang gusto ng baby girl ko?" tanong ni Terrence. Umaliwalas naman ang mukha ni Vice, at unti unting ginapang ang mga kamay nito papunta sa abs, hanggang sa maselang bahagi ng katawan ng nobyo.

Agad namang napasinghap si Terrence sa ginawang iyon ni Vice. "Ito.... ito ang gusto ko baby boy" sagot ni Vice habang hinihimas ang jj ni Terrence.

Sinunggaban naman ng halik ni Terrence ang mga labi ni Vice. Unti-unti silang naglakad palabas ng kusina, hanggang sa marating nila ang sala.

.
.
.

- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon