gh.9

1K 47 25
                                    


Ilang oras na nagharutan, nagtawanan, at nag-usap ang bagong magkasintahan sa kanilang kwarto. Kasalukuyan silang nakahiga sa kama at nagkkwentuhan.

"Baby boy, kelan mo pa naramdaman yan?" tanong ni Vice kay Terrence.. "Ang ano, baby girl?" pabalik na tanong ni Terrence.

"Yung nararamdaman mo sa akin." sagot ni Vice. "Simula palang nung una kitang nakita eh. You made me realized that love at first sight is real" sagot ni Terrence at niyakap ng mahigpit ang kasintahan. "Halaka laka! Ang sweet naman ng Romeo ko!" sabi ni Vice at niyakap pabalik si Terrence. "Masanay kana, araw-araw kong ipaparamdam sayo to. Haha" sagot naman ng huli.

Mga ilang minuto pa ay biglang tumunog ang tyan ni Vice. "Hahaha! Gutom kana baby girl? Merienda time narin eh. Ano gusto mong kainin?" tanong ni Terr. Nagpout naman si Vice at tumingin sa kasintahan. "Di ko alam eh? Baba tayo. Pagluto mo ko, hihi!" paglalambing ni Vice, hindi naman na umangal si Terrence at tumayo narin sa kama.

Nagkikilitian ang dalawa habang bumababa ng hagdan. Solo nila ang bahay kaya naman kayang kaya nilang gawin lahat. Pagdating sa sala ay umupo si Vice. Tinabihan naman sya ni Terrence. "Oh? Akala ko magluluto ka?" sabi ni Vice.

Tahimik lang na nakatingin si Terrence sa kasintahan na parang ineeksamin ang buong mukha nito.

"Baby bo--" hindi na natapos ni Vice ang sasabihin ng bigla syang sunggaban ng halik ni Terrence. Hindi naman na nag-atubiling gumanti si Vice sa halik ng kasintahan. Unti-unting naging mapusok....(at mausok...ay iba pala yon) ang kanilang halikan..

Unti-unting nahiga si Vice sa sofa nang hindi bumibitaw sa halikan. Bumaba ang mga halik ni Terrence sa leeg ni Vice, "h-hmmm~" ungol ni Vice sa sensasyong dulot ng mga halik ni Terrence..

Pababa na ng pababa ang halik ni Terrence ng biglang...

"Oh jeez! You two, get a room!" natigil ang ginagawa ng magkasintahan ng marinig ang sigaw ni.... Anne na kagagaling lang sa kusina.

Napaupo si Vice at binato ng unan si Anne "Hoy babaita! Bat nandito ka pa?!" inis na tanong ni Vice sa kaibigan.

Lumapit si Anne sa dalawa. "Andito lang ako sa kitchen nyo kanina pa. At grabe, ang intense na ng ginagawa nyo ah? May kwarto naman kasi, bat kailangan pa bumaba ng sala? Hahahaha!" sabi ni Anne na halatang inaasar lang si Vice. Isang irap lang naman ang sinagot ni Vice dito.

"....oh sis, it's fine! Marami pa kayong time!" muling sabi ni Anne. Tumawa lang naman si Terrence sa mga pinagsasasabi ni Anne.

"Ano...uhm, baby girl. Anong gusto mong kainin?" tanong ni Terrence. Lumingon naman sa kanya si Vice at umiling. "Wala. Nadaot eh." sagot nito. Pinisil naman ni Terrence ang pisngi ng kasintahan. "Ang cute mo talaga!! Pa-deliver tayong pizza. Wait lang" hinalikan ni Terrence ang noo ni Vice bago tuluyang tumayo para umorder ng pizza.

Naiwan si Vice at Anne sa sala. Nagpipigil ng tawa si Anne, habang si Vice naman ay nagpipigil ng galit. lol

"Sis. Wag kanang magalit sa akin." panimula ni Anne, taas kilay naman syang tiningnan ni Vice. "Alam mo bagay kayo ni Mike. Parehong nandadaot." plain na sagot ni Vice. Nanlaki naman ang mata ni Anne sa narinig. "You mean to say, nagawa nyo na yun dati? And nadaot lang ni Mike?! Omg! Vicey napaka-pusok!" natatawang sabi ni Anne. Akmang babatuhin nanaman sana ni Vice si Anne ng unan ng biglang dumating si Terrence.

"20 minutes pa daw yung pizza" sabi ni Terrence sa dalawa at umupo sa tabi ng kasintahan. Agad namang niyakap ni Vice si Terrence, na nakapagpa-ngiti naman sa kaibigan nitong si Anne.

"Nood tayong movie, what do you want?" tanong ni Anne sa mga kasama. "Kahit anong action movie" sagot ni Vice na nakayakap parin sa kasintahan. Tumayo si Anne sa kinauupuan at nagbrowse ng dvds nila Terrence.

"Ay ano ba to? Si Beauty at ang Probinsyano? Action ba to?" tanong ni Anne kay Terrence, tumango lang naman si Terrence kay Anne.

"Okay ito nalang." sinalang ni Anne ang bala ng dvd sa player at muling bumalik sa sofa.

Nagsimula ang palabas at tutok na tutok ang tatlo sa panonood. Una palang ay tawang tawa na sila dahil sa bidang si Beauty. Masayang nanonood ang tatlo ng biglang tumunog ang doorbell sa bahay nila.

"Wait lang baby girl, nandyan na ata yung pizza." sabi ni Terrence. Humiwalay naman si Vice sa pagkakayakap para makatayo si Terrence. Lumabas naman ang huli para kunin ang pinadeliver nila.

"Swerte nyo sa isa't isa..." hindi mapigilang komento ni Anne. Napangiti naman si Vice at niyakap si Anne. "Thank you, Anning" nakangiting sabi ni Vice. "Haha! Sabi na eh. Magtthank you ka din sa akin! Haha!" natatawang sabi ni Anne. Ginulo naman ni Vice ang buhok ng kaibigan.

Hahampasin sana ni Anne si Vice, ngunit mas mabilis pa sa karera ng kabayo ay nakalipat na ito sa maliit na sofa. "Hahahaha! Solo ko na to!" sabi ni Anne at humiga sa mahabang sofa.

Pagkabalik ni Terrence kasama ng pizza ay agad nitong siniksik ang sarili sa tabi ni Vice. "Baby boy, di tayo kasya. Si Anning kasi eh!" reklamo ni Vice, tumawa lang naman si Terrence. "Ayos lang yan, kasya naman tayo oh." sabi ni Terrence at niyakap muli ang kasintahan.

Nagpatuloy ang panonood ng tatlo. Maingay dahil sa sigawan at tilian ni Anne at Vice. Magulo dahil nagaasaran din sila.

Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos sila sa panonood. Dinalaw ng antok ang lahat kaya naman natulog sila ng hindi inaayos ang mga kalat ng pinagkainan.

Si Anne natutulog sa mahabang sofa, samantalang si Vice at Terrence ay magkayakap na natutulog sa maliit na sofa.

.
.
.

Seryosong tinititigan ni Vice ang nobyo na kayakap nya ngayon sa sofa ng marinig nyang bumukas ang pinto ng bahay nila. Senyales na dumating na ang mga magulang nila. Hindi alam ni Vice ang gagawin, magkayakap sila ni Terrence at hindi sya pwedeng umalis dahil baka makahalata ang mga magulang nila. Kaya naman pumikit na lamang sya ulit at nagpanggap na tulog.

Narinig nya ang boses ng kanyang ina.

"Ohhh. Chard, look! Ang cute ng mga anak natin!! Magkayakap sila, sakop na sakop naman kasi ni Anne yung sofa oh. Aw! brother goals" sabi ng nanay nya. Narinig rin ni Vice ang mahinang pagtawa ng ama ni Terrence.

"Haha oo nga noh, mabuti at naging close talaga ang mga anak natin" sabi ng tatay ni Terr. "..oh anong gagawin mo, hun?" dagdag pa nito.

"Pipicturan ko. IG worthy eh! Gonna share this to my amigas. Hehe!" narinig ni Vice na sabi ng nanay nya. Kasunod nito ang pitong tunog senyales na pitong click ang ginawa ng nanay nya.

Naramdaman nyang umakyat na sa kwarto ang magulang nila. Unti unti syang tumingin sa nobyo, at nakita itong naka-ngisi pero naka-pikit "Huy, Terrence. Gising ka pala!" mahinang sabi ni Vice.

Dinilat naman ni Terrence ang mata at tumawa. "Haha! Ang cute ng magulang natin" sabi nito kay Vice, ngumiti lang naman si Vice dito.

Tumingin si Terrence sa paligid at ng makumpirma na walang ibang tao sa sala ay agad nyang binigyan ng mabilis na halik si Vice sa kanyang mga labi. "I love you, baby girl. Di kita bibitawan kahit anong mangyari..." sabi ni Terrence sa kasintahan bago humiwalay sa pagkakayakap at tumayo.

"Ligo lang ako" dagdag pa nito at kumindat.
.
.
.
.
-------*
Hahaha. Hi! Ang next UD ko ay SPG sana. Keri nyo ba? As in yung wala ng dadaot. Totoong totoo na. Okay lang ba? Baka kasi ang bata nyo pa, konsensya ko pa yan. Charr!!! comment kayo kung okay lang spg yung gh10. Thank you!!

-- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon