Kinabukasan, nagising si Vice na may takip na kumot sa buong katawan. Kinapa nya ang katabi nya upang yakapin pero wala syang naramdaman.
"Baby boy?" bulong ni Vice at unti unting dumilat. Nakita nyang wala sa tabi nya ang kanyang baby boy, kaya naman unti unti syang bumangon sa kama.
Tatayo na sana sya ng biglang nanghina ang tuhod nya. "Sht" ang nasabi nalang ni Vice.
Matagal syang nakaupo sa kama, iniisip kung paano sya makakatayo ng maayos ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila. Agad syang nagtakip ng katawan gamit ang kumot na kanina'y nakatakip din sa kanya.
"Good morning baby girl..." bati ni Terrence sa kanyang nobya, may dala itong tray at dumiretso sa kama.
"Kamusta pakiramdam mo baby girl?" tanong ni Terrence sa nobya.
"Ayos lang naman. M-masakit...." nahihiyang sagot ni Vice. Ngumiti lang naman si Terrence at hinalikan sa noo ang kasintahan.
"Kain kana, absent muna tayo ngayon." sabi ni Terrence. "H-ha? Pati ikaw, aabsent ka?" tanong ni Vice. Tumango lang naman si Terrence. "Ayaw kong iwan yung baby girl ko dito." simpleng sagot ni Terrence.
"Eh pano, wala ba kayong gagawin ngayon sa school?" tanong ulit ni Vice, umiling naman si Terrence. "Wala practice lang ng basketball. Pero hayaan mo, kaya naman na nila yun. Mas kailangan natin ang isa't isa ngayon." ngiting sagot ni Terrence at inabot ang almusal na ginawa nya kay Vice.
"Thank you, baby boy" sabi ni Vice at kinuha ang pagkain. "I love you" sabi naman ni Terrence, "I love you too" sagot ni Vice at nagsimula ng kumain.
.
.
.Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na si Vice sa pagkain. "Baby boy, pakuha nga ng boxers at shirt" paki-usap ni Vice kay Terrence. Tumayo naman si Terrence at kumuha ng boxers at shirt sa drawer nya. Inabot nya ito kay Vice at agad naman itong sinuot ng huli.
Unti unting tumayo si Vice, at naglakad. "Tara baby boy, baba tayo" sabi ni Vice sa nobyo. "Okay ka na ba? Wala ng masakit?" tanong ni Terrence. Umiling si Vice at sinabing okay na sya.
"Ano baby boy? Tara na!" pag-uulit ni Vice. Nakatingin lang naman sa kanya si Terrence na parang nagpipigil ng tawa. "Baby girl..." sabi nya. "Oh?" sagot ni Vice.
"Baby girl, lamesa ka ba?" tanong ni Terrence. Kumunot naman ang noo ni Vice sa tanong ng nobyo. "Ha? Bakit?" tanong naman ni Vice. "Gusto kasi kitang patungan" sagot ni Terrence at ngumisi.
"Leche ka! Libog mo!" sagot ni Vice at binato ng unan si Terrence. Agad din syang tumalikod para hindi makita ng nobyo ang pamumula ng mukha nya.
"HAHAHAHAHA joke lang baby girl, labyu" sabi ni Terrence at tumayo sa kama para yakapin ang nakatalikod na nobya.
"Labyu baby girl... baba mo na" bulong ni Terrence kay Vice, "Ano?" tanong ni Vice sa nobyo dahil sa sinabi nito, "Baba mo na.. labyu" pag-ulit ni Terrence. "Anong ibababa ko? Napaka-random mo baby boy" sagot ni Vice. "Yung boxers mo, baba mo na" mapang-akit na bulong ni Terrence sa tenga ni Vice.
Hinarap naman sya ni Vice at hinampas ng paulit-ulit. "Ikaw, napaka bastos ng bunganga mo! Hahaha" sabi ni Vice habang hinahampas parin ang nobyo.
"Hahahaha! Joke lang baby girl" sabi ni Terrence at niyakap ng mahigpit ang nobya. "..di naman yun ang habol ko sayo, mahal na mahal kita." dugtong pa nito at hinalikan sa labi si Vice.
"Aww. I love you too, baby boy." sagot ni Vice at ngumiti. "Pero baby girl, baka naman makalusot?" tanong ni Terrence na nakatanggap nanaman ng hampas sa kanyang baby girl. "Haha joke! Beke leng eh. Tara na nga baba na tayo sa sala." sabi ni Terrence at hinila si Vice pababa.
.
.
.Masayang nagkkwentuhan ang dalawa sa sala ng tumunog ang cellphone ni Terrence..
"Sino yan?" tanong ni Vice ng tingnan ni Terrence ang cellphone nya, "Si Mike lang baby girl.. Teka sagutin ko lang to." paalam ni Terrence kay Vice at tumayo.
"Bro, asan ka?" mike.
"Bahay, bakit?" terrence
"Wala nama--"
"Wala naman pala eh. istorbo ka, bye"Ibababa na sana ni Terrence ang tawag ng biglang nagsalita ulet si Mike..
"Si Kim Lo nag try out sa varsity"
Nakunot naman ang noo ni Terrence sa narinig. "Oh eh ano naman ngayon? Tangines Michael!" iritang sagot ni Romeo.
Tumawa naman si Mike sa kabilang linya. "Gwapo yun eh. Di ka na hearthrob ng varsity pag natanggap to" natatawang sabi ni Mike.
"Wala kong pake, masaya na ako sa baby girl ko!" sabi ni Terrence at binaba ang tawag.
Kunot noong bumalik si Terrence sa tabi ni Vice, napansin naman ito ng huli. "Oh? Bat ganyan itsura mo?" tanong ni Vice, "Wala. Baliw kase si Mike. Walang kwenta yung mga pinagsasasabe" walang ganang sagot ni Terrence. Tumawa lang naman si Vice dahil sa kakyutan ng kanyang nobyo.
"Baby boy, wala din tayong pasok bukas, anong gagawin natin? May balak ka ba?" tanong ni Vice sa nobyo. "Anong balak? Gusto mo bang magkaroon ako ng balak?" nagpipigil tawang sabi ni Terrence, kaya naman hinampas nanaman sya ni Vice.
"Hahahaha! Baby girl, kota na ko sa hampas mo. Kiss mo nalang ako para ebribadeh happeh" sabi ni Terrence at nagpout pa. Nilayo naman ni Vice ang mukha ni Terrence sa kanya. "Ikaw kase, di ka nagseseryoso" sabi ni Vice. "Weh. Seryoso nga ko sayo eh?" sabi ni Terrence at nagpa-cute. "Hay nako, bumabanat nanaman sya. Hahahaha" sabi ni Vice na hindi na napigilang tumawa.
Umayos naman ng upo si Terrence at niyakap ang nobya, "Mall tayo bukas. Wala akong maisip na pwedeng puntahan eh." sabi ni Terrence. "Hmm. Sige. Ahm, baby boy gusto kong bumili ng aso..." sabi ni Vice na nakapagpa-tahimik naman kay Terrence.
Ilang minutong walang nagsasalita, kaya naman hindi na nakatiis na magtanong si Vice, "May nasabi ba kong masama, baby boy?" kinakabahang tanong ni Vice. "Ah...eh." napakamot sa batok si Terrence. "Bakit baby boy? Na-offend ba kita? Anong nasabi ko?" tanong ni Vice. "Ah baby girl... h-hindi...ano..ahm" hindi mahanap ni Terrence ang tamang salita para makapagpaliwanag sa kanyang nobya.
"Bakit nga?" tanong ulit ni Vice. "Eh..
takot kasi ako sa aso" mahinang sagot ni Terrence at napayuko. Ngumiti lang naman si Vice at hinawakan ang pisngi ni Terrence. "Ang cute cute mo baby boyyy!" sabi ni Vice habang pinipisil ang pisngi ng kanyang nobyo.Nagpout naman lalo si Terrence, "Oh? Bakit ka nakanguso jan?" tanong ni Vice, "Kiss mu kuuu" sabi ni Terrence, mabilis naman syang hinalikan ni Vice. "Yun oh! Haha. Ano bang gusto mong aso baby girl?" tanong ni Terrence. "Di ko alam eh. Teka, diba takot ka sa aso? Wag nalang. Di na ako bibili." sabi ni Vice. Umiling naman si Terrence, "Okay lang baby girl, kaya kong magtiis para sumaya ka." sabi ni Terrence at tumawa ng mahina. "Aww! Hala hala! Haha bakit ka ba takot sa aso? Gaano ba katindi yung takot mo?" tanong ni Vice. "Kinagat kasi ako ng aso nung bata ako, kaya ayaw ko talaga" sabi ni Terrence "...pero wala namang masama kung lalabanan ko yung takot ko, para mapasaya yung taong mahal ko diba?" dagdag pa nito.
Hindi na nakasagot si Vice, at niyakap nalang ang boyfriend goal nyang jowa.
.
.credits sa pic sa multimedia. ang cute kase bwahahahahahahaha!!!!
-- mallowseobie