gh 16

737 34 8
                                    

Natapos ang bakasyon, balik eskwela nanaman ang lahat.

"Couz ha! Balitaan mo ko sa relasyon nyo ni Terbi! Tsaka, wag kana matakot umamin kay tita. Kase.... alam ko namang matatanggap ka nya. Love you couz!" bulong ni Karylle sa pinsang si Vice bago nagpaalam sa lahat.

"Ano pare, ingatan mo tong pinsan ko. Pag nalaman kong umiyak yan dahil sayo, di ako magdadalawang isip na lumipad ulet papunta dito sa Pinas para lang masuntok ka." banta naman ni Vhong kay Terrence. Tumawa lang naman si Terrence at inassure na hindi nya pababayaan si Vice.

"Gf!! Iiwan mo na ko, tulad karin nila." pagiinarte ni Anne kay Karylle bago ito niyakap. "Ano ka ba gf! Syempre babalik naman ako dito, kailangan nandito ako pag umamin na yung secret couple dito. Haha!" sagot ni K at muling niyakap si Anne.

"Vice, Terrence." nakuha ni Greys ang atensyon ng lahat ng tawagin nya ang pangalan ng dalawa. Napatingin din naman si Vice at Terrence dito. "Good luck. Be strong. Wag susuko" sabi ni Greys at dumiretso na sa kotse. Napangiti lang naman ang dalawa at niyakap ang lahat.

Alam na ng mga pinsan ni Vice ang relasyon nilang dalawa. Pero ang mga magulang nila, wala paring ideya. Gustong gusto ng aminin ni Terrence sa lahat ang relasyon nilang dalawa. Pero si Vice, sinasabi nyang wag muna dahil hindi naman ito makakatulong sa kanila.

.
.
.

Fast forward tayo.

Ilang buwan na ang nakalipas, ilang monthsary narin ang nagdaan. Matatag at patuloy na lumalaban ang dalawa.

Hanggang sa ito na nga, March na. Birth month nilang dalawa.

"Baby girl, birth month na natin!"

"Oo nga eh, ano gusto mong gift? Mauuna ka sakin eh. Haha!"

"Hmmm.... Wala na, nasa akin kana eh?"

"Haluh! Haluhhh baby boy naman eh!

"Hahaha! Kilig ka naman?!"

Pang-aasar ni Terrence kay Vice, tumawa lang naman si Vice. "Baby girl, namimiss na kita. Ang daya naman! Bat kasi naayos agad yung kwarto mo!" sabi ni Terrence at patalikod na niyakap ng mahigpit ang nobya.

"Hahaha! Tanong mo kanila mama! Hahahaha!" natatawang sabi ni Vice, at humarap kay Terrence. "Ang cute cute naman ng baby boy koooo!!" sabi ni Vice at pinisil ang pisngi ni Terrence.

.
.
.

March 15.

Tanghali, masayang naguusap ang magkaibigang si Anne at Vice. "Birthday na bukas ni Terbi, any plans?" tanong ni Anne sa kaibigan.. Ngumiti si Vice at bumulong kay Anne. "Omg!! That's sweet!" komento ni Anne. Naglibot libot lang sila sa mall, nagpalipas oras hanggang sa tuluyan ng umuwi si Vice.

"San ka galing?" tanong ni Terrence sa nobya, naka-abang ito sa gate nila. Natawa naman si Vice, "...jose marie, wag mo kong tinatawanan" seryosong sabi ni Terrence. "What the hell?! Hahahahaha!" sagot naman ni Vice at pinisil ang pisngi ni Terrence.

"Aray!! Arayyyyy." sigaw ni Terrence. "Cute mo ha! Anong ganap mo dito, at tinatarayan mo ko? Bakla ka narin?" pagbibiro ni Vice. "Ay grabe si baby girl oh!?" natawa naman lalo si Vice at hinila na papasok si Terrence.

"Anong plano mo bukas? Gagala ka ba?" tanong ni Vice kay Terrence. "Hmm. Siguro, magpapakain lang ako sa team. Ganun naman lagi. Date tayo? Gusto mo?" tanong naman ni Terrence. "Eh? Araw naman natin sa 17, ang dami mo ng gastos nun? Charot! Haha" sagot naman ni Vice.

"Okay lang gumastos, worth it ka naman." sagot ni Terrence at kumindat. "Hahaha! Nakakainis, ang arte arte!" pigil kilig na sabi ni Vice.

Masayang nag-usap ang dalawa hanggang sa dumating ang mga magulang nila, sabay-sabay kumain ng dinner hanggang sa nagpaalam sa isa't isa upang matulog.

Naunang umakyat si Terrence at Vice.

"Baby boy!" tawag ni Vice kay Terrence, napalingon naman si Terrence dito na kasalukuyang binubuksan ang pinto ng kwarto nya, "Tabi tayo matulog?" tanong ni Vice. Tila nabuhayan naman si Terrence sa sinabi ng nobya.

Papalapit na sana si Terrence sa kwarto ni Vice ng bigla syang sinalubong nito. "Dun na tayo sa kwarto mo!!" sabi ni Vice at hinila na nga si Terrence.

"Namiss ko tong kamang to!!" sabi ni Vice pagkatapos tumalon pahiga sa sa kama. Tumabi naman si Terrence sa kanya, "Tulog na tayo baby girl...." sabi ni Terrence at niyakap ng mahigpit si Vice.

"I love you, baby boy!!"

"I love you more, baby girl.."

"Mas mahal kaya kita..."

"Pareho lang nating mahal ang isa't isa.."

"Hind----"

Hindi na natuloy ni Vice ang sasabihin ng bigla syang hinalikan ni Terrence sa labi, "Kiss lang pala gusto mo, dami mo pang sinasabi" naka-ngising sabi ni Terrence..

Nakatanggap naman sya ng hampas dahil doon. "Ang kapal mo ha! Hahahaha! Good night na nga baby, i love you!" muling sabi ni Vice at yumakap narin sa nobyo.

"I love you too, baby girl."

.
.
.
..

Ilang oras ang nakalipas, nagising si Terrence mula sa mahimbing na pagkakatulog ng maramdaman nyang wala si Vice sa tabi nya.

"Baby girl?..." kinapa nya ang kama pero wala syang nahawakan. Umupo sya at unti unting minulat ang mga mata nya.

"B-baby girl?" tawag ni Terrence.

"Happy birthday, baby boy!!!!" masayang sabi ni Vice. May hawak syang cake at punong puno ng lobo ang kwarto ni Terrence.

Hindi naman maitago ang tuwa sa mata ni Terrence. Lumapit si Vice kay Terrence, "Baby, ihip mo na yung kandila..make a wish narin!" sabi ni Vice.

Tumango si Terrence at saglit na pumikit, pagkatapos nun ay inihip na nya ang kandila. "Yehey!! Happy birthday..." sabi ni Vice at pinatong muna sa study table ni Terrence ang hawak na cake.

Tumayo si Terrence at niyakap si Vice. "Best birthday yet, thank you." bulong ni Terrence kay Vice. "Best birthday agad?! Hahaha!" natatawang sabi ni Vice. "Basta kasama ka, best moment yun." sagot ni Terrence na nakayakap parin.

"...payakap muna ha? Birthday ko naman eh." sabi ni Terrence. Tumango si Vice, "Ano ka ba, baby boy. Para ka namang ewan haha!" sabi naman ni Vice.

"Dito ko lang naman kasi nagagawa to. Pag nasa school tayo, hindi kita mahawakan, makausap, mayakap, at mahalikan sa paraang gusto ko. Yung buhay ko nandito lang sa apat na side ng kwartong to." paliwanag ni Terrence..

"Pagod ka na ba baby boy?" tanong ni Vice, kita sa mata nya ang kaba. Umiling naman si Terrence. "Kahit kailan hindi ako mapapagod sayo." sagot ni Terrence.

"Thank you, I love you. Sobra. Sobrang mahal kita." sabi ni Vice. Napangiti naman si Terrence dahil dito, "I love you. You have no idea how happy I am right now. Sobrang saya ko na ikaw yung kasama ko sa unang minuto ng kaarawan ko." sabi ni Terrence at hinalikan si Vice sa labi.

"Happy Birthday, my Romeo."

"Thank you so much, Juliet ko."

xx

HAPPY BIRTHDAY TERRENCE BILL ROMEO!!!!
- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon