VICE
10 am na, kakagising ko lang, 1pm pa start ng klase ko at dalawang subject lang ang meron ako ngayong araw na to. Literature at P.E. Kagabi, bago ako matulog ay ilang beses akong nagdasal na sana wag basketball ang P.E namin. Sana sumang-ayon sa akin si Lord.
Nagsimula na kong mag-ayos ng sarili.. Halos mag 11am na ng bumaba ako sa kitchen para kumain, hindi naman ako nagugutom kaya magtitinapay nalang ako. Kumuha ako ng tinapay at hot chocolate para magbrunch.
Pagbalik ko sa sala ay may nakita akong nakaupo sa couch. Hala? Ako lang mag-isa ang nandito ngayon eh?! "S-sino ka?" tanong ko sa nakaupo, lumingon sya sa akin na nakapagpaluwag naman sa dibdib ko. "Terrence? Bat nandito ka? Diba may klase ka?" tanong ko sa kanya. Oo si Terrence. Ngumiti sya sa akin.
"Break time ko, 1pm pa next class kaya umuwi muna ko" sagot nya, "...at alam kong hindi ka nanaman kakain ng kanin, kaya dinalhan na kita" tumayo sya at kinuha ang tinapay na hawak ko, hinila nya ang kamay ko at pinaupo sa couch. "Kumain ka." binigay nya sa akin yung pagkain na binili nya..
"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" tanong ko. "Kumain na ko bago umuwi dito eh. Haha!" sagot naman nya, tumango nalang ako at nagsimulang kumain.
.
.
.
.Pagkatapos kumain ay dumiretso na kami sa school. P.E pala ang first subject ko. At oo, magkklase kami ni Terrence. Nandito palang kami sa sasakyan pero kinakabahan na ako. "Would you mind sharing your thoughts?" napalingon ako kay Terrence, "Ano yun?" tanong ko. "Bat parang di ka mapakali?" tanong nya sa akin, pero hindi naman sya nakatingin. Huminga ako ng malalim, "Kinakabahan lang ako sa P.E" pag-amin ko, "Di ka naman takot sa bola, madali lang yan." he assured. Ngumiti ako, at tumango.
...
Naglalakad kami ni Terrence papunta sa school gym, "Vice!!" napalingon ako sa likod ko at nakita si Anne na nakangiti, "Anne!" bati ko sa kanya, "Vice!! Are you excited? Ano sa tingin mo ang P.E mo?" tanong nya, "Classmate ko si Terrence, I think basketball yung akin" sagot ko naman. Ngumiti lang sya sa akin, ngiti na sinasabing okay lang yun.
Pagkadating namin sa gym, sinalubong naman kami nung kaibigan ata ni Terrence.. Oo. Yung kausap nya kahapon. "Bro!! Basketball daw PE natin! Matik na!" sabi nya kay Terrence. Naramdaman ko naman ang kamay ni Terrence sa kamay ko, "Kaya mo yan" sabi nya at hinila ako papunta sa upuan. Si Anne naman dumiretso na sa mga kablock nya.
"Hindi ako strikto sa grade. Basta makita ko na nageeffort kayo, points na yan" sabi ng professor namin sa PE na nagpaluwag naman sa dibdib ko. Mabait nga sya, pero nakakahiya naman kase kung sa tangkad kong to, di ako marunong magbasketball.
"...Oh pano, next week start na tayo. Ngayon, pwede kayong maglaro, magpractice, or umuwi. Basta next week dapat ready na kayo. Class dismiss." paalam ng professor namin. Isa-isang nagtayuan ang mga kaklase ko. Ako naman nakaupo parin, nagiisip kung magppractice ba ko o magdadasal nalang.
"Vice! Tara laro tayo!!" sigaw sa akin nung kaibigan ni Terrence. "Ah...eh.." hindi ko alam sasabihin ko, lumapit sya at hinila yung kamay ko. "Tuturuan kita, kasi diba hindi ka marunong?" napatango nalang ako sa sinabi nya. "Nakalimutan mo pangalan ko noh? Ako si Mike" sabi nya habang naglalakad at nagddribble ng bola sa gitna ng court. "Oh, catch!" hagis nya sa bola na nasalo ko naman.
"Shoot mo, Vice." sabi ni Mike sa akin. Nasa harap na pala kami ng ring. Hinagis ko yung bola pero parang awkward naman nung nangyare. Hindi umabot sa ring. Hinabol ni Mike yung bola at bumalik sa akin. "Okay lang yan, isa pa."
Paulit ulit lang yung nangyare. Hindi talaga ko maka-shoot at hiyang hiya na ako kay Mike. Kasi hinahabol nya lang ng hinahabol yung bola. "T-teka.. Mike, nasaan ba si Terrence?" tanong ko sa kanya, "Tumawag kanina si Aiko, may emergency daw kaya pagkadismiss sa atin, umalis agad sya." sagot ni Mike.