-----×
"Bill!! Ayusin natin to!" rinig ni Vice ang sigaw ng ex ni Terrence mula sa sala. Nasa hagdan si Vice at nasa sala naman ang dalawa. Oo nakikiusyoso nga sya.
"Aiko pwede ba? Hindi na kita mahal" hindi maipaliwanag ni Vice ang sayang naramdaman ng marinig nya ang sagot mula kay Terrence.
"What the fuck?!" muling sigaw ni Aiko. "Pagsisisihan mo to Terrence Bill!!" dagdag pa nito. Napapakunot naman ang noo ni Vice sa mga naririnig. hindi ko akalaing may ganito ka-desperadang babae... sa isip ni Vice.
"Vicey!!!" napawi naman ang iniisip ni Vice ng biglang lumitaw ang bestfriend nyang si Anne sa pintuan ng bahay nila. "Oops!" ang tanging nasabi ni Anne ng makita nya si Terrence at Aiko na nagbabangayan.
Hindi pinansin ni Aiko ang pinsan at muling bumaling kay Terrence, "Bill.... Isang chance pa, please?" pagmamakaawa ni Aiko.
"Wohoo. Girl, move on!" singit ni Anne. At agad na umakyat ng hagdan. "Hey Vicey! There you are!" bati ni Anne kay Vice. Napakagat naman sa labi si Vice ng marinig si Anne. Ramdam ni Vice ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa kanya mula sa sala. Unti-unti syang tumingin dito at nakita si Terrence na nakatitig lang sa kanya.
"Punong puno ng pagmamahal ang mga titig na yan." sabi ni Anne. Nagulat naman si Vice at tumingin dito. "Nakakaloka!" ang tanging nasabi nalang ni Vice..
Muli syang tumingin sa dalawang dating magjowa na naguusap sa sala. "Aiko, look... hindi na kita mahal. May mahal na akong iba, at narealize ko na hindi ko na kayang pakawalan pa sya." tuloy-tuloy na sabi ni Terrence.
Gulat na gulat naman ang ekspresyon ng dalawang nasa itaas. "Omg. I'm so proud of him..." sabi ni Anne. Tila nabalisa naman si Vice sa mga narinig. ako ba yun? sa isip nya..
"Hey! Vicey?! May chika kapa sakin ha!" sabi ni Anne kay Vice, matalim na tingin naman ang nakuhang sagot ni Anne mula rito. "Ikaw Anning, may kasalanan kapa sakin ha!" sabi ni Vice, na nagpa-laki naman ng mata ng dalaga.
"No, Vice. You make chika chika pa!!" pagpupumilit ni Anne. Bumuntong hininga naman si Vice at nagsalita, "Ano bang gusto mong malaman?"
"What happened after ng class nyo, kahapon?" tanong ni Anne.
"Nagpractice ako ng basketball, si Terrence naman pumunta sa restaurant nila Mike." tinatamad na sagot ni Vice kay Anne.
"Yun lang? I mean, Terrence knew na you like him. Wala syang ginawa?" pangungulit muli ni Anne. Agad namang tumingin si Vice sa dalaga. "Aba talaga naman! At proud kapa sa ginawa mong pambubuking sa akin!!"
Akmang sasabunutan ni Vice ang kaibigan ng unti-unti itong lumakad palayo.. at ng makita nyang umalis na si Aiko sa bahay ng kaibigan ay agad syang tumakbo pababa. "I love you, Vicey! Pasasalamatan mo din ako! Hahahaha" at umexit na nga rin si Anne sa bahay nila Vice.
.
.Papasok na sana si Vice sa kwarto ng maramdaman nya ang pares ng brasong yumakap sa bewang nya. "T-terr..." sabi ni Vice. "Pwede ba tayong mag-usap?" mahinang tanong ni Terrence. Tumango naman si Vice at tuluyan silang pumasok sa loob.
"A-ano ba yung p-paguusapan?" utal na sabi ni Vice ng makaupo sya sa kama nya, tumabi naman sa kanya si Terrence.. "Narinig mo ba yung sinabi ko kanina kay Aiko?" tanong ni Terrence kay Vice, "A-ano dun?" kahit na may ideya, ay itinanong parin ito ni Vice kay Terrence.
"Yung... hindi na kita kayang pakawalan pa." walang prenong sagot ni Terrence. Nagulat naman si Vice pero hindi maitatangging kinilig ito sa narinig.
"I love it when you blushed...because of me" malambing na sabi ni Terrence habang hinahaplos ang pisngi ni Vice.
Hindi parin sumasagot si Vice. Hindi sya makakita ng tamang salita na makakapaglarawan ng nararamdaman nya. Kaya naman niyakap nya na lamang si Terrence.
Si Terrence naman ay nagulat, ngunit agad ding natauhan at yumakap pabalik kay Vice. "T-terr...." tawag ni Vice. Naramdaman naman ni Terrence ang paghikbi ng kayakap. Humiwalay sya dito, at tiningnan. "Oh? Bat umiiyak ang chubby ko?" tanong ni Terrence habang pinipisil ang pisngi ni Vice.
Napatawa naman si Vice sa narinig at hinampas ang dibdib ni Terrence, "Baliw! Anong chubby ko?!" sabi ni Vice. "Hmm. Taba ng pisngi mo, Juliet eh." sagot naman ni Terrence, at tumawa.
Nagpout naman si Vice.
"Hala sya! Nagpapacute pa ang baby girl ko. Kiss kita, gusto mo?" sabi ni Terrence. Kumunot naman ang noo ni Vice, "Nakakaloka ka! Hindi pa nga tayo, ang dami dami mo ng tawag sa akin!" hindi na napigilan ni Vice na magkomento sa mga sinasabi ni Terrence.
"Hahaha! Eh kasi ang ganda ganda mo eh!" sagot ni Terr, na nakapagpatigil naman kay Vice. "....pero Jose Marie, kelan mo ba ko sasagutin?" tanong ni Terrence. "Hoy nakakaloka yung Jose Marie!" sagot naman ni Vice. "Hahaha! Oh eh, kelan nga?" tanong muli ni Terrence. "Kelan mo ba ko tatanungin? Ahe!" pabebeng sagot ni Vice.
Tumayo naman si Terrence sa pagkakaupo at humarap kay Vice. Lumuhod ito at hinawakan ang dalawang kamay ni Vice.
"Jose Marie Viceral...will you be my girlfriend?" seryosong tanong ni Terrence. Tinitigan naman sya ni Vice...at bumuntong hininga.
"Terrence Bill Romeo, gusto ko lang malaman mo na hindi ako marunong magluto, tamad ako maglaba, hindi ako palaayos ng bahay, hindi ako organized na tao.. Wala kang mapapala sa akin" mahinang sagot ni Vice.
"Jowa ang gusto ko, hindi yaya." maikling sagot ni Terrence. "...bawas-bawasan mo na nga ang panonood kay yaya dove at mamang alden" dagdag pa ni Terr.
Pinalo naman ng mahina ni Vice sa braso si Terrence. "Excuse you! Hindi ako nanonood nun, ikaw pa nga ang may pabeve wave na picture jan eh!" pang-aasar ni Vice. Tumawa naman si Terrence, "Paano mo nalaman? Ikaw ha! Iniistalk mo ko!" sagot naman ni Terrence. Tumawa nalang si Vice dito.
"Pero Vice, ang sakit na ng tuhod ko. Ano ng sagot mo sa tanong ko?" pagbalik ni Terrence sa totoong usapan.
"Seryoso ka na ba jan?" tanong ni Vice.
"Hindi ako papasok sa isang bagay kung hindi ako sigurado." seryosong sagot ni Terrence na sinasalubong ang titig ni Vice.
"Jose Marie Viceral, for the second time I'm asking you. Will you be my girl?" tanong muli ni Terrence.
"Yes baby boy.. Yes!" sagot naman ni Vice at tinulungang tumayo si Terrence mula sa pagkakaluhod.
Walang sabi - sabi'y agad na hinalikan ni Terrence ang labi ng kanyang kasintahan. "I love you so much, baby girl!!!" sigaw ni Terrence at binuhat ang kanyang kasintahang si Vice.
:---)
- mallowseobie