VICE
Pagkatapos namin kumain ng dinner, binigay na ni mama sa akin yung schedule ko sa school. "Oh, bukas start na ng class mo. Good luck ha?" sabi sa akin ni mama. Napabuntong hininga ako. "Thank you ma." after nun, bumalik na ko sa kwarto namin.
Pagpasok ko, nakita ko naman si Terrence na nakahiga sa kama nya, aba first time ko ata makita to na nasa kama na agad. Nakangiti sya habang hawak ang phone nya. Hmm, may girlfriend siguro to. Napansin naman nya na nakatingin ako sa kanya, kaya napaangat sya ng ulo. "Oh, bakit?" tanong nya sa akin. "Ah.. wala, hays" sagot ko at dumiretso sa sariling kama.
Tumayo naman sya at sumunod sa kama ko, "Ano yan? Schedule mo?" tanong nya ulet. Tumango naman ako at inabot yun sa kanya. Tiningnan nya, at napapangiti habang binabasa to "Why are you smiling?" tanong ko. "Classmate kasi kita sa tatlong subject" he smirked. "Ah, talaga ba.." walang gana kong sagot. "Di ka ba masaya?" he asked. "Kinakabahan lang siguro ako. New people, new environment. Yeah." sagot ko. Ginulo naman nya yung buhok ko, "Sus! Di naman kita papabayaan dun e!" sabi nya at bumalik na sa kama nya.
---kinabukasan
"Vice!! Gising na Vice!!!" narinig ko ang pagsigaw ng kapatid ko sa akin, unti-unti akong dumilat at nakita si Terrence na naka-uniform na. Binato nya ko ng unan kaya napa-bangon ako "Gising na sabe! Bilis ihahatid kita" sabi nya at lumabas ng kwarto.
Tuluyan na kong bumangon at naligo.
After 20 minutes, natapos na ko sa pagligo at pag-ayos ng sarili. Pagkababa ko, nakita ko si Terrence na nakatayo, at kumakain ng tinapay. "Oh? Grabe sya o! Ang tagal mag-ayos eh" bati nya ulit sakin. "Ewan ko sayo, Terr. Tara na nga!" sabi ko naman at naglakad na palabas. Mga dalawang minuto ata ang nakalipas bago sya sumunod sa akin. Nakita kong may hawak syang plastic, dumiretso sya sa pintuan ng shotgun seat, at binuksan to. "Pasok na" sabi nya. Pumasok naman ako, at dumiretso na sya sa driver's seat.
"Malayo ba yung school natin dito?" tanong ko sa kanya. "20 minutes pag di traffic." sagot nya, "Ay, Vice oh. Kumain ka." inabot nya sa akin yung plastic na hawak nya kanina. May lamang tinapay. Napangiti naman ako sa ginawa nya. "Thank you, Terr." sabi ko, ngumiti naman sya at tumango lang.
"I always get traffic here.." sabi ni Terrence, napatingin naman ako sa kanya. "Haha. Sorry, nagppractice lang ako ng English. Haha!" sabi nya, "You're good naman eh. Don't be shy." sagot ko sa kanya. "Really? Hey thank you!" sagot nya, at halatang nagpipigil ng tawa kaya natawa narin ako.
Mga ilang minuto pa ay tumigil na kami sa isang parking. Tumingin ako sa paligid, ang laki ng mga building. Nakakalito naman, iba iba ata building ko per subject eh. Naunang lumabas si Terrence at pinagbuksan ulit ako ng pinto. Bumaba na ako, nagpasalamat.
"Patingin ulit ng schedule mo." sabi nya, nilabas ko naman sa bag ko yung list ng sched ko. "Ah. Ito lang yung building mo." turo nya sa kaharap naming building, "..3rd floor, may number naman yung rooms jan. Di ka maliligaw." dagdag pa nya. Tumango naman ako at akmang kukunin yung schedule ko pero pinipicturan pa nya. "Bakit?" tanong ko.. "Para alam ko schedule mo. hehe! Sige na, may practice pa kasi ako. Ayan na teammates ko oh. Maya ulit! Sabay tayo uuwi" sabi nya, at tuluyan ng pumunta sa mga teammates nya.
Tinitingnan ko lang sya, nasa kanya na ata lahat. Matangkad, gwapo, mabait, malambing, mahilig pa sa sports. May girlfriend kaya sya? Hindi ko kasi natanong. Ang feeling close ko naman kasi kung tatanungin ko sya agad tungkol dun.
"You like him, don't you?" halos mapatalon naman ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Lumingon ako, at nakita ko ang isang babaeng maputi.. Hmm, maganda sya. "H-ha?" sagot ko. "You.Like.Him." paguulit nya. "S-sino?" tanong ko. "Si Terrence Bill Romeo.." sagot nya. Pinilit ko namang tumawa. Kinakabahan ako, ganun ba ka-halata?! "Ah. Eh kapatid ko sya." sagot ko, lumaki naman ang mata nya.
"OMG! You're Vice?!" tanong nya, napakunot naman ako ng noo. "Ahm... oo, bakit? Paano mo ko nakilala?" tanong ko rin. "Terrence texted me kasi last night. Hehe! I'm Anne. Anne Curtis-smith." sabi nya, then offers me a hand shake. "Ah, Vice. Vice nalang." then tinanggap ko yung kamay nya.
"What room ka?" tanong ni Anne habang umaakyat kami sa building ng unang subject namin. "303..." sagot ko, "Oh great! Me too! Wooohoo" sabi nya. Napaka-hyper ni Anne. Parang aning aning amp.
Dumiretso na kami sa classroom namin. I think I'm ready na. Dahil nandito naman si Anne. At magkasundong magkasundo kami.
---
MERRY CHRISTMAS!!!!
- mallowseobie