VICE
Isang buwan na ang nakalipas simula nung maging kami ni baby boy. Ang saya. Masaya lang. Walang problema, minsan nagkakapikunan kami.
O sabihin na nating... oo ako talaga yung madalas napipikon. Eh paano, ang lakas lakas mang-asar ng jowa ko! Yung tipong nagda-diet ako tapos yayakapin nya ako sa likod at bubulong ng "Kamusta kana chubby ko?" sweet noh?
Sobrang sweet nya sa akin, at hindi ako magsasawang maramdaman yung kasweet-an na yun.
"Baby girl.." bulong sa akin ng katabi ko, napalingon ako sa kanya, "Bakit?" tanong ko. Ngumiti sya, haay ang pogi! "Mahal kita" sagot nya, linapit ko ang mukha ko sa tenga nya at bumulong "I love you more" sagot ko.
Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon, gumagawa ng kanta. Activity lang sa isang subject.
"Ano title mo baby girl?" tanong nya, pero mahina lang. Hindi kasi pwedeng malaman ng iba yung relasyon namin.
"Sa Piling Mo..." sagot ko, "...ikaw?" tanong ko naman sa kanya. "Balang Araw.." sagot nya. Ngumiti ako, tumango, at bumalik sa pagsusulat.
"Last 20 minutes..." sabi ng prof namin, ngayon din kasi namin ippresent tong kanta na ginawa namin.
.
.
.
Pagkatapos ng dalawampung minuto, umayos ang lahat sa pagkakaupo dahil magsisimula na kami.Alphabetical tinawag ng prof namin yung mga magppresent. At konti lang naman kami kaya maaabutan pa.
Mga ilang minuto pa...
"..Romeo"
Narinig kong sabi ng prof namin, kaya napalingon ako kay baby boy. Bored na tumayo naman si Terrence at naglakad papunta sa harap.
Huminga sya ng malalim at nagsimulang kantahin ang nakasulat sa papel na sya mismo ang nagsulat.
"Marahil ay hindi mo nga..
Masasabi ang itinakda sa.. atin ng panahon, Bata pa tayo non at walang pinakikinggan,
Naghahari ang emosyon.Di ka na magtataka puro away ang magkabila, kay dali lang bumitaw.
Mauuwi sa hiwalay
Dahil hindi pa nga sanay
Pagbigyan ang isa't isa..Mahahanap rin kita
Balang araw, balang araw
Bubukas muli ang pinto..
Balang araw, balang araw...Ay ikaw parin at ako.
Balang-araw..."
Nagpalakpakan ang mga kaklase namin. "Woooh! Iba kana brad!" sigaw ng isa. Tumawa naman ang iba, si Terrence naman bumalik sa upuan habang tumatawa at umiiling
"Galing mo baby boy!!" bulong ko sa kanya. At nakita ko nanaman ang ngiting hindi ako magsasawang makita kahit kailan.
"Viceral..."
Ang sunod na sinabi ng prof namin, tumayo ako at naramdaman ang paghawak ni Terrence sa braso ko. "Good luck" ngiting sabi nya. Ngumiti din ako at nagpasalamat.