"Baby girl, gising na" sambit ni Terrence habang ginigising ang kasintahan. "hmmm" ang tanging sagot ni Vice."Baby girl, nag-mall pamilya mo. tayong dalawa lang nandito" dagdag pa ni Terrence, at hinahalikan ang likod ng kasintahang nakahiga padapa.
Unti unti namang dumilat si Vice sa narinig, "Ano?" sagot ni Vice at humikab pa. "Sabi ko, tayong dalawa lang po ang nandito. At namimiss na kita." sagot naman ni Terrence.
"Namimiss mo ko eh lagi naman tayong magkasama, hay nako baby boy. Ang clingy" natatawang sabi ni Vice at tuluyan ng bumangon sa pagkakahiga. "Namimiss ko ng yakapin ka, halikan ka, maging sweet sayo... Ganun" mahinang sabi ni Terrence na parang nahihiya.
Unti-unti namang napangiti si Vice sa narinig. "Teka lang, magttoothbrush lang ako" sabi ni Vice at dumiretso sa cr ng kwarto nila.
Ilang minuto lang ay natapos na sa pag-aayos ng sarili si Vice, at nakita nya si Terrence na nakaupo parin sa kama. Dahan-dahan syang naglakad palapit dito at 'saka yumakap.
"I love you, namimiss narin kita talaga" malambing na sabi ni Vice at humiwalay sa yakap.
"Oh anong tingin yan?" tanong ni Vice, "Pa-kiss ako baby girl" sagot ni Terrence at ngumuso. Natawa naman si Vice sa ginawa ng jowa kaya lumapit syang muli at hinalikan sa labi ang kasintahan.
"Bat ang bilis? Isa pa" sabi ni Terrence na nagpapacute pa. Hindi naman umangal si Vice at muling hinalikan si Terrence.
Agad namang niyakap ni Terrence si Vice para hindi ito makahiwalay, unti-unting ginalaw ni Terrence ang kanyang labi, na hindi nagtagal ay tinugunan din ni Vice. Sa una'y dahan-dahan hanggang sa naging mapusok ang kanilang halikan.
Unti-unting hiniga ni Terrence si Vice sa kama, at pumatong sa itaas nito. Pababa ng pababa ang kanyang mga halik hanggang sa leeg nito, "hmmm~" ungol ni Vice.
Tinaas ni Terrence ang shirt na suot ni Vice para tanggalin. Tanging ungol lamang ni Vice ang maririnig sa kwarto. Nagiging agresibo ang mga galaw ni Terrence ng biglang..
*brrrr* (ano to?)
Nagkatinginan ang dalawa, napakagat sa labi si Vice, habang si Terrence naman ay nagpipigil ng tawa.
"Baby girl, gutom ka na! Hahahaha" natatawang sabi ni Terrence at umalis mula sa pagkakapatong kay Vice. "Ah eh..." hindi makuha ni Vice ang tamang salita, alam nyang nabitin nanaman ang kanyang nobyo, at ganun rin naman sya.
"Halika, baba tayo." sabi ni Terrence at tinulungang isuot kay Vice ang shirt nito. "B-baby boy...." nahihiyang pagtawag ni Vice kay Terrence.
"Wag kang maguilty, wala yun. Haha! Ayaw ko namang magutom ang girlfriend ko, tara na!" sabi ni Terrence at hinila ang kamay ni Vice.
Simpleng almusal lang ang hinanda ni Terrence para kay Vice, ayaw kasing nagkakanin ni Vice sa agahan. Tinapay at gatas lang sapat na, kaya mabilis din itong natapos sa pagkain.
Magkatabing nakaupo si Vice at Terrence sa sofa nang maramdaman ni Vice ang kamay ni Terrence na gumagapang papunta sa.....kamay nya. Hinawakan ni Terrence ang kamay ni Vice at sumandal sa balikat nito.
"Baby girl, kelan kaya natin maaamin sa parents natin yung relasyon natin?" biglang tanong ni Terrence, "Sa tamang panahon panahon panahon." sagot naman ni Vice. Natawa naman si Terrence, "Mukhang malapit na yang tamang panahon panahon panahon na yan ah. Haha!" sabi nito. "Sana pag nalaman nila, handa tayo." sabi ni Vice at isinandal ang ulo sa ulo ni Terrence.
"Hey two sweet couple!" agad na napabitaw si Vice sa kamay ni Terrence ng makita si Anne sa harap nila na ikinagulat din naman ni Terrence.
"Hala, nakatulog pala kami. Teka! Anjan na ba pamilya ko?" tanong ni Vice at tumingin tingin sa paligid.
Umiling naman si Anne. "Malapit na, inunahan ko lang sila kasi alam kong may ginagawa nanaman kayo dahil solo nyo ang bahay" natatawang sabi ni Anne.
"Grabe Anne, hahaha!" singit ni Terrence sa usapan.
/beep beep/
"Oh ayan na sila." sabi ni Anne at tumingin sa gate nila Terrence, "Ako na magbubukas" paalam ni Terrence at dumiretso na sa labas.
"Salamat Anne, ha?" sabi naman ni Vice. "Anong salamat? Do me a favor!" sabi naman ni Anne na nakapagpataas sa kilay ni Vice, "At ano naman yon?" tanong ni Vice.
Magsasalita na sana si Anne ng biglang pumasok ang pamilya ni Vice, "Hi Anne, Vice! Gandang tanghali!" bati ni Karylle sa kanila at bumeso.
"Wait ang dami kong binili, dalhin ko lang sa kwarto. I'll be back" sabi ni K at dumiretso sa taas.
Si Vice naman, nakatingin parin kay Anne. Hinihintay kung anong pabor ang hinihingi nito. "Si Karylle...." panimula ni Anne. "Oh? What about K?" tanong ni Vice. "Do you think.... uhm.... hays! Wag na nga Vicey!" sabi ni Anne na parang inis na inis sa sarili.
"Gulo mo, Anning ka talaga!" sabi ni Vice at tumawa.
"Hi Anne." sabay namang lumingon si Vice at Anne kay... Vhong. "Hi" sagot ni Anne. "Ah. Pwede ko bang mahiram muna si Vice sandali?" tanong ni Vhong kay Anne. Natawa naman si Anne at sumagot "Yeah. Sure."
"Ano bang meron Vhong?" tanong ni Vice. "Varsity pala si Terrence. At nalaman kong tinulungan ka nya sa subject nyong basketball noon." sabi ni Vhong. Napa-kagat labi naman si Vice ng maalala ang unang beses na pag-uusap nila ni Terrence tungkol sa pagppractice ng basketball..
"I want to stay! I'll help you Vice"
"You don't have to"
"But I want to.."
"But you don't..."
"You don't want me to?"....
"Huy Vice! Ano na? Day dreaming?!" pagkuha ni Vhong sa atensyon ni Vice. "Ah, oh eh ano bang meron? Ano naman kung tinuruan nya ko?" tanong ni Vice. "One on one na tayo! Marunong ka na pala eh." sabi ni Vhong at hinila si Vice..
"Hey, Where kayo?" tanong ni Karylle na kaka-baba lang galing sa kwarto. "Magbbasketball lang K." sagot naman ni Vhong at hinila na papunta sa garden si Vice.
Nang makarating sa garden ay nakita ni Vice si Terrence na may hawak na bola. "Oh anjan na kayo, maglalaro na ba kayo?" tanong ni Terrence at pinasa kay Vhong ang hawak na bola. Tumango lang naman si Vhong.
"Ano, Vice? Game na?" tanong ni Vhong. "Wala man lang warm up?!" sabi naman ni Vice. Tumawa naman si Vhong. "Ano ba yan, kailangan pa ba yun? Para namang di tunay na lalake, brad!" pang-aasar ni Vhong.
Umirap lang naman si Vice at inagaw kay Vhong ang bola, sabay shoot sa ring. "Oh? Sinong di tunay na lalake?" sagot ni Vice. Natawa naman si Vhong at nagsimula ng makipaglaro.
Si Terrence naman ay masayang tinititigan ang nobya habang nakikipaglaro sa pinsan nito.
.
.Halos isang oras ng naglalaro ang dalawa. Nakaramdam narin ng pagka-bagot si Terrence kaya naman tumayo ito at lumapit sa dalawa.
"Tagal pa ba yan?" tanong ni Terrence. Natawa naman si Vhong.
"Hahahaha! Sige na nga brad, panalo kana. Ang hirap habulin ng score mo. Galing!" sabi ni Vhong kay Vice at tumakbo papasok ng bahay para uminom.
Tumatawa naman si Vice habang hindi parin tinitigilan ang pag free throw sa bola. "Kanina ka pa jan Vice.." pag-agaw ni Terrence sa atensyon ng nobya. "Eh, minsan lang naman to." simpleng sagot ni Vice.
"Baby girl, kanina mo pa shinoshoot yan. PATIRA naman." sabi ni Terrence kay Vice nang may nakakalokong ngiti.
.
.
.- mallowseobie