gh. 4

860 44 4
                                    

VICE

Natapos ang unang subject namin ni Anne, papunta na kami ngayon sa second subject namin, sa kabilang building lang naman. Buti nalang nga at halos parehas kami ng schedule ni Anne. Pareho kasi kaming irregular student, ayaw daw kasi nya sa mga blockmates nya kaya gumawa sya ng sariling schedule.

Pagkapasok namin sa building ay nakita agad ng mata ko si Terrence.. na may kahawak kamay. Napa-iwas agad ako ng tingin...

May girlfriend pala sya?

"Uy Vice!" narinig kong tawag sa akin ni Terrence, unti-unti naman akong tumingin sa kanya. Hooh Vice, kalma. Pagkatingin ko ay nakalapit na sya sa amin ni Anne. "Classmate kita sa subject na to, Philosophy diba?" masayang sabi nya, tumango naman ako at ngumiti.

"Hey" sabi ng bruha...este nung babaeng kaholding hands ni Terrence kanina. "Who is he?" tanong ulit ng bruhang babae. "Ah, si Vice. Kapatid ko. Vice, si Aiko..." pagpapakilala ni Terrence samin, narinig ko namang bumubulong bulong si Anne sa tabi ko, kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong umiirap sya.

"Hi Vice, ako si Aiko, girlfriend ni Terrence." sabi nya at nakipagbeso sa akin. "Wanna join us? Lets be friends!" sabi pa nya. Tumingin naman ako ulit kay Anne. Tumingin din sya pabalik sa akin, blanko lang ang mukha nya.

Umiling ako kay Aiko, "Ah, kasama ko kasi si Anne. Sige mauna na kami. Nice to meet you." sabi ko sa kanila, at hinila na si Anne.

"It's good to know na hindi ka nagpapadala sa kaplastikan ng babaeng yon." sabi ni Anne sa akin, napakunot naman ako ng noo sa sinabi nya. "She's my cousin.." panimula nya, na sya namang ikinagulat ko. "...at galit na galit sya akin, kasi bobo, utak biya, walang utak sya." dugtong pa ni Anne, nagulat naman ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni Anne. "HAHAHAHAHAHAHA! I'm just kidding! I just imitated Julia Barreto's famous line! Lagi kasing nasa commercial, duh!" napatawa nalang ako kasi hindi ko naman alam yung sinasabi ni Anne, bago lang kaya ako dito sa Pinas. Tsk

"Pero totoo nga?" tanong ko sa kanya. "Na ano? Na bobo, uta--" hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Anne, "Na galit sya sayo?" sabi ko. Tumango sya, magsasalita na sana sya ulit, pero nakarating na pala kami sa classroom namin. Agad kaming pumasok at umupo sa bandang harap.

Pagka-upo, ay agad naman syang nagsalita. "Galit sya, kasi insecure sya. Puro ganda lang naman meron yun. Walang syang...you know. And super bitchesa ng babaeng yun." sabi nya. Ganda lang? Bitchesa pa? Bat girlfriend sya ni Terrence?

"Hindi ko nga alam, bat nagttyaga si Terrence dun. Tsss!" sabi ni Anne, ngumiti nalang ako at nagkibit balikat. Unti-unti narin namang dumating ang mga classmate namin, pati si Terrence at Aiko dumating narin. Dumiretso sila sa likod. Hindi ko na sinundan ng tingin pero pansin kong bored na bored na si Terrence habang daldal ng daldal ang girlfriend nya.

Dumating narin ang prof namin kaya nag-ayos na kaming lahat at nakinig.

Halos 30 minutes lang, ay natapos na ang subject na Philosophy. Nagpakilala lang yung prof at nagdiscuss tungkol sa mga gagawin sa buong sem. May homework din kami agad, by partner. At syempre, si Anne partner ko. Napansin ko nga nun si Terrence at Aiko sa likod. Hindi pinapakawalan ni Aiko yung kamay ni Terrence. Nakakapang-init naman ng mata.

"Huy! Vice!" bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang napakalakas na boses mula sa napaka-laking bunganga ni Anning. Haha! "A-ano ba Anne?" sabi ko, "I'm asking you kung anong kakainin natin, you punk!" sabi nya at binatukan ako. "Ay grabe sya o!? Namamatok talaga?! Kahit ano nalang, di naman ako masyadong gutom." sagot ko sa kanya. Tumango sya at umorder.

Dalawang chiken sandwich para sa aming dalawa. "Hindi rin kasi ako gutom. Haha!" sabi nya at umupo sa vacant seat. Nagsimula na kaming kumain nang may umupo sa tabi ko, nakita ko naman ang tray na may dalawang plato.

Yung isang plato may kanin at caldereta, yung isa naman may kanin at adobo. "Kakain ka o magagalit ako sayo?" napatingin ako sa taong tumabi sa akin, "Terrence..." sabi ko at napa-pout. "Lunch na, Vice. Kanin ang kainin mo, wag tinapay!" sabi nya sa akin. Binaba ko naman yung sandwich na kinakain ko at kinuha ang kutsara't tinidor kay Terrence.

"That's sweet." panirang moment na sabi ni Anne. Nakangiti lang sya ng mapang-asar. Woah. Vice! Wag kang magbblush! Walang pwedeng maka-alam ng nararamdaman mo! "Inggit ka lang, bili karin ng iyo" pambabara naman ni Terrence, "Tse!" sagot ni Anne at bumalik sa pagkain.

"Kumain kana, Vice. Papagalitan ako ni daddy pag nagutom ka." sabi ni Terrence at nagsimula naring kainin yung lunch nya. Tumango ako, at kumain narin.

After 20 minutes ay natapos na namin ang pagkain ng lunch, magkakasama kaming tatlo na naglalakad sa corridor, kaklase ko parin si Anne sa last subject ko ngayon. Si Terrence naman, wala ng class. Ihahatid nya lang daw kami ni Anne.

"Ito na classroom nyo." sabi ni Terrence, napahinto naman kami. "Thank you, Terrence." sabi ko. "Sure. Pero Vice, may practice ako ngayon sa basketball. Gusto kita kasabay, pwede mo ba kong hintayin para sabay tayo umuwi?" tanong ni Terrence sa akin, hindi naman ako makasagot agad, lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi nya..

"Anne, pwede mo samahan si Vice sa gym mamaya?" baling ni Terrence kay Anne, hindi kasi ako nakasagot agad. "Of course, basta wala si Aiko dun." sabi ni Anne na naka-approve sugn pa ang kamay. "Wala sya dun, hehe" sabi ni Terrence.

Muling tumingin sa akin si Terrence, "So paano Vice? Kitakits mamaya? Hintayin mo ko ah! Sige, see you later!" sabi nya at tumakbo na palayo. Hindi man lang ako nakapagsalita. Grabe nakakahiya.

"Vice, pwedeng huminga. Hahaha!" sabi ni Anne sa akin, at nauna ng pumasok sa classroom. Bumalik narin ako sa katinuan dahil sa sinabi nya.

Ugh Vice?! Ano ba!! Alalay naman sa damdamin!!

---
thank you sa mga nagbabasa, vote, at comment. hehe kausapin nyo ko sa twitter wala akong kausap tungkol sa virence uy. (@_fangxrl) kahit wag nyo na ko ifollow, pero chikahin nyo ko haha, thank you mwa

- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon