gh.6

861 40 4
                                        

VICE

"Eh ikaw Vice? M-may girlfriend ka ba?" tanong ni Terrence sa akin, pauwi palang kami ngayon. Nagulat ako sa tanong nya, pero natawa ako.. "Bakit ka natatawa jan?" tanong pa nya.

"Haha. Wala akong girlfriend." sagot ko sa kanya. Napangiti naman sya sa sagot ko. Ayoko mag-assume. Pero bakit ba kasi ganito sya?

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa kwarto. Sya naman ay dumiretso ata sa kusina. Ewan ko.

Pagkapasok sa kwarto ay tumalon ako sa kama. Uhhh namiss ko tong kama na to. Di naman ako pagod ngayong araw, pero ewan ko ba gusto ko lang magpahinga sa mga nangyari..

Iidlip na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko, may nagtext..
..

Unknown no.
hi vice, it's anne-dyosa ko talaga. :)

Napatawa naman ako sa text ni Anne. Agad kong sinave ang number nya at nireplyan sya.

To: Anning
Baliw! Hahaha!

From: Anning
nakauwi kana?

To: Anning
Oo, ikaw ba?

From: Anning
yup hehe! kelan natin gagawin yung homework sa philosophy?

To: Anning
Ah oo nga. Gusto mo ngayon na?

From: Anning
okay, im on my way there. haha! see ya!

Nagulat naman ako sa reply ni Anne. Ang bilis magdesisyon ha? Hahaha! Malapit lang kaya ang bahay nya dito? Hala! Hindi ko nasabi kanila mama na pupunta si Anne dito. Pwede kaya?

Agad akong bumaba sa sala at nakita ko si Terrence na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa kanya at nakita ko syang nakapikit. Tulog? Pinagmasdan ko ang mukha nya.. Ang tangos ng ilong, kissable pa yung lips.. ang gwapo gwapo..... ang swerte swerte ng girlfriend nya.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala kong may girlfriend nga pala sya. Okay. He's straight. Hindi sya papatol sa akin.. Pero beke nemen? "Ay kabayong bakla!" sigaw ko ng marinig ko ang boses ni Anne sa labas ng bahay namin. Agad kong tinakpan ang bibig ko.

Dahan-dahan akong lumabas ng bahay para hindi magising si Terrence.. Nakita ko naman si Anne, na ang lawak lawak ng ngiti. Binuksan ko ang gate, at pinapasok sya.

"I see what you did there! Haha" sabi ni Anne. Napakunot naman ako ng noo. "Anong pinagsasabe mo?" tanong ko. Umiling naman sya at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.

Sumunod naman ako kaagad, at nakita kong may hawak na unan si Anne at akmang babatuhin si Terrence. "Huy Anne!" tawag ko sa kanya, pero mahina lang kasi baka magising si Terrence. Tumingin sya sa akin at nag what face. Pinandilatan ko sya ng mata para hindi nya ituloy ang paggising kay Terrence.

Napangiti naman ako nung tinapon nya sa sofa yung unan, "Fine.. fine.. tss bro goals!" sabi nya at natawa naman ako. "Tara na nga sa kwarto, Anne." hinila ko ang kamay nya at dinala sa kwarto namin ni Terr.

Pagkapasok na pagkapasok ay agad akong tinanong ni Anne, "Where is your bed?" tinuro ko naman yung kama ko. Tumakbo sya at agad na humiga. "So, what are we gonna do now?" tanong nya ulit. Lumapit ako at kinuha ang bag ko, nilabas ko yung homework na gagawin namin.
.
.

Agad namang nagfocus si Anne sa assignment namin, halos mga 15 minutes lang.... Tapos na namin. "Super basic naman pala!" sabi nya at muling humiga sa kama ko. "You're pretty and smart. Don't you have a boyfriend, Anne?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin, "I don't like boys." napaisip naman ako sa sinabi nya. "...nor girls." dagdag pa nya.

"Ha?" naguguluhan kong tanong. "Ayoko magboyfriend kasi nakakatamad lang." sabi nya at tumawa. Hinampas ko naman sya ng unan. "Baliw ka talaga!" knowing Anne, hindi sya papatalo kaya hinampas nya rin ako.

Naghampasan lang kami ng naghampasan ni Anne ng unan ng biglang bumukas ang pinto. "Ah...nakakaistorbo ba ako?" si Terrence. Mga ilang segundo pa ay narealize ko na ang awkward ng posisyon namin ni Anne. Nakahiga sya sa kama at parang...nakapatong ako sa kanya.

Agad kong inayos ang sarili ko at tumayo, "Ah. Eh. Wala tapos na namin gawin yung homework.." sabi ko, tumango lang naman sya at dumiretso sa kama nya.

"What's with you? Bat antukin ka today, Terbi?" tanong ni Anne kay Terrence na kasalukyang nakaupo sa kama nya at hawak ang phone neto. Tumingin si Terrence sa kanya, "Pagod sa practice, Anne." sagot nito kay Anne. Bumaling naman sa akin si Anne..

"Ikaw, Vice? Gusto mo ng sports?" tanong ni Anne sa akin. Umupo ako sa tabi ni Anne, "Volleyball. Volleyball yung gusto ko." sagot ko naman. "Oh! Great! Ako naman, I enjoy running eh. Pero nagpplay din ako ng volleyball." sabi naman nya. "May PE subject kaba ngayong sem?" tanong ko kay Anne. Tumango sya, "Yup! Pero hindi tayo classmates eh. But same sched. Sana nga volleyball e!" sabi naman ni Anne. "Ano ba yung pagpipiliang sports?" tanong ko. "Basketball or Volleyball lang naman yung group or team sports sa university natin." sabi ni Anne.

Basketball?!

Hala! Sana naman hindi basketball yung P.E ko!!

"Uy, masaya yun pag basketball." pagsingit naman ni Terrence sa usapan. "Masaya sayo kasi varsity ka. Hay!!!" inis na sabi ni Anne, "Edi turuan ko nalang kayo pag basketball yung nakuha nyong sports. Si Vice, classmate ko sa subject na yan eh." sabi naman ni Terrence.

Napatingin ako sa kanya, inaral nya talaga yung schedule ko eh, noh?! Hala Vice! Assuming?!

"Talaga? Nako, baka nga basketball yung PE natin." sagot ko. Ano ba yan, di kasi ako marunong magbasketball eh. Nakakakaba naman! "Edi masaya nga yun." sabi ni Terrence at tumawa.

"Feeling ko volleyball yung samin, puro girls kasi. Kasama ko yung blockmates ko sa P.E subject eh! Hays maaarte sila! So malamang, volleyball yung samin. Goodluck Vice! Haha!" sabi ni Anne sa akin na hindi ko alam kung nageencourage ba o ano. "Magddrop nalang ako sa subject pag basketball. Tapos sasama ako sayo." sabi ko naman, tumawa si Anne. "That's so gay, Vice! Hahahaha!" lumaki naman ang mata ko sa sinabi ni Anne.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hay nako Anne Curtis-smith!!!!

"Bakit Anne? May problema ka sa bakla?" biglang nagsalita si Terrence. Kaya napatingin kami sa kanya. "Wala akong sinabing ganun, Terbi." sabi ni Anne. "Eh bat ginagamit mo yung word na gay para mang-asar ng ibang tao?" tanong ni Terrence. "Is it too late now to say sorry?" pakantang sagot ni Anne. "Hahahaha! Anning ka talaga!" singit ko sa usapan nila.

"At Vice, wag kang magddrop pag basketball yung P.E natin. Hindi naman kita papabayaan. Wag kang mag-alala." sabi ni Terrence sa akin, na nagpalakas sa tibok ng puso ko. Terrence Bill Romeo, bat ka ba ganyan? Why am I now confused because of my step brother?

------
update bcs kota. chos!!
nanood ang meme. charr!

- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon