gh.5

964 41 12
                                    

TERRENCE

Papunta na ko ng gym ngayon. Isang subject lang kasi ang meron ako sa araw na to. Pero imbis na mainis ako, masaya pa ko kasi classmate ko sya sa subject na yun. Wag nyo ng itanong kung sino. Hindi ko rin naman aaminin pa sa ngayon.

Sinabihan ko nga pala si Vice na hintayin ako para sabay kaming umuwi. Mabuti nalang nga at si Anne din ang naging kaibigan nya, katext ko kasi si Anne kagabi.

To: Anne
Magugustuhan mo sya, Anne.

From: Anne
talaga lang terrence ha? :)

To: Anne
Oo, F.O na pag di kayo naging close

From: Anne
edi wow! hahahahahaha

Yan lang pinaguusapan namin kagabi ni Anne, oo si Anne yung katext ko pagkatapos kumain ng dinner. Nakita ko pa nga si Vice nun na nakatingin sa akin, nakakahiya naman kasi pangiti - ngiti pa ko habang katext ko si Anne. Natatawa kasi ako pero pinipigil ko kaya napapangiti lang ako.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Mike, bestfriend ko. Teammate din. "Uy broooo!" bati ni Mike sa akin at nakipag fistbump. "Oh musta bakasyon?" tanong ko sa kanya, ngayon ko lang kasi sya nakita ulit, may klase siguro kaninang umaga to. "Bored bro, uy teka balita ko dito na nagaaral yung step brother mo ah!" sabi naman nya at tumango ako.

"Marunong bang magbasketball yung kapatid mo bro?" tanong ni Mike sa akin, napa-iling ako kasi hindi ko alam ang sagot. "Di ko alam eh, di ko natanong" sagot ko sa kanya. "Pakilala mo ko bro, nakakasawa ka na eh. Baka maging bespren ko yon" sabi nya. Sinuntok ko naman yung braso nya, "loko ka ah! Pagpapalit mo na ko?!" sagot ko na nagpipigil ng tawa. "HAHAHAHAHAAA BRO...." (shet sorry i ship mike and terrence talaga haha)

Malapit na kami sa gym ng biglang nagsalita ulit si Mike,

"Nabalitaan mo ba yung magaling daw magbasketball sa college of business ad department?" tanong nya sa akin..

"Sino?" sagot ko

"Yung Kim Lo daw" sagot ni Mike

"Ah, magaling nga daw yun eh" sagot ko naman

"Sus kayang kaya naman nating talunin yun eh." sabi ni Mike

"Hindi rin. Malay mo, mas magaling sayo?" pang-aasar ko kay Mike

"Gagu! Hahahaha!" sabi nya at tumakbo na papuntang gym.

..
..
.
.

3 o'clock na, at tapos na ang practice namin, hindi ko parin nakikita si Vice. Pupunta pa kaya sya? Ang alam ko, 2:30 ang uwian nya eh. Bat ko alam? Eh pinicturan ko nga yung schedule nya diba?

"Terbi!" narinig ko ang isang pamilyar na boses. "Oh Anne, Vice! Kanina pa ba kayo?" lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Sorry, kanina pa namin uwian kaso si Anne sinama ako sa.. hepa lane ba yun? Basta dun, tapos ang dami nyang binili. Kaya ayan, kakadating lang namin" paliwanag ni Vice. Natawa naman ako, at ginulo ang buhok ni Anne

"Kahit kailan talaga, napaka-takaw mo!" sabi ko kay Anne, tinanggal naman nya yung kamay ko sa buhok nya "Shut up, Terbi" napakunot naman ako ng noo... "Bat naman Terbi na tawag mo sakin ngayon?" tanong ko kay Anne, nagsmirk naman sya.

"Awkward pag sinabi ko, gusto mo ba talagang malaman?" sabi naman ni Anne... parang narealize ko naman ang gusto nyang ipahiwatig kaya napalunok ako. "Wag na. Bully ka!" sabi ko kay Anne, tumawa lang naman sya at hinila si Vice sa bench "Maligo kana, baho mo. Hintayin ka namin dito!" sigaw ni Anne. Natawa naman ako at dumiretso na sa shower room.

Mabilis lang akong nagshower at bumalik ako sa kung saan nakaupo sila Vice. "Ano, tara uwi na tayo?" tanong ko kay Vice. Tumayo naman sya, ganun din si Anne. "Sige tara na" sabi ni Vice, tumingin naman ako kay Anne, "Ano Anne? Sabay ka?" tanong ko. Umiling naman sya, "Hindi. Gutom pa ko eh, di pa ko uuwi. Sige una na kayo, bye." sabi ni Anne.

Naglalakad na kami ni Vice sa parking lot, ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Bill !" napalingon naman ako, at nakita ko si Mike sa tapat ng kotse nya. Naglakad sya palapit sa amin. "Hello, sino ka?" tanong ni Mike kay Vice, natawa naman ako sa tanong ni Mike. "HAHAHAHAHAHA parang gagu ka" sabi ko. "Ah, ako si Vice." sagot ni Vice kay Mike.

Napakunot naman ang noo, hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang naging ganun ang expression ko. "Uy! Ikaw pala kapatid ni bro? Matangkad ka rin ah! Pero mas matangkad parin kami. Marunong ka magbasketball?" tanong ni Mike, ako naman ay naghihintay lang din ng sagot ni Vice. Umiling sya, "Hindi eh." sagot nya.

Bumagsak naman ang balikat ni Mike sa narinig. "Ay ganun? Turuan kita, gusto mo?" tanong ni Mike na talaga namang nagpainit sa tenga ko. "Hoy Michael umuwi kana, at pagod narin kame. Dun kana sa kotse mo!" sabi ko at hinila si Vice papunta sa kotse ko.

Binuksan ko ang pinto ng shotgun seat, at pinapasok si Vice. At dumiretso na ko sa driver's seat. Pagka-upo ko ay agad kong pinaandar ang kotse ko.

"Ang bilis mo magpatakbo..." narinig kong sabi ni Vice.. "Ah, sorry gusto ko na kasing maka-uwi" sabi ko naman.. Nakita kong napa-tango nalang sya.

"Kamusta first day mo?" tanong ko kay Vice, "Okay lang. Masaya kasi kasama ko si Anne. Hehe" sabi nya."Buti nga si Anne ang naging kaibigan mo eh" sabi ko. "...mabait sya, sobra." dagdag ko pa.

"Matagal na ba kayong magkaibigan?" tanong ni Vice sa akin. Napatingin namab ako sa kanya. Kasalukuyang nakatigil ang sasakyan ko, dahil sa stoplight. "Nino?" tanong ko. "Ni Anne.." sagot nya. Tumango naman ako, "Oo. Matagal na." tumango ulit sya..

"Eh kayo ng girlfriend mo? Matagal na kayo?" tanong ulit ni Vice. Napabuntong hininga naman ako sa tanong nya, "3 months.." sagot ko. "Oh.. matagal tagal narin pala." sagot nya..

"Eh ikaw Vice? M-may girlfriend ka ba?" tanong ko sa kanya. Napatawa naman sya ng kaunti. Hindi ko naman sya matingnan kasi nagddrive na ulit ako. "Bakit ka natatawa jan?" tanong ko nalang.

"Haha. Wala akong girlfriend." sagot nya, automatic naman akong napangiti sa sagot nyang yun.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Agad na dumiretso sa kwarto si Vice, at ako naman sa kusina. Para uminom ng tubig.

Kung normal na araw lang to, malamang bored na bored na ako. Pero ano nga bang espesyal sa araw na ito at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko?

---
- mallowseobie

My Step Brother | virenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon