Chapter 1

9.7K 210 1
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino

Parang guni guni lang ni Elly ang mga narinig nito mula kay Lovely. Ang akala niya ay isa lang biro ang lahat ngunit seryoso ang baklang kaibigan sa mga sinabi nito kay Elly kaya naman biglang nagulo ang tahimik nitong isipan.

"Anak, bakit parang ang lalim ng iniisi mo ah! Kanina pa kita napapansin mula ng dumating ka galing sa trabaho" ani aling Openg ang inay ni Elly.

"Wa-wala po ito inay, napagod lang po ako" buntong hiningang sagot ni Elly habang ito ay nakasandal sa kawayang sofa na kupasin na nag kulay dahil sa katagalan.

"Eh anak dapat kaunting pahinga naman ang kailangan mo hindi iyong puro trabaho nalang ang  inaatupag mo!" mula sa kung saan ay wika ni Mang Quintin.

"Itay okay lang po ako, siguro ay napagod lang ako sa sunod sunod na overtime ko. Pero hindi parin po ako titigil hangga't hindi ako nakakaipon ng pang enrol ko sa darating na pasukan dahil isang taon nalang at matatapos narin sana ako kung hindi ako nasangkot sa gulo na hindi naman ako ang gumawa" malungkot na wika ni Elly nang maalala nito ang nangyari sa kanya sa dating restaurant na pinapasukan..

FLASHEDBACK....

Akala noon ni Eleazar o Elly ay tuloy tuloy na siyang makakatapos ng kanyang pag aaral dahil sa part time job niya. Malaki kasi ang tip ng mga suki niyang kostumer lalo na sa mga bakla na nagkakagusto sa kanya ngunit para kay Elly ay trabaho lang ang kanyang ginagawa kaya't pinapakitaan niya ng maganda ang mga iyon.

Ang hindi alam ni Elly ay may lihim palang inggit ang mga kasamahan niya sa trabaho dahil sa pagiging malapit din niya sa kanilang boss dahil sa masipag at alerto siya sa kanyang mga gawain. Hanggang sa isang gabing naka duty siya ay inutusan siya ng pinaka head waiter na i set ang VIP room para sa kanilang special guest.

Dahil sa wala naman siyang idea sa mga magaganap ng gabing iyon ay naging sunud sunuran lang si Elly dahil ang rason niya ay tawag ito ng kanyang tungkulin kaya walang pag aalinlangan niyang ginawa ang kanyang trabaho.

Matapos niyang i set ang table sa VIP room ay lumabas na siya at tinungo ang kinaroroonan ng head waiter nila......"Excuse me sir, okay na po ang lahat" masayang turan ni Elly.

"Sigurado kana ba sa mga orders na inilagay mo roon baka mapalpak ah, nakakhiya sa ating kostumer dahil special ang mga guests natin na uukupa roon" anang head waiter kay Elly.

"I'm very sure po!" siguristang tugon ni Elly dahil talagang sinigurado niya ang mga nilagay na orders at mga lahat ng dapat na i set.

"Okay kung ganoon! Go back to your work now dahil maraming kustomer ang naghahanap sa iyo!" nagmamadaling utos ng head waiter kay Elly kaya naman agad na tumalilis ang binata at sa pagtalikod ni Elly ay siya namang pagngisi ng head waiter saka nito kinindatan ang isang waiter na nasa malapit lang sa kinaroroonan nila ni Elly habang sila ay nag uusap.

Dahil sa dami ng mga tao ay nawili sa pag se serve si Elly. Hindi niya namalayan na halos isang oras na pala ang nakalipas. Pagkalapag niya ng orders ng isa sa mga kustomer ay nagmamadali siyang nilapitan ng head waiter na parang galit na galit kaya naman biglang nag alala si Elly.

"Sir bakit, may problema po ba?" kinakabahang tanong ni Elly na noon ay patungo sila sa may opisina ng kanilang big boss.

"Napakalaking problema ang ginawa mo Elly!"... galit na singhal ng head Waiter na noon ay nakapasok na sila sa opisina hg kanilang big boss.

"Ba-bakit po?" kabadong tanong muli ni Elly dahil hindi niya alam ang kanyang nagawang kamalian.

"Alam mo ba Elly na kaya ikaw ang inatasan kong mag set sa VIP room dahil alam kong pulido lahat ng trabaho mo. But, how come na sa ganitong sitwasyon ka pumalpak! At higit sa lahat ay sa ating special guests pa!" nanggagalaiti sa galit na turan ng head waiter.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon