Finale

11.6K 375 39
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
.....FINALE....RATED SPG...

Maagap na napigilan ni Elly si Elizabeth ng papasok na sana ito sa kanyang kwarto. Iyak ng iyak ang bata na hindi nito maiharap sa mga magulang niya ang luhaang mukha nito. Niyakap ng mahigpit ni Elly ang kanilang anak at panay ang halik niya dito, na nakamata lang si Czarinna na hindi makapaniwala sa naging reaksiyon ng kanilang anak.

Maya maya ay ipinasok ni Elly sa sarili nitong kwarto at nakasunod naman si Czarinna. Pinaupo ng binata ang anak at naupo ito sa tabi at maging si Czarinna kaya napagitnaan nila si baby Elizabeth.

"Anak, don't be like that huh? Alam mo bang mahal na mahal ka namin ng mommy mo! I love you so much anak, and I love your mommy too. Pareho ko kayong mahal but in the different ways. Pareho kayong importante sa buhay ko at ayaw kong mawala kayong muli sa akin kaya I asked your mommy to marry me and because she loves me too kaya kami magpapakasal." ani Elly sa bata na pinahid nito ang mga luha sa pisngi ni Elizabeth........."Bakit anak, You don't want us to be happy? Ayaw mo bang maging isang pamilya tayo at magkasama sa i isang bahay like the other happy family?" mahinahong tanong ni Elly.

"I want it!" napatingala sa ama na sagot ni baby Elizabeth.

"Then, bakit ka umiiyak anak?"  malambing na tanong naman ni Czarinna saka niyakap niya ang anak.

"Because...because!" hindi nito masabi sabi at napatingin lang sa suot na singsing ni Czarinna at nakita iyon ni Elly kaya napailing ito na nakangiti.

"Anak, ang suot na singsing ng mommy mo ay hindi pa dapat na maging iyo dahil you're so young. You can have that too when you reach your legal age. But now, don't make it a big deal dahil hindi pa pwede para sa iyo iyan. Don't be jealous of what all you have seen to mommy. For your age right now, the most important is our guidance and love that we've been shows as a parent. Wag kang magpabulag anak sa mga materyal na bagay na nakikita mo kahit sa kanino pa man dahil hindi maganda iyon. Mas mahalaga parin ang pagmamahal namin sa iyo kesa sa mga bagay bagay na nakikita mo, because all those things can be steal or may disappear but our love for you will not be take of someone else, i love you my princess and i love you my queen" madamdaming pahayag ni Elly saka nito hinagkan ang kanyang mag ina at tumayo ito at humarap sa dalawa at pinag isang niyakap niya ang mga ito.

"I love you too, daddy!.." nakangiting sagot ni baby Elizabeth ng maliwanagan ang isipin nito......."I love you so much, my king!" nakangiting sagot naman ni Czarinna at nagkatinginan sila ni Elly saka hinagkan nila ang magkabilang pisngi ng kanilang anak at niyakap na mahigpit.

Nakangiti ng ubod ng tamis si Elly habang yakap yakap ang kanyang mag ina. Hindi siya makapaniwala na makakamit na niya ang kanyang pinakaaasam na pangarap, ang makapiling na niya sa i isang bubong ang kanyang mag ina na kaytagal niyang hinintay.

Bigla siyang napapikit sabay tulo ng kanyang mga luha......."Thanks po Lord, dahil sa lagi niyong paggabay sa akin at pagbibigay ng lakas ng loob para hindi sumuko noon ay heto ako ngayon, ilang sandali nalang ay magiging isang pamilya na kami. Maraming maraming salamat po Panginoon ko dahil napakabuti Mo" piping dasal ni Elly at bigla nalang siyang napadilat ng maramdaman nito ang munting kamay ng kanyang anak na pumapahid sa kanyang luha.

"Why are you crying, daddy?" inosenteng tanong ng anak kay Elly.

"Because, I'm  so happy anak! Hindi ko masasabi kong gaano ako kasaya ngayong nasa piling ko na kayo ng mommy mo. Kayo ang buhay ko, ang tanging inspirasyon ko at nagbibigay ng kulay ng aking buhay." sagot ni Elly at nakangiting tumingin kay Czarinna na noon ay napaluha din at pinahid ni Elly ang luha nito.

"I'm so blessed too, Elly dahil ikaw ang ibinigay ni Lord upang muling ibangon ang buhay kong nalugmok sa kalungkutan. Hindi ko man masabi kong gaano kita kamahal kaya hayaan mong ipadama ko nalang kung ano ang lugar mo sa puso ko" madamdaming wika ni Czarinna saka inihilig nito ang ulo sa balikat ni Elly.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon