Chapter 12- The Handsome Prince

202 7 0
                                    

Natapos na ang buhay ko biglang summer student. Malapit nang magpasukan uli.

I have 3 consecutive dates, this is my chance. This is their chance.

And today, I’m going to be with my handsome prince.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Aiden pagkakitang-pagkakita namin

“Kahit saan.” Cool niyang sagot.

“Ha?” diba dapat pinaghahandaan niya mga lakad namin. Ano ba namang klaseng lalake to. Haha. Ang demanding ko naman.

“Basta, marami tayong pupuntahan. Wag ka nang magtanong.” Sabi nya. Aba, nagiging masungit na ata siya sa akin.

“Ano? Adik lang Aiden? San nga?”

“Pagsinabi ko na sa iyo, di na surprise.”

“So, may surprise ka pala.”

“Wala.”

Nagpunta kami sa Mall. Pustahan tayo, magsisine kami oh.

“Anong gusto mong panoorin?” tanong niya habang tinitingnan yung list ng mga pwedeng panoorin. See? Tama ako diba? Ang galing kong manghula. Hahahaha.

“Ahm. Kahit ano. Ok lang” sagot ko. Kasi naman, gusto ko yung Four sisters and a wedding, kaso di pa naman showing.

“Man of Steel na lang?” ngumiti ako ng malapad! Ang gwapo ng bida doon diba?

“Sige! Sige!” sabi ko sabay hinihila ko na siya papasok sa loob ng sinehan.

“Teka lang! bibili pa ako ng ticket.”

Napakaraming tao! Syempre, ayon nga sa balita—blockbuster ang peg ni Superman! Karamihan ng nanonood eh magbabarkada. May mga magkakawork din tsaka mga pamilya-pamilya.

“Kumportable ka?” tanong niya sa akin sabay smile.

Eh, maging concern ka lang sa akin o kaya naman ngitian mo ako, sobrang kumportable na kumportable na ako^_^

“Oo naman.” Sagot ko at sinuklian ko yung ngiti nya.

Narinig ko siyang tumawa.

“Oh? Bakit ka naman natawa?” tanong ko. Bakit naman kaya siya tumawa? May nakakatawa ba akong nagawa?

“Wala.” Sagot nya

“Anong wala?” tiningnan ko siya ng maigi. Abnormal talaga ‘to!

“Weird lang, kasi nung nginitian mo ako, parang kinilig ako.” Tapos tumawa na naman siya.

Natawa rin ako. Kinikilig daw siya? Haha. Kinikilig din pala ang mga lalake? Well. Oo naman, tao rin sila. Siguro sa ibang way lang nila nilalabas, di nga pala expressive yung mga lalake.

Si Aiden naman, natatawa kapag kinikilig. Ang cute naman. Ako kapag kinikilig kasi, titili talaga ako o di naman kaya eh, nanunulak ako at nananambunot ng katabi.

Pano kaya kiligin sila Jericho at Travis?

“anong iniisip mo?” tanong niya sa akin. Hindi pa rin nagsisimula yung palabas, puro commercial pa lang.

“Ha?”

“Sabi ko, anong iniisip mo?”

“Ah, wala naman.”

Maya-maya, nagsimula na rin yung palabas. Actually, ayoko ng mga action movies. Pero kung pogi yung bida. Go na! o kaya naman si daddy at kuya ko yung kasama kong manood.

I’m not paying attention to the movie. I’m paying so much of my attention to Aiden. Nakakatuwa siyang panoorin habang nanonood.

yung expression nya kapag nakikipaglaban si Clark/Superman.

T♥rn Betwe♥n Three L♥versTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon