Ang aga ko nagising, kahit gabing-gabi na ako nakatulog dahil gulong-gulo yung utak ko sa ginawa ni Jericho kagabi. Super excited at kinakabahan ako sa mangyayari mamaya.
Umalis kami nila Andrea, Gail at Anastacia para bumili ng mga damit. Nagpa-spa na rin kami , relax-relax at nagpa-make-over pa.
Nagpagupit ako ng buhok, nagpa-iksi at nagpakulay. Basta, total change.
Pag-uwi naman namin, wala naman kaming magawa. Mahaba yung pa yung oras. Nakakainip tuloy.
5:30 pm
“Lana? Di ka man lang nagpahinga.”- Gail
“Pahinga? Eh di naman tayo nagpagod ha.” Sabi ko
“Pang-ilang movie mo na yan?” tanong ni Anastacia
“Ewan.” Sagot ko. Pang-ilan na nga ba tong pinapanood ko? Basta nonood lang ako ng nood.
“The Mistress, Secret Affair, No Other Woman.” Sabi ni Gail habang tinitingnan yung tapes.
“KAbit-kabitan ang peg ha.” Anastacia
“Lana? Ano ba yan? Kumukuha ka ba ng mga tip kung paano magkabit?”-Andrea
“Gagawin mo sa kanila yun?” Gail
“DUH? OA ha!” sabi ko, napatayo naman ako dahil ang bigat ng accusation nila sa akin.
“Eh ano to?” hawak ni Gail yung 3 movie tapes.
“Wala, nanonood lang. for entertainment purpose. And FYI, yang mga pinapanood ko, sa inyo to diba? Itong No Other Woman kay Andrea, tong The Mistress sayo Anastacia, tong Secret Affair, Gail!! Kaya wag nga kayong mambintang.” Sabi ko.
“oo nga pala, bakit mo ba ito ginagalaw? Di ka nagpaalam ha.”- Anastacia
AIDEN’s POV
“An gaga mo nagising ha.” Bati ni kuya Aaron
“Good morning!” bati ko.
Ala-sais pa lang ng umaga gising na ako. Di naman halatang excited ako. Sobrang saya ko lang talaga, bibigyan ako ni Lana ng chance na manligaw sa kanya, meaning, malapit ko na siyang maging girlfriend.
Ganoon naman mga babae di ba.?
Syempre, gusto nilang magpaligaw muna para di lalabas na easy to get sila. Ganoon din siguro si Lana. Tsaka sa pagkaka-alam ko, wala naman akong karibal sa kanya. Wala naman siyang naku-kwento.
Magiging girlfriend ko din si Lana. Yes! Malapit na!
“Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?” pang-aasar ni kuya
“Wala” sagot ko.
“Sus, ngayon ko lang nakita yung ngiti na ganyan.”
“Ano?”
“Haha. Kasi naman, kilala ko bawat ngiti mo. May ngiting pa-cute, ngiting plastic, may ngiting nerbyos, ngiting pilyo na may masamang balak. Basta, dali mong basahin ‘tol eh.”
“Eh, ano naman tong ngiti na to?”
“Ewan ko sa iyo. Bago yan eh.”
“It’s exclusively for Lana.”
“Oooh, I see. Kayo na?”
“Not yet.”
“Not yet?”
“Nagpapaligaw na eh.”
“Ah. Malapit na yan.”
Kita mo? Ganoon din tingin ni kuya sa mga babae na magpapaligaw.