Gail’s 18th birthday tonight. Classmates namin nung elementary, highschool, classmates niya ngayon, family friends and family niya ay nandun.
Everything is perfect, ginastusan. Royalty ang tema ng debut niya. As in formal na formal ang dating. Para kang nasa isang kingdom at kaarawan ng isang prinsesa. Well, prinsesa naman talaga ang trato kay Gail ng kanyang pamilya. Isa siyang prinsesang masama ang ugali.
Masama talaga? Haha, masungit lang naman si Gail pero mabait pa rin siya. Just don’t mess up with her, coz if you do, di ko na lang alam sayo.
As usual, invited ang tatlo. At may isang gabi na naman akong mababaliw dahil sa pressure. Yes, nape-pressure ako kapag kasama ko silang tatlo. Sino ba dapat kong kausapin? Sino ba dapat kong samahan?
“Happy birthday Gail” bati ni Summer kay Gail. Tapos nagyakap sila.
“Salamat sa pagdating.”
Inabot ni Summer ang regalo niya, mayaman din itong si Summer eh, dalawa yung regalo kay Gail,yung isa niyang regalo, iaabot niya mamaya sa 18 treasures. Kainis ha, nung ako yung nag-birthday nilibre lang ako ng fishball at kwek-kwek. True friend!
Inabot din ni Aiden yung regalo niya kay Gail at nag-hug sila.
Buti pa sila nag-hug na, wala akong maalala na nag-hug kami ni Aiden.
“Huy! Bakit mag-isa ka lang diyan?” parang tanga talaga tong si Travis, tinakpan niya ang mata ko, tapos nagsalita.
“Travis.” Inalis ko yung kamay niya sa mukha ko.
“Hi!” bati niya. Inabutan niya ako ng isang glass of wine.
Aba, pinapayagan niya na pala akong uminom. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Yes, okay lang. may okasyon naman. Tsaka konti lang.” ginaya pa niya yung gesture ng nasa commercial ng Mcdo yung “Konti lang” hahaha.
Kinuha ko naman yung baso.
“Sayaw tayo mamaya ha.” Paalala niya
“Sige po.”
Nagvibrate yung phone ko.
Nasan ka? Nandito ako sa garden. Text message from Jericho.
“Travis, may pupuntahan lang ako saglit ha.”
“Sure.”
Iniwan ko si Travis na umiinom.
Pinuntahan ko naman si Jericho sa may garden. Wala namang tao doon.
“Nasan ka disaster?” bulong ko.
Nagring ang phone ko.
“Nasan ka hoy?”
Wala na ako sa garden, nandito ako sa may bandang kainan. Nagutom kasi ako eh.
“Baliw ka talaga. Napapagod ako maglakad ha.”
Ang sungit naman.
“Hintayin mo ‘ko diyan. Pag umalis ka, di na ako magpapakita sa iyo.”
Huwag kang mag-alala di ako mawawala.
Ewan ko sayo.
Kinilig naman ako.
“Sino hinahanap mo?”
Pagtalikod ko, si Aiden pala ‘yon.
Di ako makasagot, sasabihin ko bang si Jericho. Syempre hindi noh!
“Hi!” bati ko sa kanya. Iki-kiss ko ba siya sa cheeks o yayakapin lang? okay na ba yung bati ko na ‘yun?
“I miss you.”