**AIDEN’s POV**
May iba kay Lana, nung nakita ko siya parang biglang gumaan na lang pakiramdam ko. Bumabalik sa isip ko ang mga masasayang araw ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Lalo nang maalala ko yung mga kwento ni Summer sa akin tungkol sa kanya.
“Grabe ha! Napalabas na kami sa room nun, pero cool pa rin siya, walang takot. Kaya pati ako lumakas na loob.”
“Talaga?” tanong ko. Noong una, hindi talaga ako interesado sa kanya.
“Alam mo ba, may may something doon sa babaeng yun eh. Parang nagdadala siya ng good vibes sa mga taong nasa paligid niya. Ang sarap pa niyang kasama.”
“nagdadala ng good vibes?” tanong ko, may ganun bang tao?
“Oo! Basta. Can’t explain. Siguro dahil masayahin siyang tao. Basta! Try it for yourself, tingnan natin.”
Medyo na curious ako doon. Mai-try nga.
I put Lana’s picture in my wallet. Parang ginagawa ko na siyang Lucky charm.
Aminado rin akong simula nang makuha ko yung picture na yun at ganahan mag-aral, sinu-swerte na nga ako.
Halos two weeks na kaming close ni Lana.
Kaya halos two weeks na rin akong swerte. Sa school, sa 2 contests na sinalihan ko sa campus.
Ngayon naman, lalaban ako ng contest sa poster-making. Sure win to!
Kinuha ko yung cellphone ko.
Hey, wala kang pasok diba? Tara! Labas tayo.
Send to: Lana.
Nandito ako sa isang mall sa Pasay, hinihintay ko si Lana.
Dumating talaga ako 10 minutes before ng time. Sabi kasi ni Summer maagang dumadating si Lana sa mga ganitong lakad. Ayoko naman siyang paghintayin.
Honestly speaking, I do not have any feelings for her.
I’m just doing this because of Summer, and second, nagdadala talaga siya ng swerte sa akin. Pakakawalan ko pa ba siya? As long as I have her, I’ll be the most fortunate person in the world!
Hindi ko alam bakit nagdadala siya ng swerte sa akin, pero thank you na lang din.
After a minute, dumating din siya.
“O! ang aga mo ha!” bungad niya.
“Ah, wala na kasi akong ginagawa, kaya maaga na akong umalis.”
“So, ano bang gagawin natin? Bakit mo ako niyaya dito? Diba may contest ka bukas, dapat----“ pinutol ko siya sa pagsasalita.
“Poster-making naman yun. Ok lang yun!” sabi ko.
Halatang di siya sanay sa mga lakad na ganito o mas kilala sa tawag na date. Oo nga pala NBSB to.
“Ano ngang gagawin natin dito?” tanong nya ulit
“wala lang, gusto ko lang maggala. Eh ikaw pumasok sa isip ko isama. Saan mo gusto kumain?”
“Kahit saan, ikaw naman ang manlilibre diba?”
Oo nga naman. Ako ang manlilibre, kaya ako nang bahala.
Kumain kami, halatang naiilang pa siya.
Sobra kasing tikom ng bibig niya habang kumakain. O baka naman ganoon lang talaga siya kumain? Kapag naman nagtatagpo yung mga tingin namin, napapangiti naman siya, ewan ko lang kung pilit lang yun o hindi.
Pagkatapos naming kumain, niyaya ko naman siyang mag karaoke. Sabi kasi ni Summer mahilig siyang kumanta.
“pili ka na ng kanta mo!” sabay abot ko ng mic. Ako naman umupo lang, panonoorin ko lang nama siya eh.