Chapter 26- JERICHO's POV

74 5 0
                                    

JERICHO’s POV

Nakatayo siya sa harapan ko..

May halong gulat, pag-aalala.. inis, at konsensya yung ekspresyon ng mukha at tono ng boses niya.

Nandito ba siya dahil naaawa siya sa akin? Nandito ba siya dahil pakiramdam niya na siya yung may kasalanan ng nangyayari sa akin? O nandito siya dahil ako na yung pinili niya?

“Jericho, ano?? Abo ba ‘tong nangyayari sa’yo?” naiiyak niyang tanong.

Halatang pinipigilan niya yung pag-iyak, pero natalo siya ng emosyon niya at tuluyan siya ng napaiyak at napahagulgol pa. umupo siya at umiyak ng umiyak na parang bata.

Nasa loob kami ng library, kaya maraming nakakita sa amin. Nakatingin din lahat ng tao sa amin sa loob. Kaya naman tumayo ako at hinawakan siya at hinila palabas.

Sumakay kami sa motor ko at nilisan ang eskwelahan.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Ewan ko, kahit saan.” Tanong ko.

Di ko talaga alam kung saan kami pupunta, pero napadpad kami sa tapat ng bahay namin.

Hindi ko mapaliwanag yung mukha niya, gulat siya na naguguluhan na basta, ewan, di ko na nga lang papaliwanag sa inyo kung anong expression niya.

Siguro nagtataka siya kung bakit kami nandito, ako rin naman nagtataka bakit dito kami napadpad.

Bumaba siya ng motor, ako naman nandito pa rin at naka-upo.

“Bakit mo ‘ko dinala dito?” tanong niya

“Umiiyak ka kasi, eh ang daming tao sa library.. baka isipin nila inaano kita.”

“Dapat hinatid mo ako sa bahay namin.”

Di na ako nakasagot. Oo nga naman, dapat doon ko nga siya hinatid.

“I’m sorry.” Sabi niya.

Sorry. Salitang ayokong marinig at ayokong asahan na sasabihin niya sa akin.

“Sorry, Jericho.. sorry.” Umiiyak na naman siya.

“Wag mo naman ‘tong gawin sa sarili mo. Ako man o hindi yung dahilan ng mga galos at sugat diyan sa mukha at katawan mo, you don’t deserve this. Please Jericho.”

“Lana, di mo kasalanan.”

Napatingin siya sa akin.

“I’m sorry kung pinag-aalala kita.” Dagdag ko.

“Jericho, di ko maiiwasang mag-alala dahil kaibigan mo ‘ko.”

Sheet!! Kaibigan? Para naman akong binaon 6 feet underground dahil sa salitang ‘yan.

“Nung gabing ‘yun, hinalikan mo ‘ko dahil magpapaalam ka sa akin nun diba?” tanong ko

Sa totoo lang, ayokong malaman yung sagot, pero kailangan ko ng confirmation. Para mapadali ko lahat.

Di siya sumagot sa pamamagitan ng salita. Tumango lang siya.

That explains all. Nabalot ako ng dilim.

“Pero—“

Napatingin ako sa kanya.. may gusto siyang sabihin. Hinihintay ko siyang magsalita.

“Mali yung desisyon ko nung gabing ‘yun.” Dagdag niya.

Parang may liwanag ulit akong natanawa. Lumakas yung kabog ng dibdib ko. Parang gusting gumuhit ng mga labi ko para ngumiti. Lana? Anong ibig mong sabihin?

“May isa nang bagay na malinaw sa akin, pero di pa ri nun nasasagot yung tanong ko. Sorry Jericho.” Sabi niya.

Ano daw? May isa nang bagay na malinaw? Ano yun? Ako ba ‘yun? O si Aiden, o kaya naman si Travis? Di ko maintindihan. Pero alam kong tungkol sa aming tatlo yun.

Natahimik na naman kami saglit.

“Jericho, pero di mo pa rin sinasagot yung tanong ko. Bakit—anong nangyayari sa’yo? Bakit ba may mga galos ka tsaka sugat?” tanong niya.

“Wala.. aksidente sa motor.. tapos napag-tripan ng mga tambay sa kanto—“

“Jericho!”

“Oo nga.”

 Feeling niya siguro nagsisinungaling ako.

“Sorry talaga. Napa-away ako sa school, nagmomotor ako ng lasing.”

“Sorry.”

Lumapit siya sa akin. Hinawakan nya yung braso ko, tapos yung mukha ko. Para akong nagyelo nung ginawa niya yun, di ako makagalaw.

“Wag mo nang pabayaan yung sarili mo.” Sabi niya

Feeling ko nasa ilalim ako ng sumpa o gayuma niya, kapag narinig ko yung boses niya pakiramdam ko dapat kong sundin lahat ng iuutos niya—ganun ko talaga siya kamahal. Kahit nasaktan niya ako, di ko magawang magalit.

Di ko napigilan yung sarili ko, kaya niyakap ko siya. I miss her.. sobra.

“Jericho.”

“Bakit?”

Magkayakap pa rin kami.

“Magsimula ulit tayo.”

Lalong lumaki yung liwanag na nakikita ko.. napangiti na talaga ako ng sobra.. gusto ko ulit marinig.

“Ano? Paki-ulit please.” Sabi ko

“Sabi ko. Magsimula ulit tayo.”

“Sige ba!”

“Buti naman!”

Kumalas siya sa pagkakayakap at inabot yung kamay niya.

“Friends?”

Nakangiti niyang alok.

“Lana.”

“Oo. At kung magsisimula ulit tayong magkaibigan, tapusin natin ‘to ng pagiging magkaibigan.”

T♥rn Betwe♥n Three L♥versTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon