Chapter 20 - Blame it on the alcohol

103 4 0
                                    

Isang oras na…

Wala pa ring dumadating sa kanila. Aba, di ba talaga nila ako hinahanap? Wala naman ako sa tagong lugar.

O baka naman, enjoy na enjoy talaga sila. Lagot ka sa akin Andrea, Cathy tsaka Gail.. oo si Gail, kasi kung di niya inimbita yung mga flirt niyang classmates, walang kalandian si Travis.

“Oy, bungal. Ang dami mo nang nainom diyan ha.” – Chuck

“Wag nyo nga akong pansinin dito, nananahimik ako.”

“Nasan na ba boyfriend mo?” – Puma

“Boyfriend ka diyan?”

“Tsk, mga tol, parehas kaming broken nyang si bungal---“

“Stop calling me bungal okay?!!!”

“O sige, parehas kaming broken ngayon ni Lana, nakita ko kasi si Travis kanina, may mga kausap na babae.” Kwento ni Vans

“SHUT UP!!!!” di ko pa boyfriend si Travis. “Pa” talaga Lana?

“Bitter.” Sabi nung tatlo.

Nako!!! Naiinis na nga ako sa nangyayari sa akin ngayong gabi, dumadagdag pa ‘tong mga mokong na ‘to.

Bakit ba kasi walang dumadating na isa sa kanila?

Naku, kapag wala talagang dumating, di na ako magpapakita sa kanilang tatlo. Pupunta na akong Australia.

“Tagay.” – alok ni Chuck

Kinuha ko naman yung isang bote ng vodka. Halo-halo na yung laman ng tiyan ko. In fairness sa akin ha.. mataas pala tolerance ko sa heavy drinks. Masaya ‘to.

Dumaan pa ang mga oras. Nadadaanan lang ako nila Anastacia at iba ko pang kakilala pero hindi naman nila ako masyadong kina-kausap. Busy din sila masyado. Napakarami kasing bisita. Kahit maghahating gabi na puno pa rin ng tao ang bahay namin.

Yung tatlo lang na bully na ‘to ang karamay ko.

“Ligawan na lang kaya kita Lana.” – Vans

“’Lul! Na-busted ka lang ni Cathy sa akin ka na pupunta, ano ako panakip-butas?”

“Eh ako na lang, manliligaw sa’yo.” – Puma

“Isa ka pang gago. Ligawan mo lola mo.”

“Ouch ha, lakas mang-trashtalk. Dota na lang tayo.” Yaya ni Puma

“Di ako marunong nun. Tara inom pa tayo.” Yaya ko.

“Pustahan na lang tayo.” – Chuck

“Ano? Game!” excited kong sabi

“Wala pa nga, game na? kung sino huling matumba sa amin, magiging boyfriend mo.” – Chuck

Mga sira-ulo talaga ‘tong mga ‘to. Pati ako dinamay pa.

“Tigilan nyo nga ako.” Sabi ko.

“Sige na.”

mmm….. papatulan ko ba ‘tong mga ‘to? Nandidiri ako sa pustahan nila. Ayoko kaya sa kanila, kahit pa mayayaman sila at gwapo, mga bully naman.

Asan na ba si Summer? Sabi nya hahanapin niya si Aiden? Hanggang ngayon wala pa.

“Alam, nyo ha. Chuck, Vans at Puma…” isa-isa ko silang tinuro habang tumatayo ako. “Hindi ako interesado sa inyo. Kaya tigilan nyo na ako. Aalis na ako.”

“Teka lang naman.. Lana.”

Hinahawakan ako ng tatlo, patumba-tumba kasi ako.

“Wag nyo akong hawakan. Kaya ko.” Saway ko sa kanila

T♥rn Betwe♥n Three L♥versTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon