SHOCKSSSSS!!!! Bumalik na yung kaba ko!! What to do? What to do??
Paano kapag natanong sila? Anong sasabihin ko?
“Good evening Lana.”binuksan ko na pala yung pinto.
Binate ako ng isang pamilyar na pamilyar na boses. Sabay niyakap ako. Nalaman ko na loang na si Aiden pala yun nang nakita ko yung kotse niya sa harapan.
Kumalas siya sa pagkakayakap, bumalik sa kotse at kinuha yung regalo niyang bulaklak.
“Para sa’yo.”
“Thanks.”
Nakatayo lang kami doon, yung parang ayaw ko pa siyang papasukin sa loob. Nandoon kasi si Travis, eh… badtrip nga si Travis kay Aiden. Paano na lang kung--
“Can I come in?” tanong ni Aiden. Nakakahiya naman ako, di ako hospitable na tao pag ganito yung sitwasyon.
“Ha? O..Of course.”
Pumasok na kami.
“sino yun Lana?” sigaw ni Travis mula sa kusina.
“May iba ka pang bisita?” tanong naman ni Aiden.
Sinagot ko lang siya ng ngiti. Yung ngiting may nerbyos.
Tapos lumabas na si Travis mula sa kusina, may dala-dalang mansanas. Napahinto si Travis nang makita na si Aiden yung kasama ko.
“Lana sino siya?” tanong ni Aiden.
“A..Aiden he’s Travis.. Travis si Aiden.. siya kung—you know.” Sabi ko habang dinidilatan si Travis.
Nagkamayan sila sa isa’t isa. Pero nandun yung awkwardness. Alam mo na, kaya badtrip si Travis kay Aiden ay dahil sa mga kwento ko sa kanya na gusting-gusto ko si Aiden tapos kilig na kilig pa ako kapag nagku-kwento.
Naka-upo kami, napapagitnaan pa nila ako. Walang nagsasalita. Pareho silang nakatutuok sa T.V.
“Ah…” nagta-tery ako na magsalita para naman may conversation na maganap. Kaso di ko talaga magawa eh. Naiilang ako. Maling ideya ba’tong ginagawa ko?
Parehas ko silang tinitiningnan, wala lang silang ginagawa. AWKWARD talaga! Napatingin ako sa lamesita sa harapan ko, magkatabi pa yung bulaklak na dala nila.
Wala pa ring nagsasalita, sige! Kung iyan ang trip ninyo, sige, manood tayong lahat ng T.V.
Moron 5 pala ‘tong pinapanood nila eh. Maganda ‘to. Nakakatawa pa.
Kaso, kahit nasa part na nakakatawa na, di pa rin sila tumatawa! Ano ba ‘to? Di naman sila nanonood eh? Seryoso lang silang nakatingin sa T.V.
Ah! Alam ko na! di naman talaga sila nanonood, siguro nagpapakiramdaman lang sila. Aish!! Tanga ko talaga.
Napalingon sila sa akin, dahil pinapalo-palo ko na yung ulo ko.
“Anong problema?” tanong ni Travis.
“Masakit ulo mo?” –Aiden.
“No. nagugutom na ako eh, wait lang ha, tatanungin ko lang kung ready na yung pagkain para makakain na tayo.” Pag-a-alibi ko, syempre di pa kaim kakain hanggang wala pa si Jericho noh.
Pagtayo na pagtayo ko. Tumunog yung doorbell. Ah! Patay! Eto na talaga.
Napatingin ako sa kanila Aiden at Travis, nakatingin din sila sa akin, nagtataka. Shocks, yare na talaga. Totoo na ‘to.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan . bumungad sa akin si Jericho. Nakangiti siya.
“Hi! Masyado ba akong maaga? Sorry ha?” sabi niya
“No, actually, you have an impeccable timing!”
“Sorry, wala akong dala. Next time na lang.”
“Okay lang. di naman ako nag-e-expect.”
“Bibili sana ako ng bulaklak kaso---“
“Oo na, wag ka nang magpaliwanag.” Pagputol ko sa sinsabi niya. “Tara, pasok tayo.”
Napatigil sa paglalakad si Jericho nang makita yung dalawa na naka-upo sa sala, nakatingin sa kanya.
“Aiden!” bati ni Jericho.
“Jericho?” sabi ni Aiden na hindi sure kung yung kaklase ba talaga niya yung nakikita niya.
“Ah.. Jericho. Si Aiden at Travis.. Guys, si Jericho.” Pag-i-introduce ko sa kanila.
“Good evening mga pare.” Bati ni Jericho sa dalawa.
“Good evening.” Sabay naman na bati ng dalawa na nagkatinginan pa sa isa’t isa, yung parang nainis sila dahil nagkasabay sila.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Travis habang tinuturo yung dalawa.
“Oo. Magkaklase kami.” Sabi ni Aiden.
“Musta pare?” –Jericho, sabay umupo sa sofa. Ako naman naiwan na nakatayo.
“Ayos lang. magkakilala kayo ni Lana?” tanong ni Aiden
“Oo, classmate kami nung summer.”
Tumingin sina Aiden at Travis sa akin. Alam ko na yung iniisip nila.
Pina-iwas ko sila sa akin nung summer, tapos ngayon, kasama nila yung lalake na nakilala ko nung summer.
Natahimik silang tatlo. Aam na kaya nila kung bakit sila nandito? Hay. Well, para sa akin tong gabi na ‘to para naman malaman ko kung sino ba talaga sa tatlo. Diba? Diba?
----
“Boy friend ka ni Gail?”
“Hindi ah!”
“Ah, ni Anastacia.”
“No.”
“So, si Andrea.”
“Lalong hindi.”
“ni Lana?”
Tumahimik na naman sila.
“Eh, kung oo.”
“Ows?”
“Hindi pwede.”—Aiden.
nakisali na si Aiden sa usapan nina Jericho at Travis.
Nang dumating na si Jericho, medyo nawala na yung awkwardness. Daldal siya ng daldal, tanong ng tanong. Ganyan pala siyang tao. Sa babae lang siya mahiyain.
Una, si Aiden yung tinatanong niya tungkol sa kung anu-ano, kaso yung isa naman di siya sinasagot. Kaya si Travis na lang yung kinaki-usap niya.
Tinatanong niya kung bakit nandito si Travis, sumagot naman si Travis ng “ewan”. Nagtanong tuloy si Jericho kung girlfriend ni Travis yung tatlo kung kaibigan kaya siya nandito. Syempre “hindi” yung sagot ng isa.
Basta, yun yung flow ng usapan nila hanggang sa nasali ako sa usapan at nakisingit na nga si Aiden.
Nasa dining area ako, pero naririnog ko parin yung usapan nila.
“Bakit naman hindi pwedeng maging kami ni Lana?” tanong ni Travis
“Basta, hindi pwede.” Sagot ni Aiden
“Eh sino pala pwede?” tanong naman ni Jericho.
Natahimik na naman sila. Hay nako, wala nang mapupuntahang matino yung usapan nila, baka naman magkagulo pa sila.
Tara na nga’t mayaya silang kumain.