I’m almost done.. Everything’s alright between me and Travis and Jericho- I suppose. Almost done… almost.. si Aiden na lang.
Pero, di ko na siya aabalahin pa. he’s totally fine.. halata naman. And I’m fine with that.
Siguro nga, magiging magkaibigan kami nila Travis at Jericho, pero pagdating kay Aiden—hindi na siguro. At hindi na rin ako umaasa. Suko na ako.
Palapit na nang palapit yung pag-alis ko. I should not stress myself in my remaining days here. I should make happy memories to remember and treasure.
BUT. Imbes na mag-enjoy at gumawa ng mga memorable moments, eh heto ako ngayon at stress na stess sa school projects, assignments, papers, groupings, tapos finals pa.
Patayan na naman to >.<
“Lana, eto gagawin mo, i-edit mo yan. Look for grammatical errors, wrong spellings, typo errors.. anything weird.. bahala ka, make it presentable.”
Inabot sa’kin ni Sunny yung makapal na makapal na papel. Thesis-thesis-an namin. Putsa.
“Lahat ‘to?” tanong ko.
Tumango lang siya, busy pa siya sa kaka-encode.
“As in dapat ko ‘tong basahin?” tanong ko uli.
“YUP.” Sabi niya habang nakatutok pa sin yung mata niya sa laptop.
“Ilang page kaya ‘to? Dami naman.” Bulong ko.
“Less than 200 pages lang yan.” Sabi ni Spring.
“WHAAT?” as in tumayo ako. OA eh.
Tumayo si Spring at Sunny at lumipat sila ng pwesto.
“200 pages? Ano ba ‘to nobela? Sunny naman.” Reklamo ko.
“Yes?” tumingin si Sunny sa’kin.
“Kailan mo ‘to kailangan?” tanong ko.
“Tomorrow. 11 in the morning.” Sabi niya
“SUMMER…. TULONG.” Tumabi ako kay Summer.
“I’m busy.” Tapos umalis din siya at tumabi dun sa dalawa.
NICE.
~
YO. OKAY.
4 pm na.. kakatapos lang ng klase, and I’m heading to library para doon basahin at gawin ang dapat kong gawin.
Hindi ko ito pwedeng gawin sa bahay dahil wala akong matatapos na gawain lalo na kapag nagsi-uwian na yung tatlong bruha na kasama ko sa bahay. Manggugulo lang yung mga yon.
Pagsilip ko sa library, nakita ko si Jericho may kasamang lalake at nag-uusap sila. May hawak-hawak silang papel at nag-uusap. Siguro may project din sila.
Pumasok ako sa loob. Nasa bandang pinto palang ako ng makita niya ako. Nginitian ko siya, at ganun din yung ginawa niya. So, lumapit ako sa kanya.
“Uy. Nag-aaral na siya. Ayos yan.” Sabi ko, sabay tapik sa balikat nya.
“Hehe.. syempre naman.” Tumingin siya sa akin, tapos sa kaharap niya.
“Hi!.. “ bati ko sa kasama niya, kaso pag tingin ko.. si Aiden pala yun.
“Hello.” Sabi niya sa’kin sabay kuha ng ballpen at papel at nagsulat.
“Ahm.. mukhang busy kayo. Sorry.”
Hindi ko na hinintay yung sagot ni Jericho o ni Aiden—kung may sasabihin man siya—umalis na agad ako at nagpunta sa bakanteng upuan sa likod ni Aiden.. yun lang yung bakante. NO CHOICE.