Epilogue

148 7 3
                                    

Epilogue.

After 6 years…

                “Lana.. ! My Gosh! Ang ganda-ganda mo diyan.. !” bati agad sa akin ni Summer pagbaba ko ng kotse.

                Nandito kami ngayon sa Bulacan.. sa Grotto Church.

Sa Simbahan na gustung-gusto ko.

Sa simbahan na paborito naming lugar ni Travis..

Sa simbahan kung saan ko gusting ikasal.

And praises to God, dahil matutupad na iyon.

“I’m so excited!” tili ni Summer.

“Ang ingay nito, stop okay? Eto.. parang siya yung ikakasal eh.” Saway ko.

“Eh kasi naman, Ang ganda-ganda mo talaga diyan sa white gown mo. Sana ako na lang ikaw.” Pang-uuto pa ni Summer.

“I know right.. maganda talaga ako.  Maganda pa ako magdala. Ako na.”

“Ewan.” Hinampas nya ako.

“Aray ha.”

Bigla kaming natahimik na dalawa nang makita naming papalapit sina Aiden at Jericho.

“Aray ha.” Panay kurot kasi si Summer sa braso ko.

“Ayeeeiii.” Pang-aasar niya.

Tumigil yung dalawa sa harapan namin.

“Hi!” sabay na bati nilang dalawa.

“Musta?” tanong ni Aiden

“Okay naman.” Sabay naming sagot ni Summer.

“Hay…. Kinakabahan na ako.” Sabi ni Aiden

Binatukan ni Summer si Aiden.

“Hoy Aiden! Sino pala nagsabi sa’yo na pwede kang magpunta dito? Di ba sabing di mo pwedeng makita yung bride? ! Aish..” talak ni Summer habang tinutulak-tulak si Aiden.

“Aray.. eh nandito na ako eh.. okay lang yan.” Sabi naman ni Aiden habang nag-aayos ng neck tie.

“Hay nako.. Ang pasaway ninyo! Jericho? Anong klaseng bestman ka? Bakit mo kinukunsinti tong groom na ‘to?”

“Sensya naman.. Makulit eh.. Tara na nga Aiden.” Yaya ni Jericho.

“Bilisn nyo… magsisimula na tayo.” Sigaw ni Summer.

“Summer, chillax. Okay?”

At nagpunta na sila sa unahan..sa bandang altar.

Handa na ang lahat.

Tumunog na ang wedding song..

Natahimik ang lahat ng tao.

“Lana.. you ready?”

Huminga ako ng malalim at tumango.

“It’s your turn.”

Nagsimula na akong maglakad.

Di ko matago yung ngiti ko. Sobra kong saya.

Ine-enjoy ko yung sarili kong naglalakad habang ang lahat ay nakitingin sa akin.

Ganito pala yung feeling..

Ang saya..

Ang sarap.

Nang papalapit na ako. Narinig kong sinabi ni Jericho kay Aiden.

“Bro, congrats.. you truly deserve her.”

T♥rn Betwe♥n Three L♥versTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon