“Dalian mo dyan!” nasa kwarto pa rin kasi niya si Anastacia, napaka bagal talagang kumilos.
7:30 pm na, 7 pm ang start..
So, late na kami ng 30 minutes. And I’m proud dahil hindi ako ang reason kung bakit kami late :DD haha.
“I’m here!”—Anastacia
---
Dumating kami sa elementary school namin. 8 pm na.
Grabe, hindi naman kami masyadong pa-VIP.
Sumalubong sa amin si Joanna, ang valedictorian ng batch namin.
“Oh! Ang aga niyo naman” bungad ni Joanna
“Ganun talaga kapag maganda” sabat ni Gail, sabay taas ng kilay.
Badtrip kasi si Gail kay Joanna, salutatorian lang kasi si Gail nung batch namin. Hanggang ngayon di niya tanggap na natalo siya ni Joanna noong elementary.
“Pasensya na kay Gail ha”
“Ok lang, ganoon talaga kapag loser.”
“sst!” saway ko naman kay Joanna, baka kasi magka-giyera sa gitna ng party.
“Sige na, pasok na kayo. Actually, kayo na lang talaga hinihintay”
Nagkatinginan naman kaming apat.
“Ha? Nandito ba lahat?” tanong ko
“Oo naman.” Sagot ni Joanna
Dub.dub.dub.
Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan.
Kumpleto kaming lahat…
Meaning, nandito si----
“Travis!” sigaw ng isang babae, si Chloe. Mortal enemy ko noong elementary.
Kung may Gail vs. Joanna
May Lana vs. Chloe rin.
Paglingon ko, nakita ko si Chloe. Lumakad siya palayo.
Hindi ko na siya makita dahil sa sobrang daming tao.
Nasan kaya yung lalakeng yun?
“Tara! Kain tayo.” Yaya ni Anastacia.
Habang naglalakad kami, palingun-lingon ako..
Ang dami talagang tao, buong batch kasi namin nandito.
Kahit kumakain ako, palibut-libot pa rin yung mata ko.
“Uy, Andrea! Si Ramon oh!”
“Oh, !” –Ramon
“Musta na Ram?” --Anastacia
“Eto, tinatakasan ang stress.”
“Mahirap bang mag-engeneering?”
“Hindi naman” pagmamayabang pa niya, kasasabi nga lang niyang stress siya ee. Liar. “Uy, Lana! Nakita ko pala si Travis!” sabay banat niya ng ganoon.
“Oh?” patay malisya kong sagot
“Tara!” sabay hila sa akin palayo..
Nagpunta kami sa bandang glid ng stage, sa bandang sound system.
Nakita ko sina Vans, Chuck at Puma. Yung tatlong nambu-bully sa akin noon.
“Hey! Lana! Kaw na ba yan?” tanong ni Vans
Ngumiti lang ako, alam akong mang-aasar lang yan
“Wow, pang-model na nang close-up yung ngiti ha!” – Chuck