Chapter 29- LANA's POV

87 5 0
                                    

LANA’s POV

Bakit tinalikuran nya ako? Di mo ba ako pipilitin Aiden?

Ganyan ka na ba ngayon? Gusto ko lang na tanungin mo ulit ako, sasama na ako sa party na yun.

Kaso, bumalik na siya sa upuan niya, bwiset! Tumalikod na din ako .. Aiden! Tawagin mo kaya uli ako.

~

“Kumusta?” bati agad ni Gail sa akin pagka-pasok na pag-kapasok ko ng bahay.

“Ok lang naman.. dami akong dapat gawin. Sige, sa taas lang ako. Bawala akong istorbohin ha!”

Umakyat na ako.. di ako pwedeng pa-istorbo.

Nasayang lang yung oras ko sa library.. akala ko pa man din matatapos ko na lahat dun.

Sinimulan ko nang buklatin yung folder kung nasaan yung project namin.. Ano nga bang page na yun?

88?

87…89?

Hala! Nasan yung page 88?

Panic mode agad ako!

Ito lang yung copy namin… na-corrupt yung file sa flashdrive ni Sunny.. ito lang ang pang-asa namin.

IYAK! ! !

Kinalkal ko yung buong bag ko. WALA.

At kahit alam kong kararating ko lang dito sa kwarto ko, kinalkal ko pa rin kahit yung kasuluk-sulukan ng mga kanto nito.. WALA.

HALA! ! !

Tawagan ko nga yung mga kagrupo ko para humingi ng tulong at para mag-sorry na din.

Pero, bago ko pa magawa yun, nagriring na yung phone ko—SUMMER.

Akala ko tungkol sa project yung sasabihin niya yun pala eh tungkol dun sa birthday party ni Aaron.. Summer.. I don’t have time for that. waaahhh! ! anong gagawin ko?

“Lana.”

Kumakatok si Gail..

“Gail, busy nga ako diba? Ano ba? !”

“Bruha! May naghahanap sa’yo.”

“Sino? Si Summer? “

“Hindi ah.”

“Kung hindi yan tungkol sa project namin.. I’m busy sabihin mo. SORRY.”

Bumukas yung pinto.

“Gail! I told you---“

“Sensya sa istorbo”

“JERICHO?”

Ngumiti siya.

“Anong ginagawa mo dito?” Urgh! Bakit na naman ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

“Ahm.. papatulong sana ako sa’yo. Sorry ha.”

“Pasok ka.”

Nilapag nya yung bag niya sa lamesa. Tapos may kinuhang book.

“May quiz kasi kami sa Philippine Constitution.. memorize-memorize ng mga articles.. patulong.”

Jericho.. alam mo bang wrong timing ka? Anong gagawin ko, nandito na siya Lana. Nakakahiya namang tanggihan.

“Ano ba yun? Try kong tulungan ka ha.” Sabi ko.

“Salamat.”

Tinulungan ko siyang magkabisado, binigyan ko rin siya ng mga tips at technique kung paano madaling magkabisado.

T♥rn Betwe♥n Three L♥versTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon