“ano pong nangyari sa kanya?”
“Naanod po siya ng baha, tapos humampas yung katawan niya sa kotse”
“Tumama po ba yung ulo niya?”
“Ewan ko,… ewan niya rin daw. Pero sinabi niyang masakit yung ulo niya.”
“Ah, okay sir. Oobserbahan muna natin siya. Sa ngayon naman po, okay siya.”
“Sabi nya pagod na daw siya.”
“Siguro nga po, kaya natulog siya.”
“Sana nga po.”
Pinipilit kong idilat yung mga mata ko, kaso parang naka-glue sila. Gusto kong magsalita kaso parang may malaking bato sa lalamunan ko.
Alam kong si Aiden yung nagsasalita, may kausap siya. Alam ko ring ako ang pinag-uusapan nila. Ayokong mag-alala si Aiden, kaya kailangan ko nang magising.
Ginalagalaw ko yung daliri ko, kaso parang ang bigat nila, pati na rin yung kamay ko. Thanks God, kasi naangat ko naman sila kahit papano.
“Ai…A..Aiden” maski ako di ko marinig yung boses ko. “Ai….den” paos na paos ako kahit anong salita ko, puro hangin lang lumalabas sa bibig ko.
Asan ka na ba Aiden?
“AIDEN!!!” pilit kong sigaw. Sa wakas may boses ipis na lumabas galing lalamunan ko, sana naman narinig niya yun kahit papano.
“Lana?! .. gising ka na?”
“Idilat mo yung mga mata ko, nahihirapan ako.” Hirap ko paring pagkasabi.
“Matulog ka muna kasi, baka naman inaantok ka pa.”
“Hindi na, mabigat lang yung mga mata ko.”
Narinig kong napangisi siya. Naramdaman ko yung mga daliri niya sa mata ko. Nilalaro pa niya yung pilik mata tsaka yung kilay ko. Hanggang sa tuluyan na niyang idilat yung mga mata ko.
Blurred, pero masaya na ako kasi nakita ko si Aiden na nakangiti sa akin. Napangiti rin tuloy ako.
“Nauuhaw ako.” I demand
Ngumiti na naman siya tapos tumalikod. Saglit lang tapos nakabalik na siya agad. Pina-upo niya ako at tinulungan na uminom ng tubig.
“May masakit sa iyo?”
“Wala na, oaky naman ako.”
“Buti naman, pinag-alala mo kaya ako.! Sabi nang wag pipikit eh, ang tigas talaga ng ulo mo.” Sabi niya sabat pitik sa noo ko.”
“Ouch! Eh sabi ko namang pagod na ako eh, ano? Bawal magpahinga?”
“Ikaw talaga.”
“Asan ba tayo?”
“Nasa amphibian truck, nga pala, nagtext ako kay Andrea---“
“Sinabi mo?”
“Oo. Syempre” sabi niya sabay yuko
“AIDEN!!!!!”
“Sus! Ikaw naman, wag kang mag-alala. Wala naman nang baha sa inyo, mabilis daw na humupa. Doon na kita iuuwi.”
“Malakas pa yung ulan?”
“Medyo, pero di na kaya nung kanina.”
“Anong oras na ba?”
“Alas-tres na.”
“Kaya pala.”
“Anong kaya pala?”