TRAVIS’ POV
Nawawalan na ako ng pag-asa. Tatlong buwan na, sobrang tagal na nun, gusto ko lang naman na malaman yung totoo…
Yung side niya.
Di naman talaga ako naniniwalang “kami” na ni Lana, lasing siya nung gabing yun. Kaya gusto ko lang kumpirmahin kinabukasan.
Yun nga, kinabukasan naman, trip-trip lang yung pagtawag ko at pagfe-feeling na boyfriend niya, titingnan ko lang naman kung naaalala pa niya yung sinabi nya eh.
Nakakagulat nga lang at sinabi nya ngang kami na! Ang gulo talaga.. alam kong may mali, kailangan ko lang talaga siyan kausapin, kailangan kong lang liwanagin ang lahat.
“Love you” bulong ko. Let me see kung kakagat siya
“Love you po.”
May narinig akong ubo mula sa kabialng linya, pero… Love you po.. di pa naman ako bingi, tama naman yung pagkakarinig ko.
Binigkas nya yung mga salitang yun pero ramdam ko na hindi sincere dahil may kaba at pag-aalinlangan sa boses niya.. sobra ko siyang kilala para mapansin ko yun.
Tonight, I’m giving myself a last chance. Kapag hindi nadala sa santong dasalan, dadaain ko na sa santong paspasan. Pag wala pa rin.. uwi na akong Japan.
Nasa tapat ako ng bahay nila, bukas yung ilaw ng kwarto niya.
Kumuha ako ng malaking bato at sa abot ng aking lakas, hinagis ko yung bato sa bintana ng kwarto niya. Di naman ako binigo ng pagiging marahas ko, hehe. Maya-maya sumilip siya sa bintana.. at pumayag na siyang mag-usap kami.
At last! After 3 months..
Sobra akong excited kaya siguro sa puno ako umakyat, at dahil sa excitement na yun, nasugatan ko pa yung sarili ko. At syempre, abut-abot na sermon yung tinanggap ko.
Pero dahil sa excitement na yan, napalapit na naman ako sa bestfriend ko.. natawa siya nang inakyat ko yung puno. Nagpanic siya at inaalagaan ako dahil sa nagkasugat ako. Para-paraan din mga fre!
Sa abot ng makakaya ko, pinapagaan ko yung mood namin. Yung mag-aasaran lang kami .. kaso seryoso siya eh.. halos magwala ako nang magsabi siyang pupunta siyang Australia.
Ano?? Aalis talaga siya? Iiwan nya talaga ako? Kami?
Pero yun nga, kaya naman ako nandito eh para hindi pagpilitan yung sarili ko na mahalin nya, Tama yung desisyon ko na magpunta dito para maging maayos na kami, maging magkaibigan.
Tama lang na maging magkaibigan kami, tama lang. kahit nasasaktan ako… ganito nga siguro talaga.
Sa pagkakataon na ‘to ng buhay ko.. Talo ako.
“Wag ka nang makulit Travis. Try mo kayang maghanap ng iba.” Payo niya.
“Eh wala nga akong mahanap na iba.”
“Wag ka kayang magsalita ng tapos. Bestfriends tayo, maging magbestfriends na lang tayo.” Lana, bakit ka ba nagmamakaawa na maging bestfriends tayo? Oo na.. bestfriends tayo!
“Eh dapat kasi nung una palang finriend zone mo na ako.” Sabi ko.
“Sige naa.. Bestfriends??” nilabas niya yung hinliliit niya, para mag pinky swear kami.
“Ano yan?” tanong ko kunyare, para cool.
“Pinky swear!”
Pniky Swear para maging bestfriends kami. Awts, pero sige na..
“Ouch ha! Yung sugat ko!!!” joke ko.
“Naka band-aid na baliw. OA mo talaga.” Hinampas nya ako.
“Pakilagyan na rin ng band-aid yung puso ko.” Banat ko.
Kinuha nya yung first aid kit.
“Amin na, labas mo yang puso mo, lalagyan ko nang band-aid!” at least, nakiki-sakay na siya sa mga biruan ko.
“Wait lang.”
“Aba!”
Hinubad ko yung T-Shirt ko.
“Travis!!!!” nagulat siya, nakitang kong tinakpan niya yung nanlaki nyang mata tapos tumayo siya at tumalikod.
Hahaha.. pa-inosenteng bata. Sinuot ko uli yung T-shirt ko.
“Ano? Ready na ‘ko.” Biro ko uli, nakatalikod pa siya. Hahaha.. kawawang bata.
“Travis! Naman eh! Isuot mo nga yung T-shirt mo!”
“Ayoko nga, sabi mo lalagyan mo nang nad-aid yung puso ko.. eto na oh..”
“Traaaaavvisssss!”
Hinawakan ko yung balikat nya, nagpanic siya, tinulak niya ako tapos tumakbo siya papuntang pinto.. tapos tumingi siya sa akin, naka-upo ako sa sahig.
“Argh!!! Travis! Stop playing okay!!” lumapit na siya tapos inalalayan niya akong tumayo nang nakatayo na kami, pinaghahampas-hampas na niya ako.
“Aray!!! Yung sugat ko.”
“Ay sorry.” Tumigil naman agad siya
“Bakit mo ba ako tinulak?” tanong ko habang natatawa, kung nakikita mo lang expression niya. I-imagine mo na lang.
“Eh kasi… akala ko.. akala ko nakahuba—EWAN!!!”
Namumula siya sa hiya.. hahah. Cute. Nakakatuwa talagang makakita ng babaeng nagba-blush.
“WAG MO AKONG TINGNAN!!!!” utos niya
Nakatingin pa rin ako sa kanya,, na natatawa. Sarap pag-trip-an eh.
Naaalala ko tuloy nung mga bata pa kami.. Haha. Actually, di nagbago yung mukha ni Lana. Nawala lang yung full bangs tsaka may ngipin na yung dating mga space lang sa bibig nya. Haha.
Nung makita ko siyang umiyak, ganun pa din! Pag tumatawa, ganun na ganun.. may ngipin na nga lang talaga .. Hehehe..
Pero si Lanang bungal pa rin siya para sa’kin.
“I miss you.” Mga salitang dumulas sa labi ko.
Nanlaki yung mga mata niya, pero nakatingin pa rin siya sa akin.
“I’m sorry” tapos yumuko siya. “ Na-miss din kita.”
Di ko kayang mawala sa akin si Lana.
She inspires me a lot.. I really love her.
Pero… one-sided love nga lang.
I should relly give up.
Nagsi-sink-in na sa akin kung bakit hinayaan ng pagkakataon na maganap ‘tong gabi na ;to.
For me to move-on. Para matauhan ako, na hanggang magkaibigan na lang talaga kami.
[A.N]
Aigooya~~ nahihirapan pa rin ako kung sino ba talaga ?!?
well, malapit ko na talaga 'tong tapusin ^_^ Salamat sa mga nagbabasa :))