“HA? Anong aalis ka?” sabay may tumamang unan sa ulo ko.
“Natutuwa kayo ng kakahampas sa akin ha.” Compalain ko.
“Eh.. wag ka kasing nagjo-joke nang ganyan.” – Gail
“Eh hindi naman kasi ako nagjo-joke.” Sabi ko.
May tumamang unan, teddy bear, at chocolate sa mukha ko.
“ANOO BAAA?!?! Aalis nga ako. Bago magpasko, pupunta na akong Australia.” Sabi ko.
This time himala, wala nang tumama sa mukha ko.
“Di mo naman kailangang umalis.” Sabi ni Andrea kahit puno ng spag ang bibig.
“Pwede ka namang umiwas sa kanila nang di umaalis dito sa Pilipinas eh.” – Anastacia
“Gusto ko nga kasing magpakalayu-layo.”
“Ang OA mo talaga.” Hirit ni Gail.
“Pag sinabi kong aalis ako.. aalis ako.”
Lumabas ako ng kwarto ko.
Pagdating ko ng sala, nandoon si Travis. Kaya umakyat uli ako, kaso huli nang umiwas dahil napansin niya ako.
“Lana!”
Pero tinuloy ko pa rin yung pag-akyat. May naramdaman akong kamay sa braso ko.
“Lana, mag-usap naman tayo. Please.” Mahina pero malalim at buo yung boses niya. Kainis, ang sarap pagbigyan ng hiling niya.
“Travis..” inalis ko yung kamay niya. “Ang kulit mo naman eh… AYOKO NGA !!”
Naglabasan sila Andrea mula sa kwarto ko.
“Guys, paalisin nyo nga ‘tong lalakeng ‘to.” Sabi ko sa kanila
“Lana.” Pagpupumilit pa rin ni Travis.
“Ano ba?” tinulak ko siya.
Na-out-of-balance siya.. buti naka-kapit siya sa hawakan ng hagdan, kung hindi…
“Argh! Umalis ka na kasi.” Sabi ko. Naiinis ako lalo, naiinis sa sarili ko. Paano kung nahulog talaga siya? Ugh! Lana naman eh..
“Travis..” inalalayan ni Anastacia si Travis.
“Give her time.” Sabi ni Andrea.
Iniwan ko na sila, pumasok na ako sa kwarto ko.
Oo, I admit ang kapal na talaga ng mukha ko. Ako na nga itong sinusuyo, eh ako na nga nangloko. Ako pa itong maarte at galit.
Pero kailangan ko nga silang ilayo sa’kin. Kailangan kong umiwas at makalimot. Ayoko na silang pahirapan. Alam kong naiinis na rin kayo sa akin.
~~
Isaang linggo na rin ang nagdaan.
Gabi-gabing pumupunta si Travis sa bahay. Walang palya. Maya-maya ako kinakatok, maya-maya ako kinaka-usap, kahit di naman ako sumasagot.
Isang gabi nga, late na akong umuwi, naabutan ko siya sa tapat ng pinto ng kwarto ko, nagsasalita. Akala niya siguro nasa loob ako. Natatawa ako na naaawa sa kanya. Mas lalo akong nagi-guilty, mas lalo akong naiinis sa kanya.
Sa school naman, madalas kong makita si Jericho at Aiden.
Si Jericho, ina-approach ako nung una, pero iniiwasan ko rin siya. Siguro nagsawa na, kaya lately hanggang tinginan na lang kami.
Si Aiden naman, wala talaga. Galit talaga siya sa akin.
Tuwing nakikita ko sila, nasasaktan ako. Ewan ko, parang yung sa T.V lang. yung eksena nag alit-galitan yung bidang babae, tapos paalisin niya yung lalakeng mahal niya. Kapag umalis na yung bidang lalake, iiyak-iyak naman.