“Akala ko talaga, papakasalan na ako ni Travis kanina”
“Ewan ko sa iyo.”- Gail
“Sorry naman, nadala lang talaga ako.”
“So.. si Travis na ba?” tanong ni Andrea habang puno yung bibig ng spaghetti.
“Si Travis ang alin?” tanong ko sabay agaw ng kinakain ni Andrea
“Ang gusto mo! Sabi mo nadala ka lang. syempre nadala ka ng damdamin mo. So si Travis na nga ba?”
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nasabi ko pa naman sa sarili ko kanina na si Travis na nga! Hay ewan! Ewan ko sa sarili ko.
Panay kuha lang ako ng spag at panay subo.
“Hoy, tinatanong ka namin.” Sabi ni Gail sabay agaw ng plato ko.
“Eh.. parang oo? Ay! Di pala!” Ewan ko. Ang gulo.
“Ano? Wala akong naintindihan.” Sabi ni Anastacia, nakikinig pala ang bruha. Akala ko sobra siyang nagfo-focus sa nilalaro niyang Subway surfer.
“Eh kasi, kapag kasama ko si Aiden; siya na gusto ko. Kapag si Jericho naman, ganun din pati kay Travis.”
“Bitch!” sabi nila ng sabay-sabay
“OUCH HA! TUNAY KO TALAGA KAYONG KAIBIGAN!” sigaw ko sa kanila. Actually that didn’t help.
---
Kinabukasan. May lakad pa rin ako. Hay! Sana naman masagot ko na ang tanong ko sa sarili ko. Para wala na ring mahirapan.
Pag gising ko. Ang sakit na naman ng katawan ko. Barado pa yung ilong ko. Nahihirapan akong lumunok. Nabinat na ata ako. Tsk.
May trangkaso ata ako.
Yare. May lakad pa naman kami ngayon. Ni Jericho.
Naramdaman kong may nagbukas ng pinto kaya lumingon ako sa bandang pintuan. Si Andrea.
“Good morning bitch!”
“Tse!” umikot uli ako ng pwesto, tinalikuran ko siya. Bwiset na kaibigan to.
“Uy, sorry. Joke lang.”
“Ewan.” Cold kong pagkasabi.
Naramdaman kong lumakad siya papunta sa akin. Bigla niya na lang akong niayakap.
“Andrea!!!”
“Lana!! Sorry na! joke lang naman.”
“Umiyak ka muna. Para mapatawad kita.”
Bigla naman niya akong tinulak.
“Aray!” sabi ko
“Tunay ka ring kaibigan!”
“Bahala ka.”
“Sorry na nga!” niyakap niya uli ako.
“Sige na!” sabi ko sabay bato ng unan sa kanya.
“Yey!!!” kinikiss pa niya ako.
“Andrea! Kadiri ka!” binabato ko pa rin siya ng mga unan ko.
“Arte nito! Joke lang.” umayos na siya ng upo niya. Tinitingnan niya ako ng maigi. Mula ulo hanggang paa.
“Ano yun?” tanong ko sa kanya.
“Ano bang ginawa mo?”
“Ang alin?”
“Eh, dati ni isa walang nagkakagusto sa iyo. Ngayon tatlo-tatlo pa.”