Chapter 34: He's Back

67 5 5
                                    

CHAPTER 34: HE'S BACK

KYLIE'S POV

Waaaaahhh grabe talaga, di pa rin ako makapaniwala na kagrupo ko si Raymond huhu T___T Buti nalang wala muna kaming gagawin ngayon. Haysss basta, bahala na bukas, kailangan ko ng matulog ng maaga dahil maaga ang calltime namin.


-----------

*Kinabukasan

"OMG Im so exciteddd pano ba naman kagrupo ko si CJ kyaaaahhhhh ^_^" Nako aga aga ang hyper ni Kuya Marky.

Nakapila na kami ngayon sa may labas pero kami kami pa rin ang magkasama. Maya maya daw sisimulan na ang unang game namin. amazing race ang gagawin namin pero medyo may twist dahil sa loob ng gubat namin gagawin. Safe naman daw dun dahil maraming nagkalat na facilitator upang bantayan kami, tsaka wala naman daw tong mga wild animals. , papasok kaming mag kakagrupo at bawat station ay may mga naka assign na task na dapat naming gawin bago kami makarating sa next station. Then kung sino ang unang grupong makapagperform ng mga task at unang makalabas sa gubat at marating ang finish line ang syang panalo.

Tinawag na kami ng mga prof namin at pinapunta na sa aming kanya kanyang grupo.

LASHLEYS POV

Pumunta na ko sa group ko, Ayos na sana dahil kagrupo ko si Clyde, pero dahil nga may something ay medyo awkward kami ngayon. Hays, di bale. Ayokong ipakita sakanya na naiilang ako, at ayoko namang mawala ang friendship na meron kami.

Kaya nilapitan ko na sya at ako na ang unang nag approach. "Uyy Clyde! Galingan naten huh!" halata namang nagulat sya sa biglang pagkausap ko sakanya. Pero agad naman nyang nabawi ang gulat at nginitian akong kinausap. "Oo naman haha syempre gagalingan natin no, balita ko maganda daw ang mga awards natin kaya wag tayong papatalo haha" sabay akbay nya sakin.

Nakasanayan na namin ang mga ganitong gawain, nakakatuwa lang dahil atleast ngayon di na kami masyadong awkward.

"*ehemn* Umayos na kayo ng pila nyo at mag sstart na tayo."

Bigla naman kaming napatigil sa katuwaan ni Clyde ng may biglang nagsalita sa likod namin. Nagulat nalang ako ng nakita kong paalis na naglalakad si Lance palayo samin. Alam kong sya yun dahil kilala ko ang boses nya.

Agad namang tinanggal ni Clyde ang pagkaakbay nya sakin at hinila na ko papunta sa may entrance ng gubat.

Nakita kong nakatayo din dun si Lance sa may entrance dahil sa pagkakaalam ko ay isa sya sa mga facilitator na papasok at magbabantay sa may gubat. Pagtingin ko sakanya ay nakatingin sya samin, ngingitian ko sana sya kaso nung nakita ko yung mga titig nya ay tatayo talaga ang balahibo mo sa takot.

I mouthed to him na "bakit?"

Ang sagot ng magaling? Ayun, wala! aba'y inirapan lang ako at biglang umalis.

Problema nun? Kanina lang ang sweet sweet nya nung tinawagan ko....

FLASHBACK

*beep beep*

*yawn* bayannn!!! Inaantok pa ko, sino ba tong nagtext sakin -___-

Kinapa ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext sakin.

From: Foreverlovesss<3

Goodmorning beautiful :) be sure na kumain ka ng breakfast mo before pumunta sa event mamaya. Mahirap pa naman ang game nyo today. Text me if gising ka na. Have a nice day. Iloveyou so much :*

Bigla akong napangiti sa nabasa ko at nawala ang antok ko. I dialled his number at tatawagan ko sya.

*kringgg.... Kringgg....*

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon