Chapter 29: Man to Man Talk

60 4 0
                                    

Hi guysss, Happy 1.29K readers :) Hihihi thankyou for non stop support, kahit na bago palang po ako dito sa pagsusulat ng kwento. At may pagkabalubaluktot po ang grammar ko ^_^

Haha sana po patuloy po kayong magbasa, magcomment especially mag votes.

Enjoy reading ^_^

----------

Chapter 29: Man to Man Talk

GAIL'S POV

Kasalukuyan kaming nanonood sa bahay ng mga bessy ko. Si Sharlot ayun, busyng busy sa pag fafangirling dahil tutok na tutok siya sa t.v. Habang pinapanood yung idol niya. Haha ganyan yan eh, simula ng may nangyaring di maganda sakanila ni Peter, nagbalik loob na siya sa mga idol niya. Kesyo daw dun, hindi siya masasaktan. Haha ewan ko ba dyan.

Eto naman si Ley, busyng busy din sa phone niya, kanina pa niya hawak yan. Kanina pa din siya pangiti ngiti at kinikilig mag isa. Panigurado nagbabasa nanaman yan ng wattpad. Haha parehas niya din si Sharlot na mahilig mag fan girl, actually lahat kami. Pero silang dalwa lang focused na focused dun, wala daw kase silang lovelife, kaya ayun nalang daw yung pinagpapantasyahan nila. Pero si Ley walang lovelife ? Halerrr anong tawag niya kay Clyde at Sir Park ? Haha palibhasa namanhid na eh.

At si Candice, ayun andun sa may isang tabi ng upuan. Tulala. Di makausap. Siguro hanggang ngayon masakit padin sakanya yung nalaman nya. Ilang beses na rin namin sya tinry kausapin pero ang lagi nya lang sagot ay okay lang daw siya. Haha di na ko magtataka kung 1day ay magbalik loob na rin yan sa pagfafangirling. Pero naiintindihan naman namin siya, di naman namin siya masisisi kung bakit siya nagkakaganyan, pero sana lang wag niyang pabayaan ang sarili nya. Oo halos lahat kami naiinis at galit sa ginawa ni JD. Pero sana diba, kahit papano kinausap man lang niya si JD, at binigyan niya ito ng pagkakataong magpaliwanag. Pero siguro sa ngayon, hindi pa niya kaya. Kaya hinahayaan nalang muna namin siya hanggang sa marecover na siya.

At ako, eto nagpapaganda. May date kase kami ng Babyloves ko. Yieee kinikilig nga ko eh. Mabuti nalang okay kami, nako subukan niya lang gawin ang ginawa ni JD, di sya sisikatan ng araw.

"So girls, pano ba yan, una na ko. May date pa kami ni Babyloves Kent ko. Babushh" at nagbeso na ko sa kanilang lahat.

"Sus, WALANG FOREVER"Ley

"Magbbreak din kayo !"Sharlot

Hahah biro nilang dalwa. "F*ck you hahah" Pabirong ganti ko din sakanila.

---

PETER'S POV

Sa paglipas ng ilang araw at linggo. Marami akong narealize sa buhay ko. Marami akong pinagsisihang desisyon. Marami din akong nasayang na pagkakataon at opurtunidad. Hindi ko alam, pero dahil sa isang babae nagbago ang lahat.

I dont like girls, as in never. They are so annoying. Until 1 day, may nakilala akong napakakulit na babae. At first, napakadesperada ng tingin ko sakanya. She keep on following me, stalking at me, at hindi siya napapagod na lapitan ako kahit na lagi ko siyang pinagtatabuyan at sinusungitan. Until 1day, dumating sa point na binatawan ko siya ng mga masasakit na salita. Siguro nga napagod na din siya sa kakahabol sakin. Dahil nga nasaktan ko siya.

After that day, hindi na niya ko ginulo. Pero parang may kung ano sa puso ko na hinahanap hanap ang presensya niya. Wala ng kumukulit sakin, wala ng maingay, wala ng magulo, wala na siya. Akala ko magiging masaya ako dahil di na niya ko hinahabol, ginusto ko naman to. Pero sa paglipas ng mga araw maski ako ay naguguluhan na rin sa puso ko. May parte sakin na naguguilty dahil sa mga nasabi ko sakanya. Nalulungkot dahil wala ng nangungulit sakin, at nakakapanibago talaga. At nasasaktan ako, kase tuluyan na siyang napagod at sumuko.

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon