Chapter 47: The Nightmare

7 2 0
                                    

LASHLEY


Andito kami ngayon ni Lance sa loob ng kotse niya. Tahimik at pareho tulala. Nag-iisip kung sino pa ba ang pwedeng kumalaban samin.



*sighed*



"Babe, are you alright?" He asked.


I nodded. "Medyo napapaisip lang ako kung sino ba talaga yun. Pero naniniwala ka ba sa sinabi ni Stephen na hindi siya ang may gawa nun? Baka naman tinatanggi lang niya?" Ang hirap malagay sa isang sitwasyong hindi mo alam kung sino ba talaga ang kalaban.



"I think hindi talaga siya ang may gawa nun. Kase kung siya yun, for sure pinagkalat na niya para mapatalsik ako sa University. Ang laki pa naman ng galit sakin nun eversince."



"Panong malaki yung galit?" Curious na tanong ko sa kaniya.



"Bata palang kase kami, magkakasama na kami nila Stephanie at Stephen. Ewan ko ba kung bakit lagi siyang galit sakin, noon pa man nung mga bata kami hanggang ngayon. Maybe because, close kami ng mama at papa niya. Kaya bata palang eh nagseselos na siya sakin. Tss"



Bigla akong may naalala sa sinabi ni Lance.







FLASHBACK


"Loves okay ka lang? Parang kanina ka pa tahimik diyan?" I asked. Nasa damuhan kami ng garden dito sa school. Favorite tambayan namin to ni Stephen.



"Yup, sorry medyo badtrip lang ako sa bahay"



"Bakit naman? Nag-away ba kayo ng ate mo?"





"Oo eh, andun kase yung magaling kong pinsan. Kaya lahat ng atensyon nasa kaniya. Bata palang kami, lagi na kong kinukumpara dun nila mommy and daddy. Even si ate. Hanggang sa ngayong lumaki kami. Mas tinuring pa nga siyang anak kesa sakin. Siya ang favorite ng lahat."




Nakatingala lang siya, at may namumuong luha sa mga mata. Kaya't hinawakan ko ang kaniyang kamay at niyakap.



"Okay lang yan loves, ako naman may favorite sayo. Di ka man nila favorite, andito lang ako parati sa tabi mo"




Ngumiti naman siya sa sinabi ko, at mukang okay na rin ang kaniyang mood. "Thanks Loves, ikaw nalang ang meron ako. Kaya wag mo kong iiwan ha?"



"Promised" I smiled.





END OF FLASHBACK



"Okay ka lang babe?"


Natauhan ako bigla at bumalik sa pagkaulirat ng nagsalita si Lance.



Kaya pala ganun nalang ang galit ni Stephen kay Lance. Kinuwento ko sa kaniya yung naalala kong sinabi sakin noon ni Stephen.






"Now i know kung bakit galit na galit siya sakin kahit wala naman akong ginagawa tss"



"Pero babe, honestly, naaawa ako kay Stephen" medyo malungkot na sabi ko .




"What!? At bakit naman?" Nakakunot noong tanong niya sakin.




"Ramdam ko kase noon yung bigat at inggit na nararamdaman niya sayo nung nagkwento siya sakin. Tapos ngayon, eto naman. Ako. Tayo. Kaya siguro gustong gusto niyang paghiwalayin tayo."



"Tss, kasalanan naman niya yung nangyare sainyo eh. Kung hindi ka naman niya niloko noon ay wala ka sakin ngayon. Kaya kahit papano ay masaya akong nangyare yun, kaya andito ka na sakin." Then he kissed my forhead.




The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon