Chapter 30: Panakip Butas?

66 4 0
                                    

Chapter 30: Panakip Butas ?

JD'S POV

Kanina pa ko palakad lakad dito sa kwarto ko. Dahil hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano ako mag eexplain kay Candice.

FLASHBACK:

Uuwi ako ng maaga ngayon dahil yayayain kong lumabas si Wifey, monthsary kasi namin ngayon. Bigla namang nag vibrate ang phone ko.

From: 09*********

Sino kaya to ? Unregistered number.

We need to talk JD. Its me Alexa. Aantayin kita sa may lumang building.

Fuck. Ano pa bang kailangan niya !? Nag usap na kami huh. Hindi ako pwedeng magpalate ng uwi. May date pa kami ni Candice.

END OF FLASHBACK

Nung nareceive ko yung text niya, hindi ko alam kung makikipagkita pa ba ko o hindi. Pero nagtataka lang ako kung bakit kailangan niya pang makipagkita sakin eh samantalang nag usap na kami nung foundation day eh.

FLASHBACK:

Foundation day namin ngayon. Kasama ko si Candice manood ng Program. Pero bibili muna ako ng makakain namin. Pero biglang humarang sa harap ko si Alexa. "Anong kailangan mo ?" malamig na tanong ko kay Alexa.

"JD, please come back to me." pagmamakaawang sabi niya.

"*chuckles* Pagkatapos mo kong iwanan at ipagpalit sa iba ? That's insane." I said in a cold tone.

"No JD, please give me another chance ?" halos lumuhod na siya sa harap ko.

"Tigilan mo na ko Alexa, masaya na ko ngayon. At hindi na kita kailangan pa sa buhay ko." at naglakad na ko pabalik sa program.

END OF FLASHBACK

Alexa is my ex, Mahal na mahal ko siya noon. Ginawa ko lahat para sakanya. Pero niloko at ipinagpalit niya lang ako.

FLASHBACK

Nag dadalawang isip ako ngayon kung makikipagkita ako sakanya. Sa huli ay dinala ako ng mga paa ko sa lumang building. Gusto ko ng matapos ang lahat ng kahibangan ni Alexa.

"Ano pa bang kailangan mo sa akin ? Nag usap na tayo diba!" malamig na sabi ko.

"Kausapin mo muna ako saglit JD please ?" nagmamakaawang sabi niya.

"Bilisan mo at may importante pa akong pupuntahan" nako, may date pa kami ng wifey ko. Yari ako dun kapag di namin na celebrate yung monthsary namin.

"Mahal na mahal kita JD. Kahit kailan hindi nagbago ang pagtingin ko sayo ! Simula ng naghiwalay tayo wala na kong minahal pang iba, ikaw lang JD. IKAW LANG !" bigla siyang umiyak sa harapan ko habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Nababaliw ka na ba ? May girlfriend na ako." medyo naiinis na ko sakanya.

"Oo JD, Alam kong kayo na ni Candice. Pero alam ko ding ginawa mo lang siyang panakip butas para lang makalimutan ako. Alam ko na JD ang lahat, narinig kong pinag uusapan niyo yun ng mga kaibigan mo. Sabihin mo JD, MAHAL MO PA RIN BA AKO ?" Nagulat ako sa sinabi niya. So alam niya na pala ?

END OF FLASHBACK

Pagkatapos kong malaman na niloko lang pala ako ni Alexa, ay halos naging pariwara na ko sa buhay. Kung sino sinong babae nalang ang nilalandi ko. Halos araw araw din akong umiinom.

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon