Happy 2.72k reads ^_^
Chapter 41
LASHLEYS POV
"Oh? Ang aga-aga bat nakabusangot ka dyan?" aniya sakin ni Sharlot.
"Ehhhh, nakakainis kasi si Lance eh. Okay na sana kanina, ang sweet sweet nya sa phone, tapos bigla akong binabaan! Ugghhh nakakainis!!"
"Haha oh, yung mood swings mo nanaman. Haha, meron ka ngayon no?" tanong naman ni Candice.
"Oo, ang sakit nga ng puson ko eh T______T"
"May buscopan pa ko dyan, inumin mo nalang."
Nagulat kami ng andito na pala si Gail.
Mugtong mugto ang mata nya. Hayss, nakakaawa ang itsura nya.
"Oh gail, tara! Sabay ka na saming mag breakfast."
Ngiti lang ang sagot nya samin at pumwesto na sa la mesa.
"Okay ka na ba Gail?" i touched her hand and sincerly asked.
Tinanguan nya lang kami at ngumiti "Yep, medyo okay na ko, since naiyak ko na naman yung nararamdaman ko."
But i can see her sadness in her eyes.
*sigh*
"Ano ba talagang nangyari? Kelan pa? At bat di mo man lang samin sinabi?" disappointed na tanong ni Candice.
Halos lahat samin walang nakakaalam at clueless kung bakit bigla nalang silang naghiwalay.
She paused for a while, and took a deep sighed. "Sorry kung di ko man nasabi sainyo. Nakipaghiwalay sya sakin nun ng problemado din si Ley sa ex nya. Kaya ayoko ng dumagdag pa sa mga iisipin ninyo. *sigh* after ng date namin noon. Doon na sya simulang nanlamig sakin, minsan nya lang ako itext, di narin kami ganoon na nagkikita. Ewan ko, bigla nalang nagbago yung Kent na kilala ko"
Habang nagkkwento si Gail, damang dama namin ang bigat na nararamdaman nya, nagsimula na ring namuo ang luha sa mga mata nya....
"Gusto kong malaman kung bakit sya biglang nagkaganun. Pero, natatakot ako.... Natatakot ako sa mga posibilidad na dahilan kung bakit sya nagkakaganun..."
"Hanggang isang araw, nakipagkita sya sakin. At doon nya sinabi na makikipaghiwalay na sya sakin. Wala syang iniwan na dahilan kung bakit nya ko iniwan. Pagkatapos nun ay umalis na sya at di na kami ulit nagkausap."
Tuluyan ng umiiyak si Gail, sobrang sakit para sa parte nya ang ginawa sa kanya ni Kent, kahit kami sobrang nasaktan ngayon alam na namin.
"Eh gag* pala yang Kent na yan eh!! Ano?! Iiwan ka nalang nya ng basta basta ng walang dahilan!!? Ipagpapalit ka nalang nya ng ganun ganon nalang sa babaeng linta na yun!?" aniya ni Candice.
"Pero, anong balak mo Gail? Hahayaan mo nalang na ganun nalang? Di mo man lang ba itatanong kay Kent kung bakit ka nya iniwan?" medyo nagpipigil pa ko ng galit, pero sa totoo lang, kating kati yung paa kong sugurin si Kent ngayon.
"*sniff sniff* Hindi na siguro, muka namang masaya na sya sa babaeng yun."
"Tssss... Muka nga! Hayaan mo na sya Gail, alam kong di madali. Pero kalimutan mo na sya, andito naman kami para sayo." sabi ni Sharlot habang hinahagod yung likod ni Gail.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love
RomanceJACKSON JAMES LANCE PARK. Isang cool na professor na kahit kailan ay walang sineseryosong relasyon. Halos tingin niya sa mga babae ay isang laruan, na pwedeng pagkabalahan sa mga oras na BORING sya. LASHLEY ZEL MYLES MARIANO Isang hopeless romantic...