Chapter 42: Peter's Effort

28 2 0
                                    

Chapter 42

LASHLEYS POV



"Uggghh bayan mga bes, tulungan nyo naman akong maghanap ng susuotin ko mamaya sa date namin ni Peter huhuhu..."

"Huh!? Wala ka pa ring napipiling suotin? Eh halos nasukat na naten lahat ng damit mo! Maygashhh." napasapo sa noo si Gail.

Andito kami ngayong apat sa kwarto ni Sharlot dahil tinutulungan namin syang pumili ng susuotin nya para sa date nila ni Peter mamaya.

Napahiga ako sa kama ni Sharlot dahil sa sobrang pagod ko ngayong araw. "Akala ko ba ayaw mo pumunta sa date nyo ni Peter?"

"Oo nga, may pabalik balik ka pa ng oreos kay Jean nung nalaman mong kay Peter galing. Hahaha susss, pa hard to get ka pa kunwari. Hahahahaha."

Tinawanan namin si Sharlot na ngayon nakasimangot na nasalampak sa sahig. "Ehhhh, syempre kasi kailangan ko ding magpahard to get no, hirap na hirap kaya ako sakanya noon tapos makukuha nya ko ng ganon ganon nalang? No wayy!" she rolled her eyes.

"Hiramin mo nalang yung dress kong blue." suggestion ni Gail.

Parang nagulat naman si Sharlot at nanlaki ang mata. "Oh no!? Dont tell me sinuot mo yun nung nagbreak kayo ni Kent ah? If yes, salamat nalang baka magbreak din kami ni Peter hehe."

"Gaga! Hindi no! Hahaaha tsaka correction, wala pang kayo no so pano kayo magbbreak? Hahahahaha..."

Tinawanan nanaman namin si Sharlot. "Arrrggh.. I hate you girls! Im just kidding lang naman eh tse!"

"Hahahaha binibiro ka lang naman din namin. Sige na magayos ka na malapit ng mag 7 oh."


Tiningnan ko naman yung phone ko. Haysss, wala pa rin syang text o tawag man lang nung nag away kami kahapon. Ano? Magtiisan kaming dalwa kung sinong unang magtetext? Tsss bahala sya.. -_____-

"Itext mo na kasi! Wag pairalin ang pride! Hahaaha" asar sakin ni Sharlot.

"Oo nga, hindi yung para kang baliw dyan na minuminuto chinecheck yung phone kung nag text na o hindi. Hahaha..."




Ngayon ako naman?


-_______-


"Eh! Bahala sya dyan! Kinausap ko na sya ng maayos kahapon pero pinairal nya yung galit at selos nya! Kung pagselosan nya si Clyde parang kasalanan nya, eh aksidente lang naman lahat ng nangyare eh. Sya nga tong hinahayaang lumingkis sa kanya yung Samantha na yun arggghh!!!! >______<"

"Haha ayan! Kaya di kayo nagkaintindihan kahapon ni Lance kasi parehas kayong nagpipigil ng mga galit nyo. Ngayon try nyong mag usap siguro naman humupa na yung selos nyo sa isat isa kahit papano" inemphasize nya talaga yung kahit papano eh no.


"Tss, bahala sya. -____-"







SHARLOT'S POV

Paakyat na ko sa rooftop. Tae kinakabahan ako.

Ang dilim naman dito, parang wala namang tao eh.

'Nako! Baka jinojoke time lang ako nun ni Peter nako! Humanda talaga yun sakin kapag inindian nya ko.



Sinimulan ko ng ihakbang ang mga paa ko at dahan dahang umakyat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tila sasali ako sa isang patimpalak at walang kasiguraduhan kung ako'y mananalo.


Mahal ko si Peter.

Sobra.


Pero napagod lang siguro ako noon nung mga panahong pinagtatabuyan nya ko, kaya ngayon na sya na ang sumusuyo sakin ay di ko sya agad agad tinanggap.




Sobrang dilim ng daanan, nakakatakot at parang walang taong nag aantay sa akin sa taas. Pero hindi ko alam, may kung ano sa puso ko na nagtutulak upang ituloy ang pagakyat ko sa rooftop.

Isang floor nalang natitira at malapit na ko sa taas, pag hakbang ko uli sa panibagong baitang ay kasabay nun ay ang pag ilaw ng bumbilyang dilaw sa magkabilang gilid ko. Hanggang sa humakbang ako uli at ganun uli. At pinagtuloy tuloy ko na ang paghakbang ko, sa bawat pagakyat ko sa baitang ay isa isang sumisindi ang mga bumbilya na nagbibigay liwanag saakin.

Naabot ko na ang pinakatuktok ng building na to at andito na ko sa rooftop. Pero madilim pa rin at wala akong makita. Nakakatakot. Sumabay pa ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Pero kahit na ako'y natatakot, hindi ako nag atubiling bumalik at imbis ay pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

Sa paglakad ko ay isa isa nanamang nagsindi ang mga ilaw, tila ito ang nagbibigay direksyon sa akin kung saan ako pupunta. Dahil sa laki ng rooftop na ito at dilim ay di ko alam kung saan ba ako pupunta. Kaya nagtiwala ako sa mga ilaw na syang sinusundan ko ngayon.

Lumiliwanag na ang buong rooftop dahil marami na ring ilaw ang nakabukas, at ngayon ko lang napansin ang mga nagkalat na petals ng rosas sa sahig. Kung tumingala ka namn ay makikita mo ang napakagandang langit na punong puno ng bituin. Nawala bigla ang aking takot at pangamba na nararamdaman kanina, ngayo'y napalitan muli ito ng kaba ng may nakita na kong isang pigura ng lalaking nag aabang sa dulo ng aking nilalakaran. Malakas ang hangin, tila isang musika sa pandinig habang ako'y naglalakad sa napakahabang daanan.

Ng makarating na ako sa kinaroroonan nya, ay mas maraming bulaklak akong nakita.

Maraming bulaklak.

At napakaganda.


Tila nagningning ang mga mata ko sa nakita ko, marami ding mga lobo na may ibat ibang kulay. Sa gitna noon ay may isang eleganteng la mesa na mayroong mga nakahandang kubyertos. At sa tabi noon ay ang lalaki na may dalang isang boquet ng rosas.


Nakangiti sya. Matamis na ngiti. Ang mga ngiti nya na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Napakasarap sa pakiramdam na para sakin na yung mga ngiting iyon. Ngiting noon ay hirap na hirap akong makuha.



Pero ngayon ay nasa harap ko na.


"Staring someone is rude. Baka matunaw ako nyan *chuckels*"

Bigla naman akong nagiwas ng tingin ng narealize ko ding nakatitig pala ako sa kanya. "Just kidding haha. Btw thankyou for coming, akala ko di mo na ko sisiputin eh."


Inabot nya sakin ang dala nyang bulaklak. "Thanks"

"Hmm, you like it?" tanong nya habang tinuturo ang paligid ng rooftop.

I nodded. "Hmm sobra, pero mas maganda kung sa baba pa lang ng hagdan may ilaw na. Pano kung natakot ako at di tumuloy dito? Edi sayang lahat ng effort mo tss." pagtataray ko sa kanya.




Syempre kunwari lang, pahard to get ako eh hehe.

"But you still came, kasi alam kong kahit natatakot ka, tutuloy ka pa rin at di mo ko bibiguin *wink*"






>/////////<



'Mayghaddd am i blushing?





"A-ang taas naman ng kumpyansa mo sa sarili mo ah." i rolled my eyes to him. Ganun ba ko kaobvious sa pagpapahard to get ko kaya alam nyang sisiputin ko sya ngayong gabi -__-







-------*

A/N:

Ayan, bibitinin ko muna kayo sa ud hahaha.

Ano kaya ang mangyayari sa date nila Peter? :)


Sorry for the slow ud. Im starting to make a new story :) entitled: "The heartless star". Maganda po ito promise :) romantic action. Malapit ko ng ipublish ang first chap. :) And kung mahilig po kayong magbasa ng quotes and facts meron din po ako :) sana basahin nyo.

Thankyouuu :*

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon