ROSE' POV
"Nagiging halimaw ka na Rose." Sabi ni Kuya sakin. Umirap lang ako sa kanya at tinuloy ang pagsuntok at sipa sa mga naglalakihang puno.
"Kailangan kong maging ganito kuya." Sabi ko.
"Hindi solusyon ang pagpapahirap sa sarili mo at sa ibang tao, Rose. Alam kong alam mo yan." He said. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa puno.
Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko.
"Kuya, hindi ko na alam. I want to keep fighting with him but our time is too short. Anytime, pwede na tayong sugurin ni Hades and by that time dapat kaya na nating ipagtanggol ang sarili natin."
"Rose, wag mong gamitin sakin yang wikang pantao." My brother said. I nearly rolled my eyes.
"Umuwi ka na lang kuya at magsanay din." Sabi ko. Napailing-iling na lang siya at lumapit sakin.
"Hahayaan kita sa isang kondisyon."
Kumunot ang noo ko ng bigla niya kong akbayan."Ano?" I asked. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko.
"Labanan mo ko Rose. Kapag nanalo ka, hahayaan kitang gawin lahat ng gusto mo." He said monotonously.
"Nahihibang ka na ba? Alam mong wala kang laban sakin kuya." I exclaimed. Naramdaman kong umakyat ang kamay niya sa buhok ko at sa isang iglap lang bumaon na ang mukha ko sa lupa.
Naramdaman ko ang paglagapak ng katawan ko sa sahig habang paulit-ulit niya kong inilulubog sa lupa.
"Rose, sa tingin mo, sino ang walang laban satin?" He said with a cold voice. Napasinghap ako ng bitawan niya ko.
Ngayon lang ako natakot ng ganito sa kapatid ko. He's powerful now. Hindi ko akalaing lalagpasan niya ko sa loob ng maikling panahon.
"Pupunta tayo kay Acon." He said. Agad akong napabangon at nagpunas ng bibig.
"Hinding-hindi ako pupunta sa kanya!" I hissed.
"Si Acon lang ang makakatulong sayo Rose."
Umiling ako. Ayoko. Ayoko ng makita pang muli si Acon. I've suffered enough because of him. He was once a loyal knight of the Earth Kingdom.
Pero tumiwalag siya at sumapi kay Hades. He wanted power, pero nilamon siya ng kapangyarihang ninais niya.
He was cleansed pero ang mga kasalanan niya ang bumago sa anyo niya.
Si Acon, ang lalaking ahas. My brother's exbestfriend.
"Nagsisisi na si Acon!" My brother hissed.
"Hindi maibabalik ng pagsisisi niya ang buhay ng mga namatay dahil sa kanya kuya!" I snapped. My brother punched me kaya gumanti ako.
We fought like we're not siblings. Kung may gusto siyang patunayan pwes taliwas yun sa paninindigan ko. I will never forgive that man. He killed our grandparents. At kahit anong pagsisisi niya, wala ng magbabago.
"Buksan mo ang mga mata mo Rose!" Napaluhod ako sa lupa ng sikmuraan ako ni Kuya.
"Patayin mo na lang ako." I gritted my teeth. "Or else ako ang papatay sa kanya."
BINABASA MO ANG
MNMCR 2: DEMONIC RULE
FantasyBook 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle ground where trust is fatal. Where love means death. Were friends become enemies. A war that has...