Rule #14 Fire Vs Ice

48.8K 1.8K 686
                                    

Happy 21st Birthday to me!!! :* xoxo


CRIMSON's POV

When we heard what happened to Ash and Lhorraine from the Pegasus kinilabutan talaga kami. Not because naging Demon si Ash, kundi dahil nagsasalita yung Pegasus!! The ef lang diba? Saan ka nakakita ng hayop na nagsasalita?!


"Cool ngang tignan eh black." Wave said habang sinusuri ang armor ni Ash. Well, we all expected it to be white. Kasi yun naman ang presumed color ng hangin. 


"Besides sa ugali mukhang wala namang nagbago sayo." I said. He glared at me. Totoong nagbago ang ugali ni Ash. Kung noon pinaglihi lang siya sa sama ng loob ngayon pinaglihi na siya sa kasamaan mismo. 


If he fights with Daisy and Leif nambabali talaga siya ng buto. Hindi niya kinocontrol yung sarili niya. Nananakit na lang siya bigla-bigla. Kaya nga tahimik na lang kami ni Wave minsan. Hayaan ng si Leif at Daisy magsuffer wag lang kami. 


"Pero kahit ganyan ka bro, love kita." nababaklang sabi ni Leif kaya binatukan na siya i Ash. Pigil ang tawa namin ni Wave na paubo-ubo na lang. 


"What do you think you're doing?!" Bulyaw ni Ash kay Daisy na kasalukuyang nagluluto. "Kababaeng mong tao hindi mo alam magluto?!" Ash yelled. Naiiyak na si Daisy kasi kanina pa siya sinesermonan ni Ash. 


"Ang harsh mo talaga sakin." She sniffed. Quiet na lang ulit kami baka kami pa mapagbuntungan niya ng galit. 


"Ayusin mo kasi! Tsaka dalian mo ha?! Nagugutom na ko." He hissed. Agad kaming nag-iwas ng tingin nung bumaling siya samin. 


"Makapaligo na nga." I said. 


"Kaliligo mo lang basa pa yang buhok mo." Pambasag sakin ni Leif. I glared at him. Pero tumawa lang siya. 


"Mainit eh. Pake niyo ba? Tch." I hissed at dumiretso na sa talon upang maligo. Sumunod naman sakin si Wave bahala silang mabugbog ni Ash dun. 


"Nakakatakot na si Ash ngayon." Wave said. 


"Parang dati naman siyang nakakatakot." We chuckled. Nagbabad kami sa talon na hotspring. Oo, hotspring siya na waterfalls version. Iinit-init na nga sa hotspring pa kami naligo diba? Tsk. 


"Makakalaban din kaya natin sina Kristine kapag tayo na susunod?" Wave asked. Napabuntong hininga na lang ako.


"Expect the unexpected nga talaga." Marami pa kaming napagkwentuhan ng mapansin kong lumalamig na yung tubig. Bumibilis at lumalakas na rin ang pagragasa ng tubig. 


"Umalis na tayo dito." I said to Wave dahil nasa medyo gitnang bahagi pa kami ng tubig. Kailangan pa naming lumangoy papuntang pampang. Agad na nakaalis sa tubig si Wave because ofcourse he was born a swimmer. 


"Dali Crimson!" Wave called me. I'm not really a good swimmer. Wave was about to grab my hand ng biglang lumakas ang agos ng tubig at tangayin ako. I couldn't remember if how many times I bump into something. Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil maya't maya'y lumulublob ako sa tubig. 

MNMCR 2: DEMONIC RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon