JANA's POV
I grasped on my sister's body. Hinawakan ko siya ng mahigpit at bahagya siyang niyugyog. I cannot lose her again.
"S-Stella." I couldn't even hear my voice. I can't even move my body. Feeling ko tuluyan na kong nabingi sa lakas ng mga pagsabog.
"Stella, wake up." I tried to talk to her through telepathy pero hindi siya sumasagot. Hindi na rin siya gumagalaw o kahit humihinga. I tried so hard to grasp her hard. Hindi ko na rin marinig ang paghagulgol ko. Hindi ko na maramdaman ang mga luhang umaagos sa mukha ko.
"Not again, I'm not gonna lose you again."
Alam kong wala na kong laban. Yun na ang pinakamalakas kong kapangyarihan. I have failed, Hades' powers were beyond our imagination. I can no longer move my body.
If there's someone who can hear me, please listen to me even just once. Kahit ngayon lang pakinggan mo ang hiling ko. Alam kong nasa lugar ako kung saan wala kang pakealam, kung saan hindi sakop ng iyong batas, pero nagmamakaawa ako kailangan ko ng iyong tulong.
Ikaw na kinikilalang Diyos ng lahat, Diyos ng mga tao, pakiusap dinggin mo ko.
Bigyan mo ko ng lakas upang tuluyan ng mawakasan ang kasamaan sa mundong ito, bigyan mo ko ng lakas upang maprotektahan ang kapayapaang binuwisan ng buhay ng aking Ina at maging ng aking kapatid.
Alam kong wala akong karapatang humiling pero sana'y pakinggan mo aking daing..
I cried as I prayed. We were forbidden to pray, pero sa ngayon wala na kong ibang makakapitan. Wala na kong alam na pwedeng hingan pa ng tulong.
Himala na lang ang makakatulong sa amin.
Unti-unti na kong nakakaramdam ng antok. Namamanhid na ang katawan ko, until I drove to sleep.
"Jana... Jana..."
I opened my eyes just to see a very unfamiliar place. Lahat ay puti and I'm even wearing a white greek style gown.
"Jana..."
"K-Kuya, ikaw ba yan? Nasa confession room po ba ako?" I asked. Lakas kasi makaPinoy Big Brother ang boses nung nagsalita. Inikot ko ang tingin ko pero lahat ng naabot ng akin tingin ay puro puti.
"Ako ito Jana, ang Ama ng lahat, ang lumikha sa sanlibutan."
I immediately kneeled and bowed my head.
"P-Patawarin niyo po ko sa aking kapangahasan, kayo na pinakamakapangyarihan sa lahat." My voice was trembling.
"Ano ang iyong nais?"
"Alam ko pong wala akong karapatang humiling, ngunit alam kong iyong batid ang aking intensyon. Nais ko lamang pong maibalik ang kapayapaan at kasarinlan sa mundong alam kong hindi niyo sakop."
BINABASA MO ANG
MNMCR 2: DEMONIC RULE
FantasyBook 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle ground where trust is fatal. Where love means death. Were friends become enemies. A war that has...