Rule #25 The Goddesses

42.9K 1.6K 653
                                    

Nakatingin lang ang mga Tieflings sa Fragile Form ng tatlo. They don't know what to think and believe anymore. Kahit ano namang gawin nila'y wala silang laban, walang magbabago. 


They don't know if they should trust them or not. But they did what they said. Binantayan nila ang kanilang mga Fragile Forms. Parang tumitibok ang mga fragile forms nila kasabay ng pag-ilaw-ilaw ng mga ito. 


JANA's POV

Naalibadbaran na ko! Bakit laging POV ko na lang?! Tsss. 


I met with Stella and Daemon after naming libutin ang Underworld, mukhang wala pa namang hinala si Hades but I can sense that Zero is not trusting us that much. He can be a great asset, magiging malaki siyang tulong kung aanib siya samin, but his loyalty is with my father. 


"How is it?" I asked them. 


"Ignis can protect them, but still after all of these, alam kong nahihirapan silang unawain at pagkatiwalaan tayo but I hope they would." Daemon said. I clenched my jaw. 


We know hindi maganda ang ginawa namin but we need to rush things, we need to kill them for them to be born again at mag-evolve ulit at makuha ang tiwala ni Hades. But still I'm in doubt kung magiging sapat na ba ang pwersa namin laban sa kanya. I failed to measure his power. He can conceal them. 


Kailangan ko ring mag-ingat kay Ina, she's a Black Demon now, kapag nakipaglaban kami ni Stella sa kanya, I'm pretty sure, Stella will be slayed. I need to be stronger hindi ko hahayaang mawala ulit ang kapatid ko. 


THIRD PERSON's POV

They've been quiet for hours, natrauma sila sa mga nangyari sa kanila. They are just unconsciously waiting for Princesses to be born again, hindi na nga rin nila maramdaman ang gutom at antok. 


Ignis roared napahiyaw silang lima sa gulat. 


"D*mn this Dragon!" Crimson cursed. 


"Malapit na silang maisilang muli." Ignis said through telepathy kaya nagkatinginan silang lima. 


"You can actually talk." Daisy gasped. 


"Ilagay niyo ang perlas sa batis." He said. Nagkatinginan muna silang lima then did what he said. Maingat nilang dinala sa batis ang perlas. Nakakasilaw ang liwanang nito as soon as it touched the water. 


"Ilagay niyo sa ibabaw ng higanteng kabute ang bahay-uod (cocoon)." 


And again they did what he said.


"Ipatong niyo sa kumpol ng mga dahon ang itlog." 


"Ngayon mga tieflings, kumuha kayo ng kaliskis ko at sugatan ang inyong mga palad, ipatak niyo ang inyong dugo sa batis, sa higanteng kabute at kumpol ng mga dahon." 


They don't know what to think anymore they just let him order them around, gusto rin nilang mabuhay ulit ang tatlo at maniwalang totoo ang sinabi ni Daemon na hindi talaga sila mga kalaban. 

MNMCR 2: DEMONIC RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon