Rule #5 Human World

58.6K 2.1K 192
                                    

Multiples of 5 po ang update ko for Human World Chapters. Afterall they are still part of the story :).

Every weekend po ako magUUD and it still depends on number of votes and comments lav yah! :)

JANE's POV

"3 boxes of Hawaiian Pizza, for special delivery." Vixen grinned and put it on top of the mini table.

"Akala ko ba sumabay ka kina Zee sa check up ni Bea?" I asked and opened the box of pizza he bought.

"Nauna na kong umuwi, may dadaanan pa daw sila." He said. 6 months na ang ang tiyan ni Bea. We are all excited na nga para sa panganganak niya.

"Wow! Pizza!" I heard Briggs exclaimed. As usual nakabalandra na naman ang malaki niyang katawan habang nakasabit sa balikat niya yung tshirt niya.

"Ang bastos mo talaga kahit kailan!" Hinampas ni Junea yung braso ni Briggs habang kumukuha ito ng pizza.

"Ikaw paraparaan para makatsansing eh!" Tawa ni Briggs and bit his pizza.

"Ang kapal mo ha! Baboy ka naman!" Junea squealed kahit sobrang pula na ng mukha nito.

"Muscles toh Pandak, kapag nauntog ka dito magkakaamnesia ka." He laughed wholeheartedly. Mas lalong napikon si Junea kaya pinagkukurot niya ang pinagyayabang nitong mga muscles na nakakaamnesia.

Natawa na rin ako sa kulitan ng dalawa. I took a bite on my pizza at sinubuan si Vixen.

Hindi kami magboyfriend, but we're dating. We're sweet with each other pero friends muna.

"Etoh oh Coke, ikaw Jheraine?" Alok ni Vixen habang nagsasalin siya ng coke sa baso.

"Juice lang yung akin." I heard Jheraine said. Hindi man obvious pero siya ang pinakahealth concious samin.

Actually, naggagatas pa yan everyday-everynight. Twice a year ang executive at dental checkups. Naglalagay pa yan ng polbos at nagpapapunas ng pawis sa likod.

Hindi niyo kami agad nakilala I know, at yung first impressions niyo ay hindi rin naging maganda. But I hope you'll eventually appreciate our existence.

"Yaya, nakapagsqueeze ka na ba ng orange juice ni Jheraine?" I asked the maid.

"Ah opo ma'am, wait lagyan ko lang po ng yelo." She said.

"Okay thanks po!" Jheraine grinned at tinuloy ang paglalaro sa Ipad niya.

"Asan nga pala si Rion." Junea asked pagbalik niya mula kung saan man sila nakarating ni Briggs.

Kumuha siya ng pizza pero bago pa niya kinagat mat umagaw na nun sa kanya. Well sino pa ba?

"I heard may meeting sila with the BODs alam niyo naman pinaghahandaan ang future nila ni Jhe." Pang-aasar ni Vixen.

Mas lalong nagsumiksik sa sofa si Jheraine para itago ang pamumula nito.

"Wow si bunso kinikilig." Junea chuckled. Napangisi na lang ako.

"Jheraine kumain ka ng pizza ang payat-payat mo na." Alok ni Briggs.

"Wow! Ikaw pa talaga nag-alok nahiya namin kami sayo sinolo mo na yung isang box." Singhal ni Junea dito. Hindi siya pinansin si Briggs at tuloy lang sa paglantak ng pizza.

Biglang umilaw ang phone ko and I saw how Vixen stared at it. Si Wave pa rin kasi ang wallpaper ko.

Hindi naman kasi parang pagpapalit lang ng damit ang pagmomove on. It takes time.

MNMCR 2: DEMONIC RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon