SHORT UPDATE
"Zero..." Ito na ang tamang panahon. Hades declared. Tumayo siya sa kanyang trono at tumingin sa isang malaking salamin kung saan nakaflash ang mga kaganapan sa underworld.
"Nakuha na nila ang limang elemental weapon." Sabi ng isang mysteriousang babaeng nakasuot ng itim na hood.
"Ngayong nasa atin na ang ikaanim na elemento, tiyak na ang ating tagumpay." Another mysterious girl said. It was said before that there are 5 main elements and 2 forbidden. Ice Element is already conquered by Kristine.
And the Steel Element Guardian is already on the side of Hades.
"Stella." Hades called her. Apat lang sila ngayong nasa Fire Kingdom. Si Hades, si Zero, the mysterious girl and si Stella, the Steel Element Guardian.
"Ano po iyon Mahal na Hari?" Stella asked Hades.
"Kayong dalawa ay sapat na para makuha natin ang elemental weapons. Tayo na ang maghahari sa Underworld! HAHAHAHAHA!!!" He laughed devilishly. Stella and the mysterious girl smirked at each other.
"Masusunod, Hari ng Underworld." They both smirked.
LIBRA'S POV
Napatingin ako sa mga marka sa aking katawan. Ako nga dati yung cursed book diba? Kaya yung mga marka sa katawan ko ay ang mga sumpang dating nakaukit sa libro.
"Uyy Ms. Philippines." Napatingin ako kay Jana. Yan ang tawag nila sakin ni Leila dahil kung umasta daw ako para akong dalagang Filipina sa sobrang hinhin.
"Ikaw maid of honor sa kasal namin." She laughed as she pulled Crimson to her side. Napangiti na lang ako, buti naman naging maayos na ang relasyon nila. They became more open with each other. Lagi na silang magkadikit kahit saan man sila magpunta.
"Uyy! Bakit kasal agad? Bakit kayo mauuna? Diba dapat sina Ash at Lhorraine?" Singit naman ni Leila.
"At bakit kailangan silang mauna?" Jana glared at Leila.
"Kasi nag rated SPG na sila!!" Leila blurted. Napatingin pa kaming lahat kina Ash at Lhorraine sa gilid na mukhang natigilan pa sa narinig. Kristine burst out laughing. Pati sina Rose, Wave at Leif natawa na rin. Napailing na lang ako. Sina Daisy at Daemon may sariling mundo.
"Paano ba yan? Talo tayo." Jana whispered to Crimson.
"Pwede naman kayong magsabay-sabay diba?" I asked them.
"Uyy!! Di pwede! Pabonggahan dapat!" Kristine said.
"Oo nga para marami tayong dadaluhang pafoods." Jana said.
"Bakit ba kasal na pinag-uusapan niyo eh ang babata niyo pa?" Rose asked.
"Oo nga naman Jana, siguro dito satin, ito yung usual age pero sa mga tao, masyado pa silang bata." Lhorraine added.
Napanguso na lang si Jana na mukhang pinagkakaisahan na nila. I held her hand and smiled ta her.
"Sigurado ako, ikaw ang pinakamagandang ikakasal." I whispered to her. Halos maubo ako ng bigla niya kong hampasin ng malakas sa likod.
"The best ka talaga." She laughed.
"Oyy! Ba't mo hinampas yung bestfriend ko!!" Leila hugged me. Natawa na lang ako, bukod kasi kay Kristine, si Leila ang laging nakakaasaran ni Jana.
"Whoah! Bestfriend daw! Libra, sino besfriend mo saming dalawa?" Jana asked. Napasinghap tuloy ako sa tanong nila. They're glaring at each other.
"Para kayong mga bata. Matulog na nga kayo." I said to them. Napabuntong hininga na lang ako ng bigla silang magpillow fight hanggang sa damay-damay na lahat.
HADE's POV
Lihim akong napangisi habang pinagmamasdan silang nagkakasiyahan.
"Sulitin niyo ang nalalabi niyong oras, dahil sisiguraduhin kong magdurusa kayong lahat." Tumawa ako ng malakas at tinawag si Zero. Kung hindi ko makukuha si Daemon, si Zero and gusto kong mapangasawa ni Jana.
May itim na puso ang aking anak at sigurado akong iyon ang maghahari sa loob niya. Sa akin pa rin siya papanig. Siya pa rin ang magiging reyna ng palasyo.
"Ihanda ang hukbo Zero, lulusob tayo sa lalong madaling panahon."
"Masusunog mahal na hari." Sabi nito.
"Ito na ba ang tamang panahon Hades?" Napatingin ako sa babaeng lumabas mula sa madilim na parte ng palasyo. Napangisi ako.
"Ito na ang tamang panahon Mahal kong Reyna." Tawa ko. Binuhay ko muli si Yren, ang Ina ni Jana. Namatay siyang ipinagtatanggol ang Fire Kingdom laban saming mga Black Demons. Ngunit binalik ko siya bilang Black Demon at ang katapatan niya ngayo'y nasa Black Demons na.
Siya ang magiging susi ko para hindi makawala sa mga gapos ko si Jana. Kokontrolin ko siya gamit si Yren.
"Bumalik ka na sa iyong silid Yren, darating ang panahon kung kailan pwede na kitang ipakita sa anak mo." Isang ngisi ang nabuo sa mga labi ko.
"Masusunod Mahal na Hari." Sabi nito at bumalik na sa silid niya. Muli ko silang pinanood na magkasiyahan.
"Ituloy niyo lang ang inyong kasiyahan dahil ako ang sisira nito. Hahahaha!!!"
BINABASA MO ANG
MNMCR 2: DEMONIC RULE
FantasyBook 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle ground where trust is fatal. Where love means death. Were friends become enemies. A war that has...