SOMEONE's POV
"Umaayon lahat sa plano mo." Sabi sakin ni Zero. Napangisi na lang ako at sumandal sa trono ko.
"Magtatagumpay ako Zero." Bahagya akong tumawa at nilaro sa mga daliri ko ang maliit na punyal na hawak ko.
"Anong gagawin mo sa mga Prinsesa?" Tanong niya sakin.
"Sila ang kusang lumayo, mas mabuti na yun ng mas mapadali ang pagkuha ko sa mga Elemental Weapons."
"Kakalabanin mo ang palasyo ng mag-isa. Baka mapahamak ka." Sagot niya.
"Tumigil ka na Zero, alam mong wala ka ng mapapala sakin." Alam kong gusto ako ni Zero. Pero hindi kami pwede. At hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal na binibigay niya.
"Nag-aalala lang ako sayo!"
"Kaya ko ang sarili ko! Hayaan mo na lang ako pwede ba?! Suporta lang ang kailangan ko sayo Zero, hindi pagmamahal. Aalis na ko."
JANA's POV
"Baliw ka ba?"
Agad kong pinampag sa kamay ko yung paru-parong dumapo sa daliri ko. Tinatakot ko lang naman kasi yung paru-paro na kakainin ko siya pero nakita pa ni Crimson.
"Ano bang pakealam mo? Kumuha ka ng sarili mong paru-parong kakainin." Irap ko sa kanya.
"Baliw ka na nga talaga." Naiiling na sabi nito.
"Ano bang ginagawa mo dito?! Bakit hindi ka nagtretraining?" I asked.
"I am about to pick some roses ng may makita akong nangangain ng butterfly." He smirked. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
"At saan mo naman gagamitin yung roses?" I asked. Tumaas ang kilay niya sakin at pumitas ng rosas na pula.
"Ito daw kasi ang paboritong rosas ni Aurora." He said.
"A-Aurora? S-sino naman yun?! At tsaka bawal pumitas ng rosas dito sa royal garden!" I hissed at inagaw sa kanya yung rose na pinitas niya.
His forehead creased. "Bawal pumitas pero kinakain mo?"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha! Anong akala niya sakin?! Patay gutom?!
"Akin na nga yan. She's expecting this!" He hissed and grab the rose from my hand. Mabilis siyang naglakad paalis kaya sinundan ko siya.
"Sinong Aurora?!" I exhaled. Mabilis ang lakad niya kaya halos habulin ko na siya.
Bigla siyang tumigil at humarap sakin kaya bumangga ako sa katawan niya. Buti na lang napaatras lang ako ng konti.
Bakas na bakas ang galit at pagtataka sa mga mata niya. Napalunok tuloy ako at napahawak ng mahigpit sa palda ko.
"Wag mo kong pakealaman, dahil nawalan na ko ng pakealam sayo." His voice is freakin' cold. He left me shocked and dumbfounded.
Nagtaka pa ko. Kasalanan ko naman talaga. I deserve this pain and his hatred. I chose the easiest yet crookest way.
----
"Ayos lang yan." Libra tapped my back. Kanina pa kami nandito sa veranda ng kwarto namin.
"Hindi naman siguro ganun kadaling magmove on diba?" Dagdag pa niya.
"Naguiguilty lang kasi ako, they don't deserve to be treated like this, pero yun ang kailangan. Konti na lang ang oras." I sighed.
"Magtiwala ka lang sa kanila Jana. The ring chose them." She smiled. I forced a smile kahit papano'y gumagaan ang pakiramdam ko dahil kasama ko si Libra.
BINABASA MO ANG
MNMCR 2: DEMONIC RULE
FantasyBook 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle ground where trust is fatal. Where love means death. Were friends become enemies. A war that has...